Chapter 26

75.1K 2.4K 207
                                    

Chapter 26

UMIGKAS ang kamay ni Liberty sa pisngi ni Theo. Nanginginig ang buo niyang katawan dulot ng halu-halong emosyon na kanya nararamdaman-- gulat, sakit, at galit.

Parang sinasakal ang kanyang dibdib at unti-unti na siyang nanlalambot. Nagmistula siyang kandila sa kanyang kinatatayuan at nalalapit nang maupos. Tila nabingi siya sa kanyang narinig, gano'n pa man ay mabilis na naglakbay ang sakit mula sa nanginginig niyang kalamnan patungo sa kanyang dibdib.

It was the most silence of her life. Ilang minuto siyang nakipalaban ng mariing titig kay Theo. Bumuka ang kanyang mga labi sa unang beses ngunit wala siyang naririnig na boses mula sa kanyang lalamunan. Kumuyom ang kanyang kamao kasabay ng paglaglagan ng mga marami pang luha sa kanyang mga mata.

"Baby, I'm... I'm sorry--"

Mabilis niyang itinulak si Theo nang akma siya nitong yakapin.

"Baby--"

"Stop right there, Montreal!"

Dumagundong ang kanyang boses sa buong silid. Pain was an understatement. Hindi niya maarok ang lalim ng sakit na kanyang nararamdaman. The invisible needles on her chest were excruciating.

"Ano pa? Ha? Ano pa ang hindi ko alam?"

Horror and pain filled Theo's eyes. Masakit makitang nasasaktan ang babaeng mahal niya. Parang winawarak nang paulit-ulit ang kanyang dibdib.

"Hindi pa ba sapat na nawalan ako ng memorya para saktan mo ako nang ganito? Hindi pa ba sapat na nasaktan ako nang paulit-ulit? Gumaganti ka ba dahil nasaktan kita? Ha? Well, congratulations! Gago ka!"

Muli niyang binigyan ng mag-asawang sampal ang binata. Theo didn't seem to care. Tinanggap niya ang lahat ng sampal. He felt like he deserve it.

Tumaas-baba ang dibdib ni Liberty. Parang sirang plaka na paulit-ulit na nag-replay ang sinabi nito kanina.

"I'm really sorry..." Theo exclaimed painfully.

"Fck your sorry!" Liberty shouted and walked out, but  even before she stepped her foot of the room, Theo began telling his story.

Natigilan siya at napahawak sa pinto.

"I was seven and you were three..." Hinayaan niyang maglakbay ang kanyang mga luha sa kanyang pisngi habang nakikinig sa ikinukuwento.

"My nanny loved me so much and we were happy, not until she gave birth to you. Ectopic pregnancy. Your real mother died when you were born. So Dad and Mom decided to take care of you. Wala ka nang ibang magiging pamilya maliban sa amin. Kaya no'ng ipinangak ka, bago nalagutan ng hininga ang mommy mo, pinangakuan siya ni mommy na aalagaan ka niya hanggang sa paglaki mo bilang bayad sa pag-alaga niya sa 'kin. Noong ipinagbubuntis ka niya ay hindi siya umalis ng bahay. She still took care of me."

"But I started to get jealous. Lahat ng atensyon ng parents ko nasa iyo kasi nga maliit ka pa. You were so tiny and fragile. They loved you so much that they almost gave everything to you. Ni hindi ko na naramdaman ang presensya nila. I was four when you were born. My young heart was filled with jealousy that I developed a hate towards you."

Ilang beses na lumunok si Theo bago ipinagpatuloy ang pagkukuwento. His eyes were breaming with tears.

"They even threw a party when you turned one year old. But they missed to give me one. Isang simpleng salu-salo lang sa bahay ang ginawa. Ridiculous, wasn't it? They even missed my family day in school when I was six. They broke a lot of promises to me because of you. That's why everytime I looked at you, I wanted to get rid of you. I was stupidly and idiot when I was young that I thought you were stealing my parents away from me."

Napakapit sa pintuan si Liberty. Walang mapagsidlan ang sakit na nararamdaman niya. Bakit gano'n? Bakit parang walang katapusan?

"I was seven and you were three when that incident happened..." Napahilamos ng mukha ni Theo. Parang may bumikig sa lalamunan niya.

"Nasunog ang malaking playhouse sa isang mall. Nando'n tayong dalawa at ang bagong yaya natin. We were just waiting for Dad to come back kasi sinundo niya si Mommy sa parlor. Pero bago nangyari ang sunog, humingi ako ng pagkain kay Yaya kaya iniwan niya muna tayo para bumili. Ibinilin ka niya sa'kin. You were playing with other kids at your age. Pero biglang sumiklab ang mga inflatable slide kung saan ka naroon at iba pang mga bata. Mabilis na kumalat ang apoy. I was afraid back then. Tinakbo kita at kinuha. Nagkakagulo na ang mga tao. I hate you back then that I took the opportunity to get rid of you."

Tumigil si Theo sa pagsasalita. Hindi niya kaya. Sa tuwing naaalala niya iyon ay pakiramdam niya kasalanan niya lahat. He has to be blamed for everything.

"I'm sorry, baby. Believe me, pinagsisisihan ko iyon," he cried.

"Ituloy mo. I want to hear everything," malamig na tugon ni Liberty.

"Tumakbo ako sa parking lot at iniwan kita sa nakabukas na compartment ng isang sasakyan. Wala kang malay no'n. Pero bago kita inilagay ro'n ay napansin kong nawawala na ang bracelet mo na bigay ng mommy mo bago siya nawala. Iyong towel na nakasabit sa likod mo ay may pangalan mo. Kinuha ko ang sarili kong bracelet at isinuot sa 'yo bago tumakbo pabalik."

"May namatay na mga bata sa sunog. And my parents thought you were one of them, they found your bracelet."

Hindi makapaniwala si Liberty sa kanyang mga narinig. Ang kaninang mga karayom sa kanyang dibdib ay nadagdagan.

"My parents mourned for you. It took them several years to move on. We grew up separately. Hindi ko alam kung saan ka napunta. I had series of nightmares because of what I did. I was about to tell my parents back then but I fell back. Umuwi galing Amerika ang pamilya ni Aries, he was my childhood bestfriend. Hindi magkakilala ang mga parents namin dahil sa eskuwelahan lang kaming nagkakasama ni Aries. When we reached high school, doon na kami naging mas malapit sa isa't isa. Minsan inimbitahan niya ako sa bahay nila, and that was the first time that we met after several years."

"I was seventeen and you were thirteen. Remember that day, baby?"

Muling bumuhos ang mga luha ni Liberty. Memories flashed inside her mind. She can never forget that day when she first met him. Sa unang beses na nagtagpo ang kanilang mga mata ay naramdaman niya agad ang kakaibang pagtibok ng kanyang puso.

"May it was my karma. Kasi ang batang kinamumuhian ng batang puso ko noon ay siya ring unang nagpatibok nito." Theo pointed his chest.

"Falling in love with you was my sweetest karma, baby. At some point, I thanked myself that I get rid of you. Because when you grew up with my family, tiyak na aampunin ka nila Mommy. Hinihintay lang nilang magkaisip ka kaya nang magdesisyon para sa sarili mo. And if that happened, hindi puwedeng maging tayo."

"Forgive me for what I've done, baby. But believe me, I love you so much. I can't bear to lose you."

Liberty didn't move a bit when Theo hugged her tight. She felt weak for all the revelations that she just heard. Hindi lang puso ang parang sasabog sa kanya kundi pati ang kanyang utak.

"How? How did you find out that it was me?" She asked. She wanted to know everything all at once.

"The bracelet, baby. Nakita ko iyon sa gamit mo no'ng naging tayo na at lagi akong tumatambay sa kuwarto mo. When I found out about it, agad kitang pinaimbestihan. At tama nga ang hinala ko, ikaw nga ang batang iyon."

Liberty gripped Theo's arms. Napayakap na rin siya sa binata para kumuha ng lakas.

"I'm sorry, baby. I'm sorry," paulit-ulit na wika ni Theo. Tears fell on Liberty's shoulder. She didn't look up because she doesn't want to see him crying.

They stayed hugging each other for few minutes. Nang kumalas si Liberty ay matapang niyang hinarap si Theo at nagbigay ng kaunting espasyo sa kanilang katawan.

"I'm sorry, I just need to do this again."

Napamaang si Theo, kasunod ay ang pamamanhid ng kanyang pisngi nang dumapo ang palad ni Liberty doon.

"Fuck you, Montreal!"

...

A/N: I want to know your thoughts about this story. Sana naipaliwanag ko nang maayos. Thank you.

©GREATFAIRY

Wild DeceptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon