Chapter 45 💖 Karina 💖 Alternation

243 10 9
                                    

(18th Birthday)

The hardest part of being in a long distance relationship, is when you badly wanted and needed him by your side but you can't just reach him because he's thousand miles away from you. And it sucks. Truly really sucks.

Just like this time.

I'm supposed to be happy.
I'm supposed to be merrily enjoying this day because it's my 18th birthday.

But I can't.
I couldn't.

I can't be happy knowing my favorite person didn't make it to be here.

Paano bang maging masaya ng totoo sa sarili mong kaarawan?

Halos lahat ng kamag-anakan ko, at malalapit na kaibigan ko ng high school at maging ngayong college ay nandito sa Hotel Mortize para makipag-selebra sa ika-labing walong kaarawan ko. Pinaghandaan ito ng husto ng parents at mga kapatid ko at kahit hindi kami kayamanan ay nagawa ng mga ito na paghandaan ako ng magarbong handaan.

Ngunit hindi ko magawang maging maligaya ng lubusan. Pilitin ko mang itago ay damang dama ko ang kahungkagan sa puso at pagkatao ko. Sabagay ay araw araw ko namang nadadama ang kakulangan na iyon, dapat sanay na ko, pero iba ngayon. Iba ang kahungkagang nadarama ko, nababaghan at nalulumbay ako sa puntong halos ikabiyak ng literal ng dibdib ko.

At wala akong ibang magawa ngayon kung hindi ang magkulong sa banyo matapos ng ilang oras na pagkukunwari ko na ayos lang ako. Umiiyak at tumatangis ng tahimik na parang bata sa hindi pagdating ng taong inaasahan ko habang nakasandal sa dahon ng pinto.

"Karing..." tinig ng Kuya Neo ko sa labas.

Nilunok ko ang bikig at pait sa lalamunan ko bago sumagot.

"S-Saglit lang Kuya, magreretouch pa ako." Pinilit na pa-normalin ang tinig na tugon ko.

Nadinig ko ang mabigat na pagbuga ng hangin sa kabilang dahon ng pinto, indikasyong hindi ito naniniwala sa salita ko.

"Kalahating oras ka na diyan Batsy... Wala kaming alam sa mga kaekekan ng mga babae, pero hindi kami ignorante para hindi malaman na umaatungal ka lang diyan, nasa room mo kaya ang make-up artist mo. Umayos ka na. Tapos na ang programs. Speech mo na bago ang party. Mayroon ka pang sampong minuto para tapusin yang pagngawa mo." Wika naman ni Kuya Dimitri, kasama pala ito ni Kuya Neo.

Kahit kailan talaga, napakaatribido talaga ng Kuya kong ito. Pero magkagayunman ang paraan ng pagsalita nito, hindi niyon natago ang pag-aalala sa tinig.

Napakagat labi ako sa naramdamang inis dito at sa sarili. Aminin ko man o hindi, napaka-immature at childish ng ginagawa ko ngayon. Ngunit hindi ko naman kayang pigilan ang nararamdaman ko. Kaya ng nagtago na lamang ako para mailabas ito kahit papaano.

Subalit kahit hindi dapat ganito ang nangyayari ngayon, hindi sapat na dahilan ito para ipagsawalang bahala ang pinaghirapan ng pamilya ko. Kailangan ko ng ayusin ang sarili ko. Ayoko ng pag-aalalahanin pa ang mga ito.

"I'll be out after fifteen... Please... Iwan niyo muna ko..." Napapasigok na saad ko sa mga ito.

Nadinig kong muli ang pabuntong-hininga ng mga ito.

"Ten Batsy. Only ten minutes. No more buts and excuses. Mahiya ka naman kela Mom and Dad." Matigas na wika ni Kuya Dimitri ko bago ko nadinig ang mga hakbang ng mga ito palayo.

Napasinghap na lamang ako ng mabigat na hininga bago napayukyok sa sariling tuhod at muling lumuha.

Bakit ba kailangang mangyari ang mga ito ngayon?

Was I Ever Really Loved By You? (TRAMYHEARTSERIES #2) (ON-GOING)Where stories live. Discover now