Chapter 19 💖 Karina 💖 Hotseated

146 7 0
                                    


Pinilit kong itago ang pagka-aligaga ko ng dumating ang ini-expect na bisita ng pamilya ko.

Birthday ng Mommy namin kaya andito ngayon ang mga binatang Guillermo para sa dinner. Nakagawain na ito mula pa noong nabubuhay pa ang mga magulang ng dalawa. Kahit anong okasyon ay kailangang imbitado ang bawat pamilya dahil hindi na iba ang turingan ng mga ito. At kahit nang mamatay ang mga magulang nila Z ay hindi nagbago ang gawi na iyon. Kahit pa nga noong hindi na masyado nagpupunta ang dalawa sa bahay namin ay hindi ng mga ito nakakaligtaan ang dumalo kapag may okasyon. Kaya noong nagbago si Zereff ay lagi kong inaabangan ang susunod na mangyayaring okasyon samin dahil doon ko lamang ito makikita.

Pero iba ngayon. Hindi ko alam kung ipagpapasalamat ko ba na andito ito ngayon. Dahil hindi ko pa din nakakalimutan ang nangyari noong bagong taon.

"I'm glad we are able to do this again. Namiss ko ito. Wala kasi kayong dalawa nung New Year dito." Malawak ang ngiti na ani ni Mommy.

"We're so sorry Tita. May sakit po kasi ako niyon, ayoko naman pong makahawa sa inyo kaya hindi na po ako pumunta. May gig contest naman po itong si Morriz na sinalihan hindi puwedeng hindi siya magpunta siya po kasi yung lead vocals nila." Wika ni Z.

"Opo Tita Lore, pasensya na po talaga." Ani naman ni Morriz.

"Hayaan niyo na iyon, ang importante andito kayo ngayon. Nanalo ba naman ang banda niyo Morriz?" Ani naman ni Daddy na bakas din ang saya.

"Sadly hindi po. Pero pang second po kami kaya nakapag-uwi pa din kami ng consolation prize." Nakangiting sagot ni Morriz dito.

"Hay naku muntik na talaga akong magtampo sa inyo kung hindi sinabi ni Dim ang mga iyan. Buti at magaling ka na din Zereff. And congrats to you Morriz. Anyways, moving forward, I am thankful na kumpleto tayo ngayon. Hala sige kumain na tayo bago pa lumamig ang pagkain." Anang naman ni Mommy.

"Thank you po Tita." Ani ni Morriz na marahang tumawa.

"Thank you po Tita. Ay muntik ko na pong makalimutan, ito nga po pala. For the most beautiful birthday girl. Happy 55th Birthday Tita Lore." Anang ni Z na nakangiting iniabot ang maliit na box kay Mommy. Lumawak lalo ang ngiti ni Mommy at namimilog ang mata na tinanggap iyon.

"Oh! Anak, bakit nag-abala ka pa... Thank you so much!" Masayang pasasalamat ni Mommy kay Z at tumayo sabay yakap at beso sa pisngi ni Z. Kung iba lang ang makakakita, aakalain mong anak talaga ni Mommy ito dahil sa treatment ni Mom dito.

"Yung akin Tita ito po, that's not much pero galing po iyan sa puso ko." Wika ni Morriz naman na inabutan ito ng Paper bag. Binigyan din ito ng yakap at beso ni Mom sa pisngi na kina-react ng dalawa kong Kuya. Magaang at malapit ang loob talaga ng parents ko sa dalawang Guillermo.

"Mommy bakit ako wala? Binigyan din po kitang gift ha..." Ani ni Kuya Dim sa tonong nagtatampo. Napailing na lamang ako sa mga ito. Katabi pa naman nito ang girlfriend nito tapos ay nag-iisip bata. Natatawang napapailing na lang sa tabi nito si Ate Zaphiet.

"Onga 'My. Ako din walang kiss at hug." Ani naman ni Kuya Neo.

"Heh, wala naman kayong mga gift sakin noh bakit ko kayo yayakapin at hahalikan." ani ni Mom sa mga ito na nakanguso.

"Puwede ba namang makalimutan naming regaluhan ang pinakamagandang babae sa buhay namin?" Sagot ni Daddy dito.

"Baby, dont get jealous, your the cutiest naman eh." Ani ni Daddy sakin na natatawang inilingan ko lamang.

Tumatawang inakay ng mga Kuya ko at ni Daddy si Mom at dinala sa estante ng bahay namin. Tinanggal ni Dad ang nakatakip sa estante at napasinghap si Mom ng makita ang nasa estante. May set of dinnerwares doon na pinagtulungan naming maingat na i-display ng masinsin sa estanteng iginiyaan ng mga ito kay Mom.

Was I Ever Really Loved By You? (TRAMYHEARTSERIES #2) (ON-GOING)Where stories live. Discover now