Chapter 43 💖 Karina 💖 The Truth

178 7 4
                                    


"Baby? Can you promise me one thing before you leave?" Tanong kong humarap kay Zereff at tinitigan ito ng matiim sa mga mata habang nakahiga kami sa kama nito, hindi na namin natapos ang pagliligpit sa mga dadalhin nito sa pag-alis dahil halos ayaw na naming maghiwalay mula sa pagkakayakap.

Tumingin ito sa akin at naghintay ng isasalita ko habang yakap pa din ako.

"I know this is too early for me to ask these... B-But I badly need to hear it Z... M-Maaari bang ako lang ang magmay-ari sayo? N-Na ako lamang ang mamahalin mo? N-Na kahit na anong mangyari, tayo hanggang huli?" Muling naluluhang wika ko.

Alam kong kalabisang hilingin ito sa maagang panahon ng aming relasyon, ngunit kailangan ko ng kasiguraduhan...

Kailangan ko ng kapanatagan, upang kahit na malayo kami sa isa't-isa, makaya kong maghintay. Makaya kong umasa. At makaya kong patuloy na mahalin ito ng walang pag-aalinlangan...

Upang may mapanghawakan akong mga salita sa mga nakamamatay na mga oras na darating na hindi ko ito masisilayan. Upang makapagpatuloy ako ng maayos sa buhay ko habang naghihintay sa pagbabalik nito, at upang hindi ako lunurin ng pagkasabik ko para dito.

Tumaas ang isang kamay nito at hinawakan ang pisngi kong nag-iinit sa pagluha, sabay titig sa akin ng buong lamlam na halos ikatunaw ng aking damdamin at kalooban.

Napakagat-labi ako sa emosyong nakabalatay sa mga matang nito, dahil iyon ay tunay na nakapanghihina at nakagagalak tignan..,

Tila hindi ko na kailangan pang maringgan pa ang mga kasagutang imumutawi nito,
sapagkat nakikita ko at nasasaksihan sa pagtitig pa lamang nito na minamahal ako nito ng tunay at buo.

"Did you see it? I'm sorry if my eyes couldn't barely hide it. I wanted to at least hide what I've been feeling for you, because I'm afraid you might get frighten by it..." He said, almost whispering.

My heart constrict in the sudden flood of chords, and my eyes burst in tears more.

"I love you Baby. And I promise you... Sa iyo lamang ako... Ikaw lamang ang mamahalin ko, at tayo lamang hanggang huli..." madamdaming wika nito.

And Dear Lord, I think those are the best words I would ever hear in my whole life.

"Kaya alisin mo na ang anumang pagdududa mo... Ako nga itong dapat matakot at mag-alinlangan eh... Because you're still so young and vulnerable." Bakas ang pangamba sa mga matang saad nito habang pinupunasan ang mga luha ko.

Nginusuan ko lamang ito at tinawanan ng marahan.

"Porke ba bata, hindi na sigurado ang nararamdaman?" Tanong ko dito.

"Hindi sa ganoon... N-Natatakot lang ako. Natatakot akong magbago pa ang damdamin mo, lalo't matagal akong mawawala sa piling mo. At ayoko niyon. Ayoko niyon Baby. Hindi ko alam kung makakaya ko ba 'yon kapag nangyari iyon. Iniisip ko pa lang, masakit na. At hindi ko alam kung bakit, siguro ay dahil ngayon lamang ako nagmahal ng ganito sa tanang ng buhay ko." Pagpapaliwanag nito sa akin.

Natunaw yata ang puso ko sa mga sinaad nito sa akin, noon, ang pinapangarap ko lamang ay ang mapansin ako nito, ngayong batid kong pareho talaga kami ng nararamdaman, tila isa na iyong panaginip na ayaw ko nang magkaroon pa ng katapusan kahit kailan.

Ako naman ang humawak sa mukha nito at pinakatitigan ng husto ang mga mata nito, dahil ayoko ng nag-aalinlangan din ito.

"Huwag ka ngang ano diyan... Kahit magkalayo tayo, hinding-hindi mababago niyon ang damdamin ko para sayo. Alam mong ikaw lamang ang gusto ko at mamahalin ko. Ngayong alam kong may panghahawakan na ako, handa na kong maghintay sa pagbabalik mo Z. At sana, sana tuparin mo lahat ng mga pangako mo, dahil masasaktan ako talaga kapag may nagbago sa atin..." Lintanya ko dito.

Was I Ever Really Loved By You? (TRAMYHEARTSERIES #2) (ON-GOING)Where stories live. Discover now