Chapter 11

108K 3.8K 339
                                    

CHAPTER 11

"Seriously?"

Liberty can't help but to complain. Nasa loob na sila ng isang executive suite sa El Crusser hotel.

"What seems to be the problem?" bored na tanong ni Theo saka inilapag sa kama ang dalang maleta. Nagsimula itong maghubad ng suot kaya napatanga sa kanya si Liberty.

"You're not taking off your clothes in front of me, are you?" hysterical na sabi ng huli.

Natigilan si Theo at tiningnan si Liberty. May naglalarong ngiti sa mga labi ng lalaki.

"I bet you wouldn't mind, would you?"

"Of course, lalaki kayo! And we're not supposed to be in the same room. Wala tayo sa love story na sasadyain ng otor na magsama ang isang lalaki at babae sa--"

"Sa iisang kuwarto," pagtatapos ni Theo sa sasabihin ni Liberty. He went near her, just enough for his secretary to feel unease.

"Isn't that too cliche, Miss Parreño?" Napaatras si Liberty. He was almost touching her but she won't let him. Ayaw niya ng nararamdaman niya ngayon. There's a heat starting to build up her body. Halos magkalapit na ang kanilang mga mukha.

"But I don't mind being trapped in a cliché story if..." tinitigan siya nito nang diretso sa mga mata. Nanlaki ang mga mata niya sa sumunod na sinabi nito.

Before Liberty could even contemplate about what Theo just said, nakaalis na ang lalaki sa kanyang harapan.

Totoong Theo ba ang kasama niya ngayon? Bakit parang pakiramdam niya ay naging ibang tao ang boss niya? Is he up to something?

Naupo siya sa kama at pinakatitigan ang pinto ng banyo kung saan pumasok si Theo. He must be really planting something against her. Seems like Theo wanted to play a game... a dirty game. If that's the case, Liberty is on fire.

"But I don't mind being trapped in a cliché story if you're my leading lady."

Nag-echo sa loob ng utak niya ang sinabi nito. Ang malala pa ay parang may nabuhay na kung ano sa loob ng kanyang puso. Ayaw tanggapin ng isip niyang kinikilig siya. She closed her eyes and shook her head. She needed to compose herself.

Ilang minuto siyang nakatulala si harap ng dala niyang maleta bago niya naisipang kumuha ng damit na pamalit. Naabutan pa tuloy siya ng amo niya habang nagkakalkal.

"Your turn," deklara nito na para lang silang mag-asawa na matagal nang magkasama sa loob ng isang kuwarto.

Muling napapikit si Liberty nang sumakit ang ulo niya. Sobrang pamilyar ng eksenang ito.

"Your turn."

"Your turn."

Dejavu? Hindi siya sigurado. Ngunit pakiramdam niya ay minsan nang nangyari ang eksenang ito. Napahawak siya sa sariling ulo.

"Are you okay?"

Biglang lumapit si Theo sa kanya at hinawakan siya sa braso. Doon na siya napadilat. Nagsalubong ang kanilang mga mata pati ang kanilang mga hininga. Halata sa pagmumukha ni Theo ang pag-aalala.

"Sino ka?" Liberty asked unconsciously.

"What?" Theo answered back. May halong kaba ang mukha nito.

Matagal silang nagkatitigan. Liberty closed and open her eyes continuously to ease the sudden pain in her head.

"I'm asking you, who are you?" muli niyang tanong.

"What are you talking about? Are you really okay?" Si Theo.

Huminga nang malalim si Liberty saka ipinilig ang ulo. What just happened? Siguro ay epekto lang iyon ng pagod sa biyahe. Medyo nahihilo siya pagkatapos dumaan ng panandalian kirot sa kanyang ulo.

Wild DeceptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon