Chapter 30

80.3K 2.3K 77
                                    

Chapter 30

"IPINAPATAWAG ka ni boss," mahinang pag-iimporma ni Leigh kay Liberty. They were at the barracks concentration camp. Pagkatapos ng tagpong iyon sa restaurant ay naisipan ng huli na mamalagi na lamang rito para tutukan ang kanyang misyon. She just wanted to come back as soon as possible to take back what's really hers. She promised to take Montreal back, by hook or by crook. When that time comes, she'll make sure she's prepared, emotionally and physically. Iyong wala na siyang misyon na iisipin kundi ang sarili niya lamang at ang relasyon nila ng binate.

"Huwag mong sabihing nagsumbong ka?" nag-aakusang tanong niya kay Leigh. Napakamot naman ito sa batok.

"Anong magagawa ko? Hindi ba nga mas Mabuti nang alam nila para kung ano man ang mangyari ay makapaghanda tayo? This is all about the team's mission, L. Remember that."

Humugot nang malalim na hininga si Liberty. Leigh was right. Wala na siyang magagawa kundi harapin ang resulta ng karupukan niya. She should have been more careful.

"Ikaw kasi, dinala mo pa ako sa restaurant na 'yon," panunumbat niya kay Leigh.

"Pumayag ka naman. Ang rupok mo kasi," ani Leigh. Tiningnan niya ito nang masama.

Kinakabahan man ay kailangan na niyang mag-isip ng magandang paliwanag sa kanyang boss. She didn't want to disappoint him this time. Kailangan niya na ring bilisan ang pagkilos para matapos na kaagad sila.

"Hindi bale na, malakas ka naman kay boss. Hindi ka naman siguro papagalitan no'n, babawasan lang ang bunos. Alam mo na, may pagkakuripot 'yon. Lahat ng pera niya kasi iniipon daw niya para sa asawa niya," Leigh said laughing.

Liberty just tsked in return. She was about to leave her co-agent when he spoke, "By the way, hindi si Captain Red ang tinutukoy kong boss. It's the owner of the agency. Si Boss Silver aka Agent Pilak noon."

Namilog ang mga mata ni Liberty, "What?" gilalas niya.

"Oh? Ano'ng nakakagulat? Huwag kang matakot, mabait naman 'yon."

Lalong kinabahan si Liberty. Kahit na matagal nang binitawan ni Boss Silver ang kanyang posisyon at ipinasa sa pamangkin niyang si Captain Red ay Malaki pa rin ang pangingilag niya sa naunang boss. He's known to be scary. Napatunayan niya iyon mismo noon.

"Good luck," Leigh mouthed bago tumalikod sa kanya.

Wala siyang nagawa kundi ang magtungo sa dating opisina ng big boss na ngayon ay opisina na ni Captain Red. She was about to place her thumb on the biometric scanner when the door opened. Iniluwa noon si Salazar na may bitbit na brown folder.

"Bagong misyon mo?" tanong niya rito habang tinitingnan ang bitbit nito. Nanlaki ang mga ni Salazar at napahigpit ang paghawak sa folder.

"Ah, o-oo. Sige na, pumasok ka na. Kanina ka pa hinihintay ni Boss," anito ang nagmadaling umalis.

"Weird," Liberty murmured. Himalang hindi man lang siya inasar ng lalaki. Tila seryoso ito. Siguro'y mahirap ang bago niyang misyon.

She ignored her thoughts about Salazar and marched inside. Naabutan niyang nakaupo sa swivel ang kanilang big boss at nasa couch naman si Captain Red na nakatutok sa laptop. tumikhim siya.

"Good morning, boss."

Isang tango lang ang itinugon ni Silver at iminuwestra sa kanya ang upuan sa tapat nito, "have a seat."

"Salamat."

She sat with her chin up. She was expecting him to confront her about what she did but he did otherwise.

"How are you?" pangangamusta nito sa kanya na ikinagulat niya. His tone was low and casual.

"Ah, maayos naman po, boss," tipid niyang sagot. Tumango-tango ito at tila pinag-aaralan siya.

Wild DeceptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon