Chapter 29 💖Karina💖 Sing

149 8 3
                                    

Few Months Later After The Breakup

"Kari please, umuwi na tayo. Lasing ka na." Pangungumbinsi sakin ni Morriz na inagaw ang baso ng inumin ko. Baka itapon nito iyon ang mahal pa naman ng isang shot niyon.

Nasa bagong bukas na Bar ako, ang Zeats Bar.

"Noooo! Hindi pa ko lasing. Kaya ko pa okaaaay? Tignan mo, hindi pa dalawa ang paningin ko. Akin na nga iyan." Parang timang na napapahagikgik na palag ko dito sabay kuha ng baso kong kinuha nito.

Hindi pa naman talaga ako lasing noh. Tipsy lang pero hindi pa drunken. Malakas kaya ang alcohol tolerance ko, hindi nga lang kasing lakas ng sa kaibigan kong si Lave.

Bakit ba andito na naman ito? Ang alam ko may trabaho ito ngayon ah. Hindi na naman nito pinasukan para sundan ako? Lagi na lamang itong nakasunod sakin na parang tuta, sa University man o sa kahit anong lakad ko. Nakakairita na. Ayoko ngang nakikita ito dahil naaalala ko lamang ang hayop kong Ex na siyang kuya nito.

"No Kari. Kapag hindi ka pa talaga tumigil, tatawagan ko na ang mga Kuya mo sige ka." Pagbabanta nito na tinawanan ko lamang.

"Go... Tawagan mo." Anang kong ngumisi lamang dito, dahil alam kong hindi darating ang mga kapatid ko. Takot lang ng mga iyon na madakdakan ko. Idagdag pa na isa din sila sa dahilan kung bakit naglalasing ako.

Sapagkat niloko din nila ako. Batid ng mga ito na nagpakasal si Zereff sa ibang bansa. Alam na alam ng mga ito mula pa lang umpisa, pero hindi ng mga ito sinabi man lang sa akin at sa halip ay naging katuwang pa ni Zereff para patuloy na lokohin ako.

Sinubukan ng mga ito na sabihin sakin ang dahilan, pero hindi ko tinangkang pakinggan. Ayoko. Dahil kung anoman ang dahilan ng pagpapakasal nito, hindi na iyon ang mahalaga sa ngayon, dahil nahulog na ang loob nito sa babaeng pinakasalan sa bansang iyon.

"Bloody Mary please." Anang ko sa guwapong Bartender na napapailing lang sa akin.

Napataas ang kilay ko sa pag-iling nito.

Hindi pa ba ito sanay sa ganitong eksena? Bar kaya ito, normal lang na maglasing ang mga customer, right nila yun, kaya nga kumikita ang bar na ito eh.

"You can't take another shot. Your boyfriend is right. You must go home miss." Wika pa nito na nagpaka-abalang gumawa ng alak para sa isang babae na ilang dipa lamang ang layo sa akin.

"He is not my boyfriend okey?! Single ako?! Siiiinggle! At kaya ko pa!" Asik ko dito. Naa-atribidahan ako sa lalaking ito. Hindi na nga ko sinunod, tapos tamang payo pa ang loko.

Umiling lamang ito at iniabot ang nagawang inumin sa babae na umorder niyon.

"How's the taste?" Tanong nito na nakangisi sa babaeng pinagbigyan nito. Malandi namang tumawa ang babae dito.

"Great. But I bet you're greater than this..." Wika ng hitad na babae dito at malanding nangunyapit sa leeg ng atribidong bartender.

Sa inis ko nga sa pagpi-PDA ng mga ito, lumapit ako sa dalawa at kinuha ang alak na inilipag ng makiring babae sa island table saka dire-diretsong tinungga iyon. Kung ayaw ako nitong bigyan ng inumin, kukunin ko na lamang ang ginawa nito sa babaeng kinulang sa tela ang pananamit.

Napa-ahhhh pa ako pagkainom ko sa hagod na dala ng ninakaw kong inumin.

"Bitch! Bakit mo kinuha ang inumin ko!" Napabitaw sa leeg ng bartender na asik sakin ng babae.

Kinibitan balikat ko lamang ito at binalik dito ang baso. Nadinig ko ang marahang tawa ng bartender sa reaksyon ko.

"Babayaran ko. Ayaw niya kong bigyan eh. Anyway, asan ang manager niyo? Kakausapin ko lang." Wika ko sa bartender na umupo sa isang stool.

Was I Ever Really Loved By You? (TRAMYHEARTSERIES #2) (ON-GOING)Where stories live. Discover now