Chapter 54: Excitement

452 14 0
                                    

Chapter 54

"ate!!!" tawag sa akin ni Kyle sa akin sa swimming pool, I waved at him. "watch out baka madulas ka" ani ko, ngumiti ito at nilapitan ako. "kumain kana? I can cook for you" he said while drying his self.

umiling ako sakaniya, "no thank you kumain na ako bago umuwi, nakita mo ba sila Uno?" I asked him but he shrugged his head

"hindi sila masyadong umuuwi dito simula noong umalis si tita Ava, napatango naman ako sa sinabi ni Kyle. Oo nga pala may sarili na silang condo unit dagdag pa na umalis na si tita Ava at bumalik na sa ibang bansa kaya hindi na sila masyadong umuuwi dito sa hacienda

"Did your mom contact you already?" I asked him, umiling ito muli. "No, it's been weeks pero kahit isang message manlang wala akong natanggap" he told me, napaisip naman ako. Tita Amber's favorite son is Kyle kaya for sure itetext niya ito pero ang weird dahil wala manlang daw siya natanggap kahit isang message galing kay tita. What is she planning?

Sa pagkawala ni tita na parang bula, ay malapit lapit na rin ang kasal ni mom at ni papa. Sinasanay ko na rin ang sarili ko na tawagin si King Samuel bilang papa because of course he will be my stepdad when they get married

"nag-usap na ba kayo ni dad?" I asked him again, napansin ko na may dumi siya sa pisngi kaya't inalis ko yun. He thanked me and answered ny questions

"yes at sabi niya sa akin na papalitan daw niya ang apelyido ko as soon as possible" napangiti naman ako, "well that's good to hear, Kyle. Pasok lang ako sa loob" tumango ito kaya't naglakad na ako papasok ng hacienda.

Sinalubong ako ng ibang maids, binati ko naman sila at tinanong kung sino sino ang nandito, "nasa itaas po sila sir Max at ma'am May, mukhang nag-away po silang dalawa" sambit niot, napakunot naman ang noo ko, nag-away? seriously?

"Ay oo nga po pala nasa guest room din po pala ang iba niyong pinsan, ma'am" aniya

ang ibig ba niyang sabihin sila Apollo, "nakalimutan ko po ang pangalan nila pero sila po yung kadarating lang po galing ibansa noong isang buwan" dagdag pa nito, sila Apollo nga ang tinutukoy niya. I never expecct na magsstay sila dito ng ganitong katagal, ilang araw na rin akong hindi nakakauwi dito dahil sa condo ako umuuwi

"Ilang araw na sila dito?" I asked the maid, napaisip naman siya. "maglilimang araw na niyan po ngayon, ma'am" she told me, napatango naman ako. Ang tagal naman ata nila dito. Tinuro sa akin ng maid kung saang guest room nagsstay sila Apollo. Hindi na kumatok pa dahil rinig na rinig sa labas ang ingay nila

"Athena!" tawag sa akin ni Artemis at niyakap ako, I hugged her back. "bakit nandito pa kayo? I didn't expect you to stay here for long" I told them

"well, hindi kasi makauwi si Aphrodite dahil galit pa sakaniya si mommy" Apollo told me, tinignan ko naman si Aphrodite na nakanguso sa tabi, "what did you do, Aphro?" I asked her

Hindi siya sumagot, alam niyang magagalit ako pag nalaman ko. Tinignan ko si Artemis para siya ang magexplain sa akin, "well, tumakas lang naman siya ng dalawang beses sa bahay at ang malala pa don ay madaling araw pa" Artemis said, bumaling ulit ang tingin ko kay Aphro

"why did you do it, Aphro? Hindi mo naman gagawin 'yun kung wala kang pupuntahan na iba" I asked her, ngumuso siya ulit

"stop pouting, nagmumukha ka ng bibe" I added, Apollo and Artemis laughed.

"May house party kasi si Sol noong unang gabi na tumakas ako tapos nalaman ko pa na pumunta pa siyang bar noong pangalawang gabi na tumakas ako kaya sinundan ko siya" paliwanag nito sa akin

Anong iig niyang sabihin? Sol? Yung Sol ba na kilala ko ang tinutukoy niya? Siya ba ang hinahabol ngayon ni Aphrodite na sinabi sa akin nila Apollo noon?

"Sol Ferrer" ani ko, nagulat siya "paano mo nalaman ang surname niya? Kilala mo ba siya?" I felt the hope on her voice

"Anak siya ng kapatid ng asawa ni Tita Ava" ani ko, tumayo siya at nabigla ako dahil hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at inalog 'yun. The hell?

"ibig bang sabihin non close kayo? Can you tell him a good impression of me? Please..." nagpuppy eyes pa siya, pinatigil ko siya sa kakaalog sa balikat ko. "Wait, chill ka lang Aphrodite" I told her and calm her down

Kalmado na siyang nakatayo sa harapan ko ngayon, but I saw the hope on her eyes again. I heaved out a sigh.

"We're not that close, Aphrodite. Hindi rin kami nag-uusap masyado ni Sol kaya hindi ko mabibigay ang gusto mo, and Selene likes him" I told her

"WHAT?! Yung pinsan natin na si Selene? What the hell?" and I saw how she rolled her eyes, opss mukhang nainis ko siya sa sinabi ko

"Gusto lang naman niya si Sol, but he never liked her ever. Ayaw niya kasi sa mga maarteng babae like her" I explained, I heard Artemis stopping herself from laughing.

"Stop laughing, Artemis!" singhal ni Aphro kay Artemis, Aphro bites her nails, she's nervous. Mannerism na niya yun simula pagkabata palang, ewan ko ba kanina niya namana yyung ganiyan.

"Kaya pala hindi ka niya pinapansin dahil ayaw niya sayo, Aphrodite. Your attitude is a major turn off for him" Artemis said and laughed, napayuko naman si Aphrodite. Siniko ni Apollo ang kambal niya, "Watch your words, Artemis. You're hurting her..." Apollo said

Nag-sorry naman si Artemis, tumingin ako kay Aphrodite na tahimik ngayon but she's still biting her nails.

I sighed and tapped her head lightly, "wag kang mawalan ng pag-asa, Aphro. I know you can win his heart, at kung seryoso ka talaga sakaniya don't give up easily" I told her, tumingala siya sakin at mapait na ngumiti

"and don't ever change yourself just for man, Aphro. If he's the one, he will accept your flaws no matter what happened" Apollo told Aphrodite, he's right. Alam kong ganon ang iniisip ni Aphrodite, she'll try to change herself for Sol to accept her but that's not right. Her attitude is not bad as people think and even what Soul thinks kaya bakit siya magbabago diba? Tsk

"and don't ever do it gain, Aphrodite. Huwag kana tumakas kay tita Cass para lang sa isang lalaki. Hindi magandang gawain ng babaeng 'yan at kuung may balak kang tumakas sana naman inaya mo ko" natawa naman si Aphro sa sinabi

"Instead na pagsabihan mo gusto mo pa na isama ka pa niya, kakaiba ka talaga Athena" Apollo said, I chuckled and messed Aphro's hair.

"Let's get drunk tonight, pumunta tayo sa bar kung saan ang laging pinuntahan ni Sol. Show him how independent and fucking hot you are" I said and grinned

"Shit, I like your idea Athena!" sabi ni Artemis


TUMINGIN ako sa labas ng bar, dito din ang huling punta ko noon kung saan nakita ko sila Uno at Tres na nag-iinom. Sana lang hindi ko sila maabutan dito. For all I know, ex fling ni Artemis si Uno and she hates him a lot.

"Baka makita din natin dito si Uno" I told them and looked at Artemis. Umiwas naman siya ng tingin, "I don't care, wala na kong pakialam sakaniya. His twin brother is more better than him" she said

"What? fling mo ngayon si Tres?" namula naman si Artemis at mahinang tumango, "nagkalandian lang kami noong isang araw" Artemis said

"hanggang ngayon Artemis, akala mo ba hindi ko alam na panay video call niyo pag gabi" Apollo said, she rolled her eyes

"Ano ba? Hindi pa ba tayo papasok? Sayang ang outfit natin kung tatambay lang tayo dito" she said, she's trying to get out with her situation. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa lovelife mo ngayon Artemis, pero mukhang mahihirapan ka. Tinuhog mo ba naman ang kambal na Forbes. Goodluck.

Naghanap kami kaagad ng table, pinauna ko na sila doon dahil pupuntahan ko muna si Jupiter sa VIP room. Habang papunta ako sa VIP room ni Jupiter, nahagip ng paningin ko si Sol na may katabing babae at kung sinuswerte ka nga naman kasama niya sila Uno at Tres pero walang babae sa tabi ni Tres. Weird, loyal na ba siya kay Artemis? lol

Tinignan ko muna kung malapit ang nahanap nila Artemis na table kaynila Sol, malapit lapit nga dahil isang table lang ang pumapagitan rito. Sigurado akong nagkita sila, how exciting this night will be. Hindi na ko makapaghintay sa mga mangyayari.

Costello 1: AthenaWhere stories live. Discover now