Chapter 31

80.8K 2.2K 72
                                    

Chapter 31

"WHAT are we going to do now, Captain? Akala ko ba maayos ang usapan natin kay Boss Asul? Bakit bigla na lamang niyang dinala sa poder niya si Allenda? Was he out of his mind? Paano kapag nalaman ng pinsan nitong si Jerome? Baka gamitin pa niya ito laban sa kanya at laban sa 'tin."

Liberty was pacing back and forth. It's been days since she discovered about what happened. Hindi man lang nag-iisip si Boss Asul na nilalagay nito sa panganib ang buong misyon.

"I'm sorry. You knew my brother. Naiinip na raw kasi siya. Marami nang tauhan ni Jerome ang nahuhuli pero hindi pa rin siya mahuli-huli. I wonder kung sino ang pumuprotekta sa kanya. Don't worry, L, Asul knew what he's doing."

Nagkatitigan ang dalawa. Liberty was bothered about what's happening. Hindi malayong malaman kaagad ng Jerome na iyon na peke ang kasalang naganap at may koneksyon pa rin si Boss Asul kay Allenda.

"But, Boss... Can't he just wait until the mission is finished?"

"Hindi si Asul ang nagdala kay Allenda sa condo niya. Si Allenda mismo ang nag-apply bilang katulong."

"What?" naguguluhang tanong ni Liberty.

"You heard me. Hindi namin ang alam kung ano'ng motibo ni Allenda. All we know, mayroon siyang trabaho sa isang malaking kompanya na kasosyo rin ng kakambal ko sa negosyo. Pero nagulat na lamang kami nang ibalita ni Asul na si Allenda ang ipinadala ng agency. Do you think she's up to something?"

Natigilan din si Liberty at nag-isip. Hindi kaya hawak na talaga ni Jerome si Allenda at ginagamit na lamang niya ito para maisagawa ang binabalak niya sa mga Mijares? She tilted her head.

"I think we need to look into this, Captain. Baka nga may iba pa siyang pinaplano. And why would she apply to that job if she already has a job? It's pretty obvious that she has a different motive. Baka magulat na lamang tayo isang araw nahulog na tayo sa bitag ni Jerome."

"I've been thinking about it as well. Pero hindi ako kumbinsidong magagawa iyon ni Allenda lalo na't mahal niya ang kapatid ko. Mayroon lang silang hindi pagkakaunawaan kaya sila nagkahiwalay. It must be more about my twin, excluding Jerome."

Naupo si Liberty sa couch at nag-isip. May punto si Captain Red ngunit hindi pa rin siya mapalagay.

"Kailangan kong puntahan si Boss Asul at kausapin, Captain. I need to be his wife in front of everyone's eyes. Kaya't bahala na siya kung magalit siya, I will make sure na hindi na sila magkakalapit muna ni Allenda hangga't hindi natin nahuhuli si Jerome."

"Thanks, L. But please do not create something that could destroy whatever they have. I've seen my brother in his worst and it was terrible. Baka isang araw matagpuan na lamang namin siyang bangkay dahil sa pangungulila kay Allenda."

Hindi napigilang mapangiti ni Allenda. Sana kagaya rin siya ng dalawa na kayang ipaglaban ang isa't isa. Sana may sapat din siyang lakas para sundin ang nararamdaman. But she's not them. Ngunit tinitiyak niyang kapag dumating ang oras na kailangan niyang bumawi kay Montreal ay buong-buo na siya.

"I have to go."

"Take care, L."

Tumayo siya mula sa couch. Nagmartsa na siya palabas ng opisina ni Captain Red. Pagkalabas ay nakasalubong na naman niya si Salazar na akmang papasok. May bitbit itong folder. Hindi kaagad siya naka-iwas kaya't nagkabungguan sila at natapon ang laman ng folder.

"Hindi ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo," reklamo ni Liberty at tinulungan ito sa pagpulot ng mga laman ng folder.

"Saan ka ba nagpupunta? Bakit parang ngayon lang kita nakita?" aniya. Ngunit tila balisa ang binata habang pinupulot ang mga papeles na laman ng folder. Liberty handed him some of those papers—except for one.

Wild DeceptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon