Chapter 63: Blessing

696 22 1
                                    

Chapter 63

Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay ni Chaos, "stay calm, baby" bulong niya sa akin. Napanguso ako, sinong hindi kakalma kung makikita mo na ng personal ang magulang ng jowa mo?

Bakit naman kasi biglaan magsabi sa akin si Chaos, hindi niya manlang sinabi sa akin one week before para naman makapagready ako lalo na sa magiging speech ko.

"sana sinabi mo agad sa akin hindi yung biglaan" sabi ko sakaniya, "they will like you, baby kaya 'wag kana mag-alala diyan" he said and kissed my forehead. Huminga nalang ako malalim at narinig ko na ang boses ni Tien na kakababa lang galing ata sa kwarto niya.

"Athena!!" sigaw niya kahit malayo pa lang siya sa akin, niyakap niya ako kaya naalis ang pagkakahawak ko sa kamay ni Chaos. Niyakap ko din siya pabalik

"so kailan ang kasal?" masayang tanong niya sa amin

Bawat pagkikita namin ni Tien lagi niyang tinatanong kung kung kailan ang kasal namin ni Chaos. Ewan ko ba pero mas excited pa siya sa amin

"wala pa bang laman yan?" at tinuro niya ang tyan ko, namula ako.

"Tien" tawag sakaniya ni Chaos, may pagbabanta sa boses nito. Mukhang pinapatahimik na niya si Tien.

wala pa bang lamang 'yan?

Hindi ko na mabilang kung nakailan na kami ni Chaos at ang iniisip ko pa ay wala man siyang ginagamit na protection bawat pagpasok niya sa akin. Hindi niya kao tinatanong kung gumagamit ba ako ng pills dahil nagstop na ako gumamit non after ko siya makilala sa wedding ni mom.

I don't know why pero bigla nalang pumasok sa isip ko tigilan ang pag inom ng pills. Dagdag pa sa iniisip ko ngayon, dalawang buwan na kong hindi dinadatnan. Baka irregular lang ako ngayon. Imposible naman na magkaroon na ng laman ang tyan ko.

"You're here iho" at lumabas ang isang magandang babae sa kusina. Dala dala niya ang isang plato na mukhang ulam ang laman. Siya ba ang mommy ni Chaos?

"Ma..." ani Chaos.

Hinawakan ni Chaos ang kamay ko at sabay kami lumapit sa mama niya. He kissed her cheek at nagmano naman ako.

"G-Good afternoon po" nahihiyang bati, she's really pretty in a closer look. Nasa lahi na talaga nila ang pagiging maganda at gwapo. Paano pa kaya ang tatay ni Chaos? Jusko, for sure magkasing gwapo sila ni Chaos. Kamukha ng nanay ni Chaos si Tien at siguro kamukha ni Chaos ang tatay niya.

"ikaw ba ang mapapangasawa ng anak ko? You can call me Tita Alliyah" nakangiting aniya, m-mapapangasawa daw? hala siya

"A-Athena po t-tita, ang ganda niyo po" wala sa loob na sabi ko, natawa naman siya.

"your girlfriend is cute, Chaos" at nilapag na niya ang hawak nitong plato sa mesa. Tinanggal niya ang apron na suot niya at binigay sa maid.

"take a seat. Hintayin nalang natin si Peter" sabi niya sa amin, sumunod naman kami. Magkatabi kami ni Chaos, habang asa harapan namin si Tien at ang mama niya.

baka yung Peter na tinutukoy niya is Chaos and Tien's dad.

"sorry iha kung biglaan ang pagiimbita namin sayo dito, kung hindi lang kasi madaldal ang bunso namin hindi namin malalaman na may nobyo na ang unico hijo namin" napayuko ako, shet nakakahiya. Hindi ko alam ang sasabihin ko.

"Okay lang po tita, gusto ko din po kayo mameet" nahihiyang ani ko

Wala pang ilang minuto ang makalipas, ay nakarinig na kami ng boses na nanggagaling sa sala.

"Mukhang nandiyan na si Peter" sabi ni tita Alliyah, tumingin kami sa gawin nay un at bumungad sa amin ang isang lalaki na may balbas pero hindi ito panget tignan sakaniya. Nakarmani suit din ito tulad ng sinusuot lagi ni Chaos pag nagtatrabaho siya. Medyo hawig siya ni Chaos pag tinitigan mo ng matagal.

Costello 1: AthenaWhere stories live. Discover now