Chapter 9

110K 3.2K 211
                                    

CHAPTER 9

"Okay ka lang?"

Natigilan si Liberty nang bigla siyang kinalabit ni Ruth. She sighed. Ano ba'ng nangyayari sa kanya? She has been acting weird. Nagsimula lang iyon noong hinalikan siya ni Theo. She hates the idea that she got affected by that kiss. It was just a kiss in the first place!

"Nakatawag na ba ulit ang assistant ni Mr. Celis?" she asked instead. Ruth just tsked at her.

"May bumabagabag ba sa'yo? Kanina ko pa napapansin na parang ang lalim ng iniisip mo. Hindi ko na nga nasundan ng bilang ang pagbuntong hininga mo. And yes, naayos na ni Evelyn ang schedule ni Mr. Celis," Ruth added.

"Thanks," Liberty answered plainly.

"May problema ka ba?" pangungulit pa ni Ruth. And for the nth time, Liberty sighed.

"Nothing. Nakarating na ba 'yong boss natin?" Humina ang kanyang boses sa sariling tanong.

"Ah--- so, iniisip mo si boss. Gano'n?" tudyo ni Ruth.

"Of course not!" she argued. But she's wondering if their boss was already inside his office. Hindi niya kasi napansin ang pagdating nito kanina. Maaga naman siyang pumasok pero hindi niya talaga ito natiyempuhan.

"Sus! Iba ang kislap ng mga mata mo, eh! Crush mo si boss, ano?" Ruth laughed.

"Ruth!" saway niya sa kasama.

"Sabagay, hindi naman lugi si boss sa 'yo, napakaganda mo naman. May katawan ka, may height pa. Puwede ka na ngang sumali sa beauty contest."

"OMG! Totoo? Crush mo na si boss?" Napapikit si Liberty nang biglang marining ang tumitiling boses ni Evelyn na kararating lang. May bitbit itong mga folder, mukhang galing sa ibaba.

Niyugyog siya ni Evelyn sa balikat. "Naniniwala ka na bang guwapo siya? Sabi ko sa'yo, eh. Alam mo, girl, bagay talaga kayo ni boss!"

"Magtigil ka nga!" Liberty hissed. Ngunit naghagikhikan lang ang dalawa.

"Sus, pakipot ka pa, eh. Hayaan mo, pahihiramin kita ng paborito kong libro. Bagay na bagay 'yon sa'yo!" wika pa ni Evelyn. Halatang kinikilig ito. Napasimangot naman si Liberty--pilit lang. Ayaw niyang ipakitang tumatalbog ang puso niya sa mga sinabi ng kasama niya.

"Anong libro, aber?"

"The Untouchable Beast."

"What? Saan mo naman napulot ang librong gano'n? May gano'n bang libro?"

"Oo naman. Alam mo, like na like ko talaga ang bidang babae ro'n. At ito pa, BFF ng Mama ko dati ang otor no'n. Alam mo bang dahil sa librong iyon, na-realize kong kahit gaano ka pa katigas at kamanhid, 'pag tinamaan ka na ng pag-ibig, kusang matutunaw ang yelo sa puso mo at hindi ka na makakawala pa."

Umikot ang mga mata ni Liberty. Itinuon na lamang niya sa PC ang kanyang atensyon. She really hates talking about romantic thingy. Not that she hates the idea of being in loved. Nababaduyan lang talaga siya sa pinagsasabi ni Evelyn.

"Masyado kang nagpapaniwala sa mga binabasa mo. Fiction lang 'yon!"

"Fiction inspired by reality, girl!" Evelyn insisted. Agad namang itinaas ni Liberty ang kanan niyang kamay.

"Talk to my hand!"

Napapadyak naman si Evelyn. Hindi niya talaga mabasa ang laman ng isip ni Liberty. Hindi ba talaga ito naaapektuhan sa kagandahang lalaki ng kanilang boss?

"Hay naku, tatanda kang mag-isa! Sayang naman ng lahi ni boss, mukhang type ka pa naman niya. Akala mo ba hindi ko napansin na parang kakaiba siyang tumingin sa'yo?" ani Evelyn. Napalingon naman sa kanya si Liberty.

Wild DeceptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon