Chapter 28 💖 Karina 💖 Shattered

157 6 10
                                    


2012

After more than 3 years...

ZE Guillermo:
Let's break up.

I can't do this anymore.

Napapailing na napapangiti na lang ako sa mensahe na yun ni Zereff nang iangat ko ang laptop ko at mabasa iyon.

Ano naman kayang nakain nito?
3 kong natataranta agad ito at tatawag ng walang kaabog abog tapos ay papagalitan ako at magtatampo-tampuhan kapag hinahamon ko ng hiwalayan.

Kari Palencio:
Okey baby.
.
.
.
.
.
Just kidding!
What's up?

Do you miss me?

ZE Guillermo:
I am not kidding Kari.
Let's break up.
You know we can't go on like this.

Kumabog ng malakas ang puso ko sa kaba. Pero hindi, kilala ko ito, at alam kong binibiro lamang ako nito. Ilang taon na kami, at napakadami na naming pinag-samahan. Oo at hindi nawawala ang mga tampuhan at awayan, pero alam kong hindi sa ganito makikipaghiwalay sakin si Zereff. Kailan lang ay nangako ito sa akin na magpapakasal na kami pag graduate ko.
Kaya alam kong nagbibiro lamang ito.

Kari Palencio:
And I am not kidding too Z.
I swear, I will strangle you to death when you come home.

Ginu-good time mo pa ako diyan...
Tampo na ko sige...

I know how much you love me Z.
I know that very well.

Ilang buwan na lang 4th anniv na natin oh...

Baby...
Miss na kita.

Please...
uwi ka na.

Tipa ko na napahinga ng malakim na hininga. Napakahirap ng relasyong malayuan. Nakakamatay ang kalungkutan na wala ito sa tabi mo at hindi mo maabot para yakapin at hagkan.

Matatapos na ang contract nito doon at ga-graduate na din ako next next year. Hindi na ko makapaghintay pa na makasal kami matapos niyon.

Napahawak ako sa singsing na nakasabit sa kwintas ko, umabot ang haba niyon pantay sa puso ko na hindi mawala wala ang kaba sa pagbibiro ng nobyo.

ZE Guillermo sent you 5 photos.

Nanginginig ang katawan at kamay kong hinintay na luminaw ang mga litratong pinadala nito. At napasinghap na lamang sa matinding kirot na nararamdaman nang masilayan na ang mga iyon.

Ito, kasama ang isang babae at batang babae, masayang nakangiti sa larawan na para bang isang perpektong pamilya. Napakaganda ng babaeng katabi nito, na halatang may dugong banyaga sa singkit na mga mata at malaporselang balat. Kulang ang sabihin na napakaganda nito dahil mukha itong Diyosang bumaba sa lupa. Habang ang bata naman ay tila munting babaeng kupido na handang panain ang puso ng ngingitian nito. Kapansin pansin na hindi kahawig ng babae ang bata, dahil mas mukha iyong pilipina... na may pagkakahahawig kay....

Pero hindi.

Sinong lolokohin nito?

Litrato lamang ang mga ito.

At isa napakalaki ng bata para maging anak ni Z iyon.

Hindi ko kayang paniwalaan ang nakikita ng mga mata ko dahil wala naman iyong basehang talaga.

Basehan?
Ano pa ba iyang nakikita mo Kari?
Tanga ka ba o bulag?
Sita ng atribidang parte ng utak ko.

Napailing iling na lamang ako habang nagsisismulang manikip ang dibdib.

Was I Ever Really Loved By You? (TRAMYHEARTSERIES #2) (ON-GOING)Where stories live. Discover now