Chapter 50: Find

549 17 0
                                    

Chapter 50

"Nike?" he answered my call, "hey Athena, long time no talk"

"I want you to find Amber Forbes"

"Amber Forbes? Your auntie?"

"Narinig mo ba ako at kailangan ulitin ang sinabi ko, Nike? and fucking yes, find her within a day" he cursed, "seriously? Alam mong mahirap hanapin ang taong nagtatago"

"Then use your connection, Nike. I know you can do it within a day, nagrereklamo ka lang kasi naiistorbo kita"

"Well for your information Athena Minerva Forbes-Costello, mas marami kang koneksyon sakin jusko bakit hindi ikaw ang maghanap sa tita mong matapobre? And you are fucking right, I am freaking busy--" I cut him off, "Will you do it or I'll do it?" malamig na ani ko

"E-Eh, sabi ko 'nga ako na gagawa. Ikaw naman Athena hindi ka mabiro" at tumawa siya ng peke. I smiled and looked at the person infront of me. "Good Nike, I'll wait for your file tomorrow" at binaba ko na ang tawag. I hid my phone, and smiled at her.

"So what do you want from me, Cleo?" I asked her, she's...horrible. She looked horrible. Para bang iniwan na siya ng mundo sa itsura niya ngayon. Ganyan ba ang nagagawa ng mangabit? Well maybe, ginalit nila ako 'e. Ang kapal din kasi ng mukha niya para makipaglandian kay Levesque, they were both wrong. May asawa na siya at anak habang si Levesque ikakasal na pero naglalandian palang sila na para bang may sarili silang mundo. Now, the consequences come for the both of them. Not my fault.

"S-Stop ruining my life, A-Athena. P-Please, I'm begging you" I stared at her intently, I felt the desperation in her voice and anger? Hmm, she's mad?

"Are you mad?" I asked her, tumingala siya sa akin. Lumunok siya, she doesn't know what to say. Sumandal ako at pinaglaruan ang buhok ko. " What I did from the you and Levesque was not fault. Kasalanan niyo 'yon" I started talking to her, "May ginawa kayong kasalanan kaya may consequences ang mga iyon"

"I heard your son and husband left you after they heard the news..." tumingin siya ng masama sakin, no more soft Cleo. Hindi naman ako nagulat sa pinakita niya dahil noon palang alam ko nang ganyan na ang ugali niya, pero pagdating sa mga lalaki ay mukha siyang maamong kuting.

"And its your fault!" natawa ako nang sisihin niya ako sa pag-iiwan ng anak at asawa niya sakaniya, "You've got to be kidding me, Cleo. They left you because you cheated. They left you because you prioritized yourself instead of them. Gets mo ba? Kailangan ko bang sabihin nang tagalog?" Tumayo siya at dinuro ako. Nag-acting ako na nasaktan sa kinilos niya

"Y-You! W-Wala kang awa, A-Athena. Ginawa mo ito dahil hindi mo tanggap na ginamit ka lang ni Levesque at ako ang pinili niya" singhal niya sakiin, hinawakan ko ang dibdib ko.

"Oh really?" I crossed my arms, "first of all, alam ko na ang sainyo ni Levesque. Was that 2 years ago? Ah yes, dalawang taon kayo nagkikita sa likod ko diba?" napababa niya ang daliri niya at kita ko ang panginginig ng katawan niya. Of course, she's shocked.

"shocked? Of course you are. Alam ko na lagi ka niyang pinupuntahan noong buntis ka pa, at noong manganganak kana you called him because your husband was not by your side" she became speechless, "and you were saying na hindi ko tanggap? na wala akong awa? Oh you're wrong darling. Tanggap ko na ang lahat lalo na noong pinili ka niya. At ako? Walang awa? Oh no, mali ka din diyan dahil kung wala akong awa noon pa man alam na nang asawa mo ang kalandian niyo ni Levesque"

Napaluhod siya at napahagulgol sa sinabi ko, pero hindi pa ako tapos. "I accepted Levesque's marriage proposal dahil akala ko mababago ko siya, akala ko mas mahal niya ako kaysa sayo but I was just his safe zone. He proposed to me dahil ayaw niyang mawalan ng taong magmamahal sakanya ng buo habang minamahal ka niya" Tumingala ako para pigilan ang namumuong luha sa mata ko. I should not cry.

"Tell me, Cleo. Wala pa ba akong awa sa lahat ng pagtitiis ko sakaniya? I loved him more than myself and I know he felt that too pero masyado niya akong inabuso. He just wanted to be happy that's all. Even though he was so selfish, I didn't stop loving him." Kinagat ko ang labi ko habang nakatingin kay Cleo. Nakayuko ito at umiiyak. I want to stop my tears from falling, nakakapagod umiyak.

"but in the end, he's not my home Cleo. He will never be my home because for him I am just his safe zone" I faintly smiled, "kaya sa lahat nang nangyayari sainyo ngayon ni Levesque, you both deserved it. Hindi niyo masyadong inisip na may masasaktan na tao sa gagawin niyo. I will not apologize because these are all your fault."

I HEAVILY SIGHED, "damn" mahinang ani ko at pinikit ang mata ko. My body wants to rest but my mind tells me not to. Fuck, pagod na pagod na ko sa nangyayari sa akin simula noong umuwi ako ng pilipinas. Bakit ba kasi umuwi pa ako ng pilipinas. I should had stayed at Switzerland dahil puro stresss ang nararanasan ko ngayon dito.

I heard a knock from the door, "come ine" I said kahit nakapikit ako. It maybe my secretary.

"Gawan mo 'nga akong coffee, Cess" I told her, hindi siya sumagot at sumara muli ang pintuan. Wala na sigurong pupuntang istorbo dito sa opisina ko. Nakakapagod makipag usap. Pumunta ako sa sofa ng opisina ko at humiga doon, kinuha ko din ang kumot na nakatago sa drawer. Buti nalang may extrang kumot dito para makapagpahinga ako ng maayos. Hindi ko na nahintay si Cess at nakatulog na ko.

DION DEL PRADO POV:

"Cess? Saan ako pwedeng gumawa ng coffee dito?" I asked her secretary, nagulat ito sa tanong ko. "Sir?"

"Akala ni Athena na ikaw ang pumasok kaya inutusan ka niya gumawa ng coffee" I told her, napatango naman ito. "Ako na po ang gagawa sir" aniya, umiling ako."No, ako na. I know her taste" pansin ko ang pagngiti nito, at inalalayan niya ako papuntang cafeteria ng building.

Ilang minuto din nang matapos akong gumawa ng gustong kape ni Athena, sana ganoon pa rin ang gustong kape ni Athena. Cess opened the door for me, hindi ko nakita si Athena na nakaupo sa swivel chair nito kundi nakahiga na pala ito sa sofa.

"Hala sobrang pagod ata niya ngayon" pupuntahan sana niya si Athena pero pinigilan ko, "wag, baka magising siya" napakamot siya ng batok. "okay lang po ba na iwan ko po kayo dito?" she asked

"oo okay lang, cancel her meeting for today. She needs to rest at kung sino man ang pupunta dito pakisabi na she's not here" I told her, "sure po ba kayo na iccancel ko? Baka po magalit siya" Umiling ako, "ako na bahala sakanya, kung magagalit siya sa akin iyon at hindi sa'yo kaya 'wag kang mag-alala" I told her

"Salamat po" tinignan niya muna si Athena bago lumabas at sinara ang pintuan. Binaba ko ang kape na hawak ko sa lamesa nito at agad siyang pinuntahan sa sofa. I loosen my necktie and removed it. Binuksan ko rin ang isang butones ko sa polo. Huwag kayong mag-isip nang masama, wala akong gagawing masama sakanya. I want to be comfortable. Umupo ako sa tabi niya hinaplos ang buhok nito.

"I heard what happened to you and Soul..." I whispered, nagulat ako nang mabalitaan ko noon kina Jupiter ang nangyari kay Soul at Athena. Nagalit ako at agad ko noon pinuntahan si Soul sa condo niya and I punched him hard. Hindi siya lumaban at hinayaan lang ako na saktan siya. Kasama ko noon sila Jupiter at Venus kaya agad din nila ako naawat kundi mapapatay ko si Soul. He said sorry pero nasampal siya ni Venus and then we left. Gusto ko lang talaga siya saktan dahil ang sabi ni Venus sa akin ay sobra daw nasaktan si Athena.

Kaya ngayon binisita ko siya sa opisina niya pero mukhang hindi ko siya agad makakausap dahil tulog na tulog ito. Bumuntong hininga ako, hindi deserve ni Athena ang masaktan at malaki ang pagsisisi ko noon noong nasaktan ko siya. Gago ako noon kaya ngayon hanggang sa makakaya ko ay bumabawi ako sakaniya.

Costello 1: AthenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon