Chapter 24 💖 Karina 💖 The Prom

177 7 5
                                    


"NO. You're not going with anyone." Zereff said with finality in the tone.

"What? Pero J.S Prom yun Z. Kailangang may Escort." Ani kong naguguluhan dito.

Sinabi ko kasi ditong hindi ako makapili sa mga nag-alok sakin na maging Escort ko. Dalawang araw na lang mula ngayon gaganapin na ang Junior and Senior Prom namin. Isa iyon sa mga pinakainabangan ng isang high school student na maranasan sa buhay nila. At isa na ko sa mga estudyanyeng iyon.

"Hindi nga Karina. Puwede ka namang um-attend ng walang Escort. Hindi naman requirement na meron." Anito pa na tuloy sa ginagawang pagsampay ng mga damit ng mga ito sa likod bahay nito, habang ako naman ay nakaupo sa pasimano ng bahay ng mga ito.

"No! Ayoko ngang pumunta ng walang escort! My friends have one while me has none? Ano na lang ang magiging itsura ko niyon? Magiging kawawa akong tignan niyon Z." Iritableng wika ko dito.

Nakakaloka naman kasi ito. Akala ko pa naman matutulungan ako nitong magdesisyon kung sino ang dapat kong piliin sa mga nag-alok sakin na maging escort ko, yun pala ay hindi ako nito papayagang may kasamang iba. Samantalang kung may choice lang ako naman ako, walang akong ibang pipiliin kung hindi ito.

"Hindi lang naman ikaw ang walang Escort niyon sigurado. At isa pa, bakit ka naman magiging kawawang tignan niyon. Sa ganda mong yan, malamang, pagpasok mo palang pila na ang makikipagsayaw sayo." Wika nito na bakas ang disgusto sa sinabi.

Nag-palpitate ako sa isang salitang nadinig ko mula dito.

"Maganda ako? T-Talaga?" Hindi naiwasang mangiti na ani ko. Iyon lang kasi yung malinaw na pumasok sa isip ko sa haba ng sinabi nito.

"Yun lang talaga ang nadinig mo ha?" Napapailing na wika nito. Ngumiti lamang ako ng malawak dito na kinasingkit lalo ng mga mata ko. Bumuga ito ng hangin bago napangiti. "Yes Baby. Magandang maganda in fact." Anito na tinitigan ako ng malamlam. "Kaya please, huwag ka ng pumili sa kanila." huling sabi nito.

"Eh bakit kasi hindi puwede? Ayoko din namang pumili Z. Kaso, gusto ko din naman na may kapartner ako para 'di naman ako katawa tawang tignan." Anang ko na medyo inis na lang.

"Kanina kawawa, ngayon naman katawa-tawa. You know very well that you are nothing like that Baby. Basta hindi ka puwedeng um-attend ng may escort, and that's final." Anang nito na hindi na tumingin sakin. Nakakairita talaga ito. Hindi ko alam bakit ayaw nito na may kasama ako, normal lang naman na may katerno sa ganoong pagdiriwang di ba?

Unless.... nagseselos ito?
Kumabog ang puso ko sa tuwa sa kaisipan na iyon.

"Kaya ba hindi puwede kasi ayaw mo?" Tanong ko dito.

"Isn't obvious? Of course ayoko." Sagot naman nito.

Napangiti ako.

"At kaya ba ayaw mo... Kasi... Kasi, nagseselos ka?" Sunod kong tanong na kinatigil nito saglit at kinautal.

"W-What? A-Ako magseselos? H-Huh... Why would I be jealous with other man? They're not even a man yet at the very least-"

"Then why you don't like it?" Putol ko sa lintanya nito. Buko na ito ayaw pang umamin eh.

"K-Kasi ayoko lang. No other reasons okey. Sinong matinong boyfriend ang papayag na may ibang maka-partner ang girlfriend nila-" Anang nito.

"Yung boyfriend na hindi magagawang masamahan siya kasi secret yung relationship nila." Putol ko muli dito na tuluyan ng napika. Ang dami pa kasing sinasabi nito. Hindi na lang umamin na nagseselos lang talaga.

"Baby Bun-

"Don't baby bunny me now Z. Hindi sapat na rason yung ayaw mo lang. Hindi ko maiintindihan kung yun lang ang ibibigay mo saking dahilan. Kung hindi mo maamin sakin yung totoong rason kung bakit ayaw mo, sana kahit sa sarili mo na lang, aminin mo. Sumasakit yung brain ko sayo. Diyan ka na nga!" Inis na wika ko dito at iniwan na ito. Nadinig ko ang habol na pagtawag nito sa akin.

Was I Ever Really Loved By You? (TRAMYHEARTSERIES #2) (ON-GOING)Where stories live. Discover now