Chapter 50 💖 Karina 💖 Another Trial

87 5 0
                                    

Hi Gorgeouses!

TramyHeart here!

Heres another chapter for you'all dope asses!

I hope hindi kayo mga nainip mga giliw kong tagabasa! 😭😭
Patawarin niyo sana ako sa hindi pag-update agad! Na-blangko kasi ang utak ng lola niyo mga Diyosa! Sana suportahan niyo pa din ako at bigyan niyo pa ko ng lakas ng loob na makapagsulat. Dahil sa totoo lang, nawawala minsan ang will ko sa dami ng problemang kinakaharap ko. Sana maunawaan niyo kong lahat. Mahal ko kayo guys!

♥️♥️♥️

— ♥️♥️♥️ —


Naluluhang pinagmasdan ko ang mukha ng kasintahan na kung ano anong mga kawad ang nakakabit sa katawan. Ilang mga gasgas at pasa ang nagsisimula nang mas bumakas sa mukha nito at katawan. Maga ang isang gilid ng mukha nito na tila tumama sa kung saang parte ng sasakyan na tiyak kong napakasakit kung aking mararanasan.

Nakakapanghina itong masdan sa ganoong kalagayan. Na tila ba walang buhay na nakahiga sa higaan ng hospital.

Kinakain ng takot ang puso ko na nangangamba pa din sa kalagayan nito.

Hindi ko magawang makampante lalo pa at lumipas na ang ilang oras mula sa tinurang oras ng Doctor na magigising na daw ito. Ayon pa dito, kapag hindi ito nagising, doon na magkakaroon ng mas malaking problema. Posibleng ma-coma ito dahil sa tinamong trauma ng ulo nito aksidente.

"Morriz..." Tila hinang hina na usal ko sa ngalan ni Morriz na nakatingin din sa relo nito sa palapulsuhan ng lingunin ko ito.
Bakas ang kabalisaan dito ito ng makita ang lumipas na mga oras.

"Tatawagin ko lang ang Doctor." Saad nito na agad tumayo at lumabas.

Bumangon ang saglit na namahingang kaba sa puso ko at tuluyang namalisbis ang mga luha ko na akala ko ay naubos na sa ilang oras kong pagpalahaw ng buong araw.

Hinigpitan ko ang kapit sa kamay nito na kanina ko pa hindi binibitawan mula ng pumasok ako sa kuwarto na kinalalagakan nito.

"Baby... G-Gumising ka na please... Bumalik ka na sa akin Z... Miss na miss na kita... Miss na miss ko na ang mga yakap mo. Ang mga halik mo. Gustong-gusto ko ng madinig ang boses mo. Gustong-gusto ko ng maglambing sayo... Gustong-gusto ko ng makasama ka... Lahat-lahat sayo... I promise, if you come back to me, I will never ever let you go. I will love and hold you more. I will forever be by your side even if you get fed up on me. Just please... Pleassssse... Come back to me..."
Basag na basag ang tinig na tangis ko sa kamay nito. Hinahagkan iyon na para bang makakatulong iyon upang magising ito.

Nagbabaka sakaling maramdaman nito ang kahit kalahati man lang ng pagmamahal ko dito, na madinig nito ang pagkamiss ko dito.

Please Lord... Wake him up...
Bring him back to us God...

Idinikit ko ang palad nito sa kanang pisngi ko at doo'y umamot ng kaunting lakas.

Ilang sandali ang lumipas bago ang hawak kong kamay ay bahagyang kumilos ng mag-isa. Hindi ko malaman kung nagmamalik-mata lamang ba ako o ano sa sobrang kapaguran at puyat sa nagdaang mga oras.

"A-Ang i-iyakin mo talaga B-Bunny ko..." Pagal at paos na wika ng isang boses na kinatulos ko.

Halata ang pagpilit sa sarili na maikilos ang kamay na gumalaw ang mga daliri nito na tila may inaabot na kung ano.

Was I Ever Really Loved By You? (TRAMYHEARTSERIES #2) (ON-GOING)Where stories live. Discover now