Chapter 46: Agel

494 19 0
                                    

Chapter 46

"TANGINA NAMAN ATHENA! PWEDE BA TIGILAN MO NA ANG BUHAY KO?! PINAGSISIHAN KO NA ANG GINAWA KO SAYO, OKAY?"singhal sakin ni Levesque, I stared at him. Where's the desperation I saw on his face the last time we saw each other. Ang bilis naman mawala 'non at napalitan ng galit.

I played my fingers in the table and continue staring at him, he is fuming mad and I like it. Well, I love it. I love ruining people's life like him

Pinatong ko ang baba ko sa kamay ko, "wala ka na bang sasabihin? I am tired talking with you, Levesque" bored kong sabi sakanya. Galit na humakbang siya sa harapan ko at malakas niyang binagsak ang kamay niya sa lamesa ko. Thanks God, I did not flinch. Hindi ko ineexpect yun dahil hindi ko naman kilala na ganito si Levesque but I guess I really made him mad so bad. Kasalanan naman niya kung bakit ko ginagawa 'to. He broke me, and that's the consequence. I will also break him.

"PUTANGINA NAMAN ATHENA! STOP THIS NONSENSE! SA TINGIN MO MAY MANGYAYARI KATAPOS NITO? SA TINGIN MO BABALIK PA KO SAYO? HINDI NA!" Natawa ako ng malakas dahil sa huling sinabi niya, what the fuck? Sa tingin niya ganon ang plano ko? Ang bumalik siya sakin? Oh God, hindi naman ako ganon ka tanga para gustuhin bumalik ang manloloko sa buhay. Sapat na naging tanga ako sa mga panahon na hinayaan ko siya at naging engage kami kahit nagkikita sila ni Cleo. Sapat na 'yun, pero sobra na ata kung hahayaan ko pa siyang bumalik sakin after all these lies.

I will never let him enter my life again, ano siya sinuswerte? Fuck him.

"Masyado kang assuming, Levesque. Ganon ba ang nasa isip mo habang nararanasan mo yan? My god" napatampal ako ng noo, at tumingin sakanya muli. "Hindi ako makapaniwala na ganyan kana pala mag isip ngayon..." tumayo ako at kinuha ang pouch at phone ko. May lakad kasi dapat ako pero ginulo ako dito ni Levesque sa opisina ko kaya late na ko sa pupuntahan ko tsk. Maybe, Agel can wait.

Tumingin ako sakanya, "Hindi ko na gugustujin ang katulad mo, Levesque. Masyado na kong tanga kung gugustuhin ko pa na bumalik ka. Ayoko nang tumanggap ng basura na nasa basurahan na" Naglakad ako at nilagpasan siya

"Hindi pa tayo tapos mag-usap, Athena!" singhal niya sakin, I chuckled. "Next time nalang tayo mag-usap, Levesque. May meeting pa ko, at magset ka ng appointment sa secretary ko hindi yung basta basta ka nalang pumapasok dito sa opisina ko. Hindi na tayo tulad ng dati kaya stop with your habit of yours"at iniwan ko na siyang tulala sa loob.

Nakasalubong ko si Cess na nakatingin sakin, nagtatanong ang mukha niya kung ayos lang ba ako. I smiled, "Next time, wag mo na siyang papasukin sa opisina ko kung wala naman siyang appointment." napayuko siya sa naging ani ko

"sorry po"

"Its okay, Cess. You're forgiven"

"Late na po kayo sa meeting niyo with Sir Agel" tinignan ko ang watch ko at oo nga super na nga ako. Nandon pa siguro siya no?

"I need to go, ikaw na bahala kay Levesque. Ciao" at umalis na ko aa opisina at dumiretso na sa parking para kunin ang kotse ko.

PAGKARATING ko sa restau na pinag usapan namin ni Agel, dali dali ako pumasok at hinahanap si Agel. Agad nahagip ng paningin ko ang isang lalaki na nakacasual wear sa sulok ng restau. I grinned, gotcha

Nakatalikod siya sakin kaya hindi niya ako nakikita, pansin ko na panay ang tingin niya sa paligid at hindi na rin mapakali ang paa nito. Mukhang inip na inip na siya kakahintay, well, it's your brother's fault Agel.

Umupo ako sa harapan na upuan niya, at bumungad sakin ang inip na inip na mukha ni Agel, I chuckled. Tinignan niya ako ng masama, nagpeace sign naman ako sakanya. "Peace, Agel. Inistorbo kasi ako ng kapatid mo sa opisina kaya hindi ako nakaalis agad" nag-iba naman ang mukha niya nang mabanggit ko ang kapatid niya. He became concern, well dapat lang dahil sinaktan lang naman niya ako ng magaling niyang kapatid tsk.

"Kanina pa ako nag-order para sa atin" he started talking, sinenyasan din niya ang waiter tungkol siguro sa inorder niya. Bumaling ulit ang tingin niya sakin, "What happened? Sana sinabihan mo ko para doon ko nalang sa opisina mo sinet 'to" umiling ako

"No worries, at tama lang na sa labas mo sinet ang appointment dahil baka magkita pa kayo ng kapatid mo at ano nanaman iisipin 'non"

"Ano naman sinabi niya sayo?" he asked, "tigilan ko na daw sirain ang buhay niya dahil hindi na naman daw siya babalik sakin" natawa ako nang maalala ang sinabi ni Levesque kanina sakin. Hindi ko aakalain na malaking clown si Levesque. He's a big fat clown.

"He's impossible" sabi ni Agel na hindi makapaniwala sa naging asal ng kuya nito, "well, hindi rin ako makapaniwala na ganon pala ang kuya mo, Agel. I really made him mad, huh" at ininom ko ang tubig na nasa harapan ko

"so, bakit ka nagset ng appointment? Do you need something?"I asked him, nagulat nalang kasi ako dahil pumunta siya sa opisina ko kahapon at sinabi na kailangan namin mag-usap and he left. Nalaman ko nalang kay Cess na nagset pala siya ng appointment without any reason.

"I need some help, Athena. Kakapalan ko na ang mukha ko dahil kailangan ko talaga ng tulong mo" he told me, "alam kong wala na kayo ni Alexander pero hindi naman siguro mawawala ang love and care mo sakin diba?" Tinampal ko ang braso niya

"Gago anong love and care ang sinasabi mo, ang cringe mo masyado. Ganyan ba nagagawa ng Palawan sayo?"

Napakamot siya ng ulo, "so what do you think Athena?"

"pag-iisipan ko pero tawagin mo muna akong ate." I started to tease him, pero tinignan lang ako ng masama. Natawa naman ako, ang sarap talaga niya asarin

"Joke lang, so ano bang tulong ang tinutukoy mo?" At nagpalumbaba ako, "Gusto ko kasi magpatayo ng negosyo sa palawan"

"Sari-sari store? Sure why not, padadalhan kita ng grocery package 'don" I told him, "Athena naman! Hindi 'yun ang ibig kong sabihin, okay? At wala sa itsura ko ang magtayo ng sari-sari store"

"alam mo hindi ka mabiro kahit minsan 'no, ba't hindi mo na kasi ako diretsuhin hindi 'yun dami mo pang palabok" naiinip na sabi ko sakanya, bago pa niya ako sagutin ay may biglang may sumabat sa likuran ko kaya nabaling ang tingin ko 'don.

What the hell, anong ginagawa niya dito? Tangina.

"Who the fuck are you, man?" madilim ang mukha niyang nakatingin sakin, fucking great. The prince is here, and he is fuming mad.

Costello 1: AthenaWhere stories live. Discover now