Chapter 34

93.6K 2.4K 88
                                    

Chapter 34

"FINALLY! Malaya na ulit ako!" nakangising deklara ni Jean nang makalabas siya ng opisina ni Captain Red. The mission was accomplished. Nagpapaagaling na ngayon si Boss Asul sa ospital magmula nang matamaan ng baril dahil biglang inagaw ni Jerome ang baril mula sa mga tauhan ng M&C Detectives. Masuwerte lang siya dahil hindi natamaan ang mga major organs niya sa katawan.

"Congratulations! You've done a good job again, L," bati sa kanya ni Captain Red. She smiled a bit. Hindi niya alam ngunit hindi niya magawang magsaya. She felt empty.

"Thanks, Captain." She sat on the chair acrossed her boss.

"So what's the plan now? Didn't you ask for a break? Why don't you go out of town? Para naman makapag-relax ka."

Liberty was happy that she has finally completed her mission but she felt like half of her was lost. She didn't know where to go. She wanted to go and take Montreal back but her confidence depleted. Hindi niya alam kung kailan at saan siya magsisimula. Hindi niya sigurado kung may babalikan pa ba siya. Sukdulan ang sakit na pinaranas niya sa binata.

"Oh? Bakit natahimik ka? Hindi ka ba masaya na malaya ka na rin? The new assigments were assigned to Leigh and Salazar. Kaya na nila iyon. You've done a lot for this company so it's time for you to take a vacation."

"Maraming salamat, Captain. Tatanawin kong utang na loob ang pagkupkop ninyo sa akin. Pero siguro, tama na. Panahon na siguro para sarili ko naman ang iisipin ko. Nangako ako noon kay kuya na gagawin ko ang lahat para magkaroon ako ng sarili at kompletong pamilya. Nangako ako sa kanya na susundin ko lagi kung ano'ng makapagpapasaya sa 'kin. Kaya sana maintindihan ninyo kung--"

"Aalis ka na?" putol nito sa sasabihin niya. Tumango siya at kasunod ay ang mahabang katahimikan ang namayani. Bumuntonghininga si Captain Red.

"You've been one of the best forces of M&C, L. Alam mo 'yan. At kung tuluyan kang aalis, tiyak na mapipilayan kami. Pero hindi naman ibig sabihin no'n ay pipigilan kita sa kung anuman ang gusto mo. Tama ang kuya mo. Follow what your heart tells you. Afterall, aanhin mo ang perang kinikita mo kung hindi ka naman masaya, hindi ba?"

L nodded in agreement. Hindi niya akalaing matino rin palang kausap ang kanyang boss pagdating sa usaping-buhay.

"Salamat at naiintindihan ninyo, Captain. Sana hindi rin ito ang huli nating pagkikita."

"Of course, this isn't, L. Baka nga araw-araw pa tayong magkakasalubong sa darating na panahon," makahulugang tugon nito.

Kinuha ni Liberty sa kandungan niya ang papel na kanina pa niya hawak-hawak saka ipinatong ito sa lamesa ng kanyang boss.

"At since pumayag ka naman na, baka naman puwede n'yo na itong pirmahan, Captain."

"I see. You came prepared," he commented. Pinadaanan nito ng tingin ang resignation letter niya saka pinirmahan.

"Good luck, L."

They shook hands before Liberty exited the office.

Nagpaalam na rin siya sa ilan sa kanyang mga kasamahan. Ilan sa kanila ay nalungkot ngunit batid niyang ito ang tama para maisagawa niya nag mga susunod niyang hakbang.

As she marched out of the building, she took several deep breaths because she knew she was about to face the hardest mission of her life—that is to take Montreal back to her life.

...

ILANG beses niyang tiningnan ang sarili sa salamin. She was just wearing casual smart attire. Pagkatapos ng isang linggo ay napagdesisyunan na niya ang nais niyang gawin. She knew it would be hard but she has to start from the basic. She decided to apply as Theo's secretary again.

Wild DeceptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon