Chapter 16

94.5K 3.2K 127
                                    

Chapter 16

SUNOD-SUNOD na nagsilaglagan ang mga luha ni Liberty. Sinubukan niyang kumalas mula sa pagkakayakap ni Theo ngunit tila wala na siyang lakas. She's in her vulnerable state right now. 

"Get off me," matatag niyang sabi sa lalaki. Maliban sa nararamdaman niyang hilo ay nanlalabo rin ang kanyang  paningin dahil sa maga luhang bumabalong sa kanyang mga mata.

"No." Theo hugged her even tighter. It's as if his life depended on her. 

"I'm warning you," Liberty exclaimed. Muli niyang sinubukang kumawala mula sa mga braso ng lalaki ngunit tila mas lalong humihigpit ang pagkakayakap nito sa kanya.

"Not now, baby. Not ever. I'm sorry, but we need to talk." Pinaharap siya ni Theo sa kanya ngunit hindi pa rin lumuluwag ang pagkakayapos nito.Yumuko na lamang siya para maiwasan ang mga titig nito.

"Asshole," Liberty cussed.

"Call me whatever you want but I'm not gonna let you go," Theo answered. Hinawakan niya sa baba si Liberty para magpantay ang kanilang mga paningin. Ngunit todo iwas naman si Liberty.

"Look at me, baby..."

Liberty tried hard not to face him. Galit siya rito. Hindi pa rin niya matanggap na naisahan siya ng lalaking ito. Ipinahiya siya nito at ginawang tanga.

"I don't see any reason for us to talk. Let go of me or else I'm gonna kick your balls off," banta niya. That earned a chuckle from Theo.

"I like it when you sound feisty." Bumulong ito sa kanya. "You look hot." 

Nanindig ang mga balahibo ni Liberty nang maramdaman ang mainit nitong hininga sa puno ng kanyang tainga.

"Let's go, baby. Ihahatid na kita."

Hindi na nagawang magprotesta ni Liberty nang bigla na lang siyang hinapit ni Theo palabas ng bar. Kung hindi lang sana siya nahihilo, nagawa niya nang takasan ito. Kaya lang dumudoble na ang kanyang paningin. 

Nang makalabas na sila ay tila guminhawa ang kanyang pakiramdam. Finally, nakasagap na siya ng hangin. Kanina pa nanunuot sa kanyang pang-amoy ang panlalaking pabango ni Theo.

"Kaya kong umuwing mag-isa. Can you just leave me alone?" Sa wakas ay nagawa niyang kumawala kay Theo. Magkaharap na sila ngayon.

"You're drunk, baby."

"And will you stop calling me 'baby'? Hindi ako bata!"

Bumuntonghininga si Theo. 

"Don't be too stubborn. You can't drive home. Baka ano pa'ng mangyari sa 'yo sa daan," mahinahong wika ni Theo. Lalo namang umusbong ang galit sa puso ni Liberty.

"At ano namang pakialam mo kung may mangyari sa'kin, ha? Hindi naman kita kaano-ano., huwag kang feelingero! Layuan mo ako!"

Dumilim ang mukha ni Theo at umigting ang panga nito. Ilang beses din itong lumunok ng laway na tila nagtitimpi.

"You're just drowned by alcohol, that's why you're acting like that. Let's just go and take your rest. Let's talk when you wake up."

Akmang hahawakan siya ni Theo ngunit iwinakasi niya ang mga kamay nito. Hinding-hindi siya sasama sa lalaking ito. Not in a million chances!

"Talk to your face! I don't want to talk to you. Y-you're a stranger." Pumiyok si Liberty. Sinubukan niyang hagilapin ang kanyang sasakyan ngunit naka-isang hakbang pa lamang siya nang muntik na siyang matumba.

"Baby, please..."

"Enough!" singhal niya sa lalaki.

"Puwede ba, ha? Stop pretending that we're okay. Stop acting that we have mutual understanding, b-because we don't have. You're just nothing but my ex-boss! Stay out of my sight! I don't want to see you anymore! You, brute!"

Wild DeceptionWhere stories live. Discover now