Chapter 55: Hangover

455 20 0
                                    

Chapter 55

"may bali-balita na may something sainyo ni Dion" natawa ako sa sinabi ni Jupiter sa akin, isang himala na hindi niya kasama si Venus ngayon

"fake news, magkasama lang lumabas ng opisina at nasa isang sasakyan lang may something agad hindi ba pwedeng magkaibigan lang. Ang mga tao talaga ngayon mga assumera't assumero" ani ko at nilagok ang isang tequila na nasa mesa niya

"hoy sinong may sabing inumin mo yan? Ibang alak niya sa inaakala mo" suway niya sa akin, pinahid ko ang natitirang butil ng tequila sa labi ko, or tequila ba talaga yun? Mukha siyabg tequila pero mas matapang ang lakas nito. I felt the heat in my fucking throat

"fuck ano ba to?" at ngumiwi ako, he immediately gave me some water. Uminom naman ako at nagsalita siya

"hindi ko din alam yan basta nalang pinatong mong waiter yan diyan" tinaasan ko siya ng kilay, weird

He shrugged his shoulders, "mukha naman harmless ang alak dahil noong ininom mo wala naman nangyari sayo" he said and tapped my shoulders. I rolled my eyes, tangina bat pakiramdam ko inaantok ako sa ininom ko. Ganon na ba ako hindi kasanay sa alak para antukin. Fuck

Wala siguro sa kondisyon ang katawan ko ngayon sa alak, maybe Athena. "congrats pala sa engagement niyo ni Venus. Send my regards to her at abangan niyo wedding gift ko sainyo"I said ang giggled

"mag ingat ka papunta sa table niyo, Athena. Nandito pa naman sila Uno, at baka mag aalala sila sa lagay mo" he reminded me, nag thumbs up ako sakaniya at pumunta na sa nahanap na table nila. I cursed when I felt my stomach grumble, puta, dapat kumain muna ako bago ko ininom yung alak na 'yun. Masyado talaga akong matakaw sa alak. Mukhang hindi ako pwedeng magpakalasak ngayon

Nadaanan ko ang table nila Sol, at agad ako napansin nila Uno. Oh God, eto na nga ba ang sinasabi ko. I crossed my arms, "what?" inis na ani ko kina Uno nang tawagin nila ako at pinapunta sa table nila.

"Sila Artemis ba ang kasama mo?" Uno asked me, sumulyap ako kay Tres na nakatingin sa akin. He's quiet huh, I grinned. "Yeah kasama ko din si Aphrodite" at tumingin ako kay Sol. Umiwas siya ng tingin sa akin at uminom at lalo pang lumapit sa katabi niyang babae. Damn, I rolled my eyes and looked again at Uno.

"Hindi ko kayo papakialaman at isusumbong kay Zero kung ayan ang inaalala niyo" I told the twins, para namang nakahinga ng maluwag si Uno sa sinabi ko. Well, pasalamat sila gusto ko makakita ng gulo ngayon lalo na sakanilang dalawa.

Sumulyap ako muli kay Tres, alam kong hinihintay niya ako magsalita about sakanila ni Artemis. I smiled at him na ikinataka ni Uno. "Hindi mo ba pupuntahan si Artemis?" I asked him and smirked, I saw how he cursed. Natawa nalang ako mahina lalo nang tumingin si Uno sa kakambal niya

"Kilala mo si Artemis?" nagtatakang tanong niya, sasagot sana si Tres but I butted in, "they have something right now, Uno." nakangising ani ko at hinawakan ang kamay ni Tres, "Come on, Tres. Let's go to Artemis, she will be glad to see you" at hinila ko na siya, hindi na siya napigilan ni Uno dahil mabilis ko siyang nahila papunta sa amin. Mabuti naman hindi ganon karami ang tao dito kundi matatagalan kami kahit na isang table lang ang pagitan namin sa isa't isa.

"What are you doing, Athena?" mahinang bulong sa akin ni Tres, mabuti nalang narinig ko kahit malakas ang sounds dito, "I'm excited to see a war between you and Uno, Tres. He will be mad, I think?"

"There will be no war, Athena. Hindi magagalit si Uno dahil lang sa isang babae" sabi ni Tres. Napaisip naman ako, bakit ganon ang itsura ni Uno nang malaman niya na may namamagitan kay Tres at Artemis? Hmm weird

Magsasalita pa sana ako pero nandito na pala kami sa table namin, sinalubong ako nila Aphrodite and Apollo. Napakunot ang noo ko at tumingin sakanila, "Nasaan si Artemis?" I asked them

Costello 1: AthenaWhere stories live. Discover now