Chapter 11: Nike

1.6K 33 1
                                    

I'm not okay, but I smile anyway.

ATHENA MINERVA POV:

PAGKABABA ko palang ng sasakyan bumungad sakin si Nike na naka maong at longsleeves, nakaporma ang gago.

"Hey" pagbati niya saki, tumango lang ako ng mahina sakanya. Pumasok na kami sa resto and expected ko na may reservation na kaming dalawa. Well, Nike Salvador--palagi siyang ready but not his heart, I guess.

"Did you get what I want you to get?" tumango sya and smiled, "Pwede bang kumain muna tayo bago natin pag usapan ang dapat pag usapan?" tumango lang ako at nag-order na kami. Just like the old times, we ordered our favorite dishes.

"So how are you, Minerva?" I rolled my eyes, "Stop calling me Minerva, Nike. Nagmumukha akong matanda" He chuckled

"Sorry, nakasanayan ko lang na tawagin kang ganon."

"Tsk, remember we're freakin' 21" napakamot nalang siya ng batok at tumawa

"isang himala na tinawagan mo 'ko after so many months without contact" he stared at me like we're just the only people here, "ganyan ba talaga--tatawagan mo lang ako pag kailangan mo lang ako? ang sakit naman sa heart ko" at umakting pa siya na nasasaktan ang dibdib nito. I chuckled, nothing changed with the Nike I knew

"Gago, I'm not like your girls Nike. Nagkataon lang na ikaw ang tinawagan ko, at plano ko naman na tawagan ka before but I am damn busy"

He pouted, "Oo na, talo naman ako sayo pag ganyan 'e" hindi ko nalang siya pinansin at dumating na ang inorder namin.

"So--what will happened to you and to Tito Zeus?" I sighed heavily and shrugged my shoulders, "Hindi ko alam, hindi ko alam kung paano ko ibabalik ang tiwala niya sakin ulit" mahinang ani ko

Bumuntong hininga siya at hinaplos ang buhok ko, "Everything will be alright, tutulungan kita" malambing na aniya, ngumiti nalang ako--but he knows that my smile is fake. Binitawan na niya ang buhok ko at tumingin sakin.

"Don't smile if you're sad, Minerva. It scares me...a lot" yumuko ako, "Sorry" I heard him sigh once again. "Nandito lang ako. Nandito lang ako para pakinggan lahat ng problema mo--just like the old times" ngumiti ako, hindi pilit kundi sincere na ngiti.

"Thank you, Nike. Thank you for being here"

"Here..." tumingala ako and I saw him smiling like an idiot, "Thank you" Nakakunot ang noo ko habang tinatanggap ang libro na kinuha niya

"Do I have a dirt on my face?" He suddenly chuckled, "No--I'm just mesmerized by your face" naramdaman ko ang pamumula ng mukha ko. Huwag mong sabihin na kinikilig ka sa sinasabi niya Athena, fuck grow up heart!

"Nike Salvador, and you are?" I raised my brow, "Sorry, I gotta go" aalis na sana ako but he held my arm. "Wait..." Nakaramdam ako ng inis kaya napabulong ako bigla

"Bakit ba ang kulit ng lalaking 'to?" I murmured, mukhang narinig niya 'yun. Ang akala ko ay hindi siya marunong magtagalog because some people here in Switzerland don't know how to speak and understand filipino.

"Sabi ko na 'nga ba na pilipino ka--I'm sorry kung makulit ako, nastar struck ata ako sayo" Nabigla din ako sa pagtatagalog niya, yumuko and said 'sorry'.

I gave him a smile, kahit peke--forte ko na ata yun. "Sorry din, di ko sinasadya na sabihan ka non' I'm just being honest." Nag-iba bigla ang expression niya.

"Don't smile if you're sad" for the first time in my existence siya palang ang nagsasabi sakin 'non. Siya lang ang nakakakita ng kaya kong gawin. Who are you Nike?

Pinakatitig ko siya, hanggang sa napansin ko ang pamumula ng kanyang tenga at mukha. Anong nangyayari sakanya?

"Hey, are you alright?" umiwas siya ng tingin at napakamot ng batok, "'Wag mo kasi akong pakatitig--kinikilig ako shit" natawa naman ako, I never thought na napakastraight forward niya.

"Dahil napatawa mo 'ko, ako nga pala si Athena Minerva" napatigil siya, "Athena Minerva? Diba..." tumango ako dahil sa iniisip niya.

"Yes, mythology."

"and I guess--your father name is Zeus?" I chuckled, at tumango ulit. Nagulat naman siya. "Seriously?"

"Yes, his name is Zeus. The mighty Zeus" nagsimula na doon pagiging close namin, he even met my cousins and family even my father. Napakalakas ng loob niya, hindi ko aakalain na ganon siya, hanggang sa---

"I'll court you, Minerva" I saw the seriousness and determination on his eyes, "Nike..." he suddenly smiled. "I don't take a no, because that's not a question but a statement, Minerva." yumuko ako.

"then don't expect that I will answer you a yes, Nike. I know and we all know that your heart is still not ready for this." umiling siya

"No, I know my heart Minerva. My heart is now ready" ngumisi ako, "really Nike? that heart is now ready huh?" tinuro ko ang dibdib niya kung saan ang puso nito. "It's just infatuation. You are not ready, I can see it in your eyes." hinaplos ko ang pisngi niya at hinalikan ito. He looked so surprise.

"I know you, I know Nike Salvador well kaya wag na wag mong niloloko ang sarili mo lalo na ako dahil kilalang kilala na kita gaya ng pagkakakilala mo sakin." iniwan ko na siya para makapag-isip. How stupid you are Nike, how stupid.



Costello 1: AthenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon