Chapter 20: Twins

1.3K 30 4
                                    

We're just strangers with some memories

ATHENA MINERVA POV:

I tapped my fingers at the counter while waiting for Zero, damn ang tagal niya.

"Hindi kana iinom?" Drey asked, umiling ako. "Akala ko pa naman maglalasing 'to" rinig kong bulong niya, hindi ko nalang siya pinansin. Napatingin ako malapit sa entrance and there I saw Zero wearing his damn sunglasses and his american suit. Kakagaling lang niya sa companya niya? Hmmm. Binaba ko sa counter ang bayad sa mga ininom ko

"Keep the change" at pinuntahan ko si Zero.

"Athena" tawag niya sakin, "Nice" malamig na sabi ko

"You smell..." I rolled my eyes, "uminom ako, okay?"

"Diba---" pinutol ko kaagad ang sasabihin niya, "Hindi kita pinapunta dito para pagalitan ako, Zero. You are here because of our damn cousins" diin na sabi ko

"Tsk, chill ka lang" at inakbayan niya ako, "Show them to me" sabi niya, naglakad kami papunta sa gawi nina Uno. "There..." sabay tingin ko sakanila

"Fucking bastards" rinig kong usal niya, I chucked. "Hindi pa rin sila nagbabago. Puntahan mo na sila, susunod ako" tinanggal na niya ang kamay niya sakin at nilapitan ang mga kapatid niya. Let me watch them first.

"Zero?" rinig kong sabi nina Uno nang makaharap nila si Zero, nakita ko ang pagtulak ni Tres sa babae niya but not Uno.

"Damn, we're dead Uno" Tres said to his twin, "And I will kill you both" sabi ni Zero sakanila

Ngumisi si Uno, tss umiiral na naman ang katigasan ng ulo niyo. "You can join us, Zero" Nagtiim bagang si Zero at binatukan ang kapatid

"Fuck yourself Uno, umuwi na tayo."

"Ang KJ mo talaga kahit kailan, Zero. Umuwi tayo ng pinas para mag enjoy hindi magbabad sa trabaho or what" masayanh sabi ni Uno sa kapatid. Nilapitan ko na sila at tumabi kay Zero. Nanlaki ang mata nina Tres lalo na si Uno, malakas niyang tinulak papaalis ang babae na nasa kandungan niya.

"Babe naman..." malanding sabi ng babae sakanya, pero wala siyang magawa kundi umalis kasama ang mga kasama din niyang malalandi.

Napatayo silang dalawa, "A-Athena..." mahina pero alam kong takot na silang makita ako. "I called Zero to take you home, but I guess kailangan ako pa ang magsasabi sainyo na umuwi" malamig na sabi ko sakanila, namutla silang dalawa

"Let's go" sabi ko at pinauna ko silang lumabas ng bar, at nakita ko si Drey na nakanganga habang nakatingin sakin. I waved him goodbye, at tinext ko na rin sina Venus na aalis na ako.

Nakalabas na kami ng bar, at doon ko sila kinausap. Nakayuko ang kambal habang nakasandal naman si Zero sa sasakyan, sakanya ata yun. "Kamusta si Tita Ava?" tanong ko sakanila, "Huh?" tanong ng kambal

Tinaasan ko sila ng kilay, "H-Hindi mo kami papagalitan, Athena?" Tres said, I laughed

"Gusto niyo pagalitan ko kayo?" napakamot na lamang ng batok si Tres, "Sumakay na kayo sa sasakyan ni Zero except from you Uno, sakin ka sasakay"

"P-Pero..."

"Kung ang sasakyan niyo ang inaalala niyo, si Jupiter na bahala dyan" at pumunta na ako kung saan nakapark ang sasakyan ko, sumabay naman si Uno.

"Athena bakit hindi nalang si Tres ang sinama mo?" Sabi niya, tinignan ko siya ng masama

"Sakay"malamig na utos ko, sumakay na kaming dalawa. Pinaandar ko na ang makina at umalis na doon.

"Bakit ang tigas ng ulo mo, Uno?" malamig na sabi ko sakannya, nakayuko siya ngayon. "Ngayon na nga lang tayo magkikita at ganito pa ang dadatnan ko sainyo ni Tres? Grow up, Uno"

"S-Sorry A-Athena..."

"Tell me, may problema ka ba? Lovelife?"

Tumingin siya sakin pero umiwas din siya, "No" napailing nalang ako, ayaw niyang magkwento. Fine

Hindi nalang ako umimik, pero nagsalita siya ulit. "Congrats sainyo ni Levesque, he's a friend"

"Thanks" simpleng sabi ko, "Pero paano na kayo ni Del Prado? For sure alam na nila lalo na si Dion at Aeneas"

Kumunot ang noo ko at sumulyap sakanya, "What do you mean?" He sighed, "We all know that you have a past between them, at kaibigan ko din sila. Magbabarkada kami, Athena"

"So? Gusto mo bang sabihin na tinuhog ko ang mga kaibigan mo? Ha Uno?" diin na sabi ko, It's not what I mean, Athena..."

"Pero ayan ang nararamdaman ko ngayon, Uno" malamig na sabi ko, tinigil ko muna ang sasakyan at tinignan siya ng masama. "Kung ayan ang iniisip mo at ng mga kabarkada niyo, then fine wala na akong magagawa. Pero ito lang anh masasabi ko sayo, Uno. Hindi naging kami ni Dion, at magkaibigan lang kami ni Aeneas by that time. I loved them, pero hindi ko sila tinuhog. Sila nga ang may ayaw sakin noong panahon na iyon, kaya wag na wag niyong sasabihin na tinuhog ko sila"

Tumingin ako sa harap at pinaandar ang makina, "and I truly love Alexander" I damn love him.

Costello 1: AthenaWhere stories live. Discover now