Chapter 28

74.9K 2.2K 42
                                    

Chapter 28

MARAHANG hinaplos ni Liberty and buhok ni Theo. Malalim na ang  pagkatulog nito dahil na rin sa bigat ng kanyang paghinga. He looked so stressed and tired. Nangingitim ang ilalim ng kanyang mag mata na halatang walang matinong tulog.

"What have you done to yourself?" mahinang tanong niya. Alam niyang hindi siya nito naririnig. She leaned down to kiss his temple. Agad niyang naamoy ang alak sa hininga ng binata. Mukhang nakatulog ito dahil sa kalasingan. Siya pa nga ang nag-ayos ng pagkakahiga nito dahil naabutan niyang may suot pang sapatos habang natutulog. Hindi rin nakabihis pantulog. Mukhang binuhat lang ng dalawang asungot ito pahiga sa kama.

Natigilan siya nang maalala ang mga  nakasalubong niya kanina sa hagdan. Pagkatapos niyang interogahin ang dalawa ay wala man lang sinagot ang mga ito sa mga tanong niya. Bigla na lamang silang kumaripas ng takbo sabay sabing, "Kayo na lang mag-usap ng labidabs mo."

She heaved out a sigh.

"Bakit pakiramdam ko'y hindi pa kita kilala, Montreal?" She whispered. Never in her imagination did it occur that she would meet the two in this house. Kumalabog ang kanyang puso. She has the strong urge to get her questions answered but she knew she has to wait.

Inisa-isa niyang hinubad ang mga damit ng binata para mapalitan ng pantulog. She paused for a second to gawk at his muscled chest. Ilang beses na niyang nakita ang kahubdan nito ngunit hindi pa rin nagbabago ang kanyang reaksyon. She still finds him... hot.

Liberty shook her head.

"Kahit tulog ka, ang galing mo pa ring mang-akit. Kainis!" She jerked.

Pagkatapos niya itong bihisan at maayos ang pagkakahiga ay lumabas muna siya para magkape sa kusina. Magluluto na rin siya para may makain ito pagkagising niya.

Ngunit bago pa siya makarating sa kusina ay napansin niyang nakabukas ang pinto ng library. Agad siyang nagtungo roon ngunit hindi pa siya tuluyang nakakapasok nang maramdaman niyang nag-ba-vibrate ang cellphone sa kanyang bulsa.

Napatigil siya sa paghakbang at kinapa ang bulsa. Nagulat siya nang makitang ang cellphone na bigay ni Captain Red iyon. Agad niyang binuksan ang mensahe.

Code 5.

She paused. Of course, she knew what the message means. Pero nagpaalam naman siya kay Captain bago umalis, ah. Ano ang kailangan nitong sabihing importante sa kanya? She put her left arm across her chest and played her phone with her right thumb. Iyon ang karaniwang ginagawa niya kapag nag-iisip siya.

Agad siyang lumingon sa kuwartong pinanggalingan niya. Napakatahimik ng buong mansyon. She decided to dial Captain Red's number but she realized that her phone's thermal camera was open. Dahil siguro sa kakalaro niya gamit ang daliri.

Hindi pa naman niya naisasara ang camera nang mapatapat ito sa pinto ng library. Nanlaki ang mga mata niya.

"Oh, God!" She gasped.

"Thank you!" Halos halikan niya ang hawak na cellphone.

Kitang-kita sa kamera ang dalawang pulang linya. The doorway is protected by laser beams. Kung hindi niya agad nakita ang mga iyon ay tiyak na mapapahamak siya.

Ngunit ano ang itinatago ni Theo sa library? Gano'n ba ito ka-importante?

She stared back at Theo's room and to the library. Pagkuwa'y napabuntonghininga siya. Umatras siya at nagpatuloy sa kusina. Doon niya na lang tatawagan ang boss niya.

...


"CAPTAIN?"

Liberty leaned at the edge of the island counter while holding her phone on her right ear.

Wild DeceptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon