Chapter 13

105K 3.3K 145
                                    

CHAPTER 13

"Sorry na kasi, marami lang akong output projects na kailangang tapusin. Babawi ako sa 'yo. Promise 'yan, baby."

"Uy, pansinin mo na ako. Hindi ko naman sinasadyang makalimutan ang anniversary natin, eh."

"Baby, mag-usap tayo. Uy!"

Napatigil sa paglalakad ang lalaki at hinarap ang girlfriend.

"Stop! Will you please leave me alone, Arriane?"

"Baby, sorry na kasi. Pag-usapan natin nang maayos 'to, okay?"

The guy stared at the girl with sarcasm.

"Pag-usapan? I've seen enough, Arriane! Lagi ka na lang walang oras sa 'kin. I tried to understand your situation. I tried to wait patiently until you give me a minute of your time but what happened? You're always busy. Ni isang segundo ba naaalala mo man lang ako? Na may naghihintay sa 'yo? Worst is, I've seen you happily smiling with a guy in our anniversary date! And you expect me to welcome you with open arms the next day? You're impossible!"

"What? Baby, nagkakamali ka. Johnny is just my groupmate. Please, huwag ka nang magalit, oh. Mahal na mahal kita, maniwala ka."

"Mahal? How? Gano'n ka ba talaga magmahal, Arriane? Nananakit? Don't try to pacify me with those words, Arriane! You know what, this is not the right time to talk about that wasted anniversary shit!"

"Baby, wait!"

"Stop following me, will you? I don't want you near me any longer. Give me some space. Let me breathe, Arriane."

"Baby naman! Wait---"

"Baby!"

Napabalikwas ng bangon si Liberty. Nasapo niya ang kanyang dibdib sa sobrang lakas ng kabog nito. Habol din niya ang kanyang hininga.

Her dream seem so real.

"What happened? Are you okay?"

Natauhan siya at lumingon sa gilid niya. Nagulat pa siya nang muntik nang dumikit ang kanilang mga mukha.

Puno ng pag-aalala ang mukha ni Theo. Halos nakalingkis din ito sa kanyang katawan. Magulo ang kanyang buhok, namumungay ang kanyang mga mata. Kahit bagong gising ay naaamoy niya ang mabangong hininga nito.

She looked down on his chest. Napalunok siya nang makita ang kahubdan nito. His chiseled abs were enticing her.

"Baby? Did you had a bad dream?" anito sa kanya.

Wala sa sariling napatango si Liberty. Bigla ay napaigik siya nang umikot ang kanyang paningin.

"Baby! Hey!"

Napabangon nang tuluyan si Theo at naupo sa kama. He held Liberty closer to him. Ikinulong niya ang magkabilang pisngi nito sa kanyang mga kamay.

"Are you okay?"

Napapikit nang mariin si Liberty at pilit na pinakalma ang sarili. This is the second time that she felt dizzy. Which is not normal.

Wild DeceptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon