Chapter 33: Cleo

949 31 4
                                    

Chapter 33

ATHENA MINERVA POV:

"iwan ko muna kayong dalawa..." mahinang usal ni King Samuel at umalis

Tinignan ko si Soul, at tinaasan lang nya ako ng kilay. "What do you need?" dahan dahan akong lumapit sakanya

"kabilang ka sa barkada ni Alexander" it is bot a question but a statement, "ano naman ngayon?" damn him, kung hindi lang siya prinsipe kanina ko pa siya pinatay dahil sa pag susungit niya sakin

"samahan mo ko mamayang gabi, diba may gala kayo mamaya" nagtiim bagang siya, "no. Hindi ka pupunta"

I glared at him, "hindi mo ko matatakot sa tingin na yan, Athena"

"fuck Soul, bakit hindi mo nalang ako tulungan?" inis na ani ko, "at pagkatapos ano? masasaktan ka? tangina Athena, magagalit lalo sakin sila sa Ares sa plano mo" and that's it, I push his buttons. Prince Soul got mad.

"masasaktan ako, yes, pero maliliwanagan ako lalo. I want to see it by my own eyes"

"Don't make me laugh Athena. You are killing yourself"

"Please?" nabigla siya, "so now, a Goddess is saying please just for a mere man? you are impossible, Athena" at umiling iling pa ito

naglakad siya at nagsalita, "you want to see him? then let's go, kanina pa nandon si Alexander with Cleo of course" malamih na aniya, huminga ako ng malalim at sumunod sakanya.

Iniimagine ko palang nasasaktan na ko, paano pa kaya pag pinapanood ko na silang dalawa? You are really killing yourself, Athena.

MAHIGIT dalawang oras na ang byahe at hindi pa rin kami nakakarating kung saan ang gala nila magbabarkada, "so that's why..." mahinang usal ko, sumulyap naman sakin si Soul. "yes. that is why walang bali balita na tungkol sakanya na magkasama sila ni Cleo"

Kailan pa nangyari 'to? Kailan pa nila ako niloloko ng ganito? Akala ko noon wala na silang koneksyon at hindi na mahal ni Alexander dahil nagpropose na siya sakin, but damn it. Alam ko lang na niloloko ako ni Alexander pero tangina lang hindi ko alam na ganito pala sila magsama "Since the day he proposed to you" para akong binagsakan ng langit at lupa sa sinabi niya

"W-What?" tumigil bigla ang sasakyan sa harap ng isang malaking bahay, tumingin ako sa labas. He turned off the engine and stared at me, "you want to know the reason why? Ask him, nasa loob siya at kasama niya si Cleo." nanginginig ang kamay ko dahil natatakot akong makita silang masayang magkasama. Diba ito naman ang gusto mo, Athena? Then face them, fuck it!

"S-Sino pa ang nasa loob?"

"Don't worry hindi alam nila Uno ang kagaguhan na ginagawa ni Levesque sayo" napakagat ako ng labi, bumaba siya ng kotse at pinagbuksan ako ng pintuan. "Nandito lang ako" kahit talaga masungit to, maasahan pa rin. "Thank you, Soul..." mahinang ani ko at naglakad na kami papunta sa bahay. I tried to calm myself, but it never happened kaya't hinawakan ni Soul ang kamay kong isa at pinisil ito.

"Just be strong, Athena..." bulong niya sakin, damn, be strong Athena.

Siya ang nagbukas ng pintuan ng bahay, pero hawak pa rin nya ang isa kong kamay. Bumungas sa amin ang iilang kaibigan nila na nasa sala, nakilala ko na sila noon dahil pinakilala ako no Alexander sakanila. Nagulat sila dahil nakita nila ako kaya agaran silang tumayo saknilang kinauupuan. Namutla sila na para bang nakakita sila ng multo

Damn, buti nalang nakasunglasses ako ngayon kaya di nila nakikita ang pamamaga ng mata ko

"A-Athena??" nauutal na ani ng isa skanila, I remember his name is Drake Salvi at kasama niya ngayon ang mga pinsan niya na sila Calli at Aiko

Costello 1: AthenaUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum