Chapter 45 : Talk

529 15 0
                                    

Chapter 45

ATHENA MINERVA POV:

Tumingin ako kay dad, "dad..." napatingin siya sakin. Kanina pa siya nag iisip ng malalim I sighed mukhang gusto niyang magsalita pero hindi niya alam kung paano niya uumipisahan.

"Iha, I-I just want to apologise..." hinawakan ko ang kamay niya at mahinang pinisil ito, " dad don't be sorry. It was all my fault, sorry for being selfish. Sorry dahil mas inuna ko ang ibang tao, kaysa sayo at mas inuna ko ang galit ko kaysa patawarin ka"

Napayuko siya sa naging ani ko, "Gusto ko na magka ayos tayo, dad. Nandito na si mom, kaya narealize ko na kailangan ko ng i-let go ang mga nangyari noon." I told him little by little, "Gusto ko na kahit hindi na tayo buo as a family, nandito pa rin ako sa tabi mo dad. I know you love mom, and you feel guilty from all the pain you cause her but dad please stop being guilty. Forgive yourself dahil napatawad kana rin ni mom. Don't let the guilt ruin you as a person, dad." Narinig ko ang hikbi ni dad

"A-Alam kong malaki ang kasalanan ko bilang ama sayo Athena pero alam ng lahat na mas malaki ang kasalanan ko bilang asawa sa mama mo. I've been causing her too much pain back then at wala man akong pakialam 'non. Naging selfish ako, I always prioritized myself and my happiness. Hindi ko man naisip na may nasasaktan at may nagssuffer na sa mga kagaguhan ko. Yes, nagguilty ako but I loathe myself now Athena. I loathe myself because I caused both of you too much pain." iyak nito sakin, kaya naluluha na rin ako. I can't believe na ganito pala ang nararamdaman ni dad all these times.

Tumingin siya sakin at kitang kita ko ang pagtulo ng luha nya sa kanyang mga mata, " I am very sorry, Athena. Alam ko wala ng kwenta ang sorry ko dahil nasaktan ko kayo sobra ng mama mo, pero sana mapatawad niyo ko. Iniwan na ko ni Minerva and it hurts my heart so bad, pero mas hindi ko kakayanin kung ang taong nagpapaalala pa sakin tungkol saknya ay mawala pa. Hindi ko kakayanin, anak." hagulgol niya, agad ko siyang niyakap ng mahigpit. Umiiyak na rin ako dahil ramdam ko na ramdam ko ang sakit na dati pang tinatago ni dad

"H-Hinding hindi kita iiwan dad... H-Hinding hindi mangyayari 'yun, I am always here. Bumalik na ko sa tabi mo, at mali ko na iwan ka dati..." bulong ko sakanya, "I will live here with you, okay? And please, 'wag nyong isisi ang lahat sa sarili niyo. Hindi lahat ay dahil sainyo." pilit kong pinapakalma si dad, he is breaking down.

"P-Patawad Athena...Patawad...." mahinang usal niya, "Shhh... It's okay, dad. Everything's fine now"

NGUMITI ako nang ilapag ko sa hapag kainan ang niluto kong fried rice at hotdog na may bacon. It is dad's breakfast meal at hinanda ko 'yun sa unang araw na magkasama kami sa bahay. Hindi na ko nakauwi kahapon sa hacienda dahil tumagal pa ang pag uusap namin dad hanggang sa napagdecide namin na inumin ang isa sa mga wine collection niya.

Mabuti nalang mataas ang alcohol tolerance ko at naunang nalasing si dad kaya ako ang nag alaga sakanya. Napatigil ako sa pag aayos nang nakita ko si dad na pababa na ng hagdanan, hawak hawak niya ang ulo niya. I guess, hang over dagdag pa na umiyak siya kahapon kaya for sure sobrang sakit ng ulo niya.

Ngumiti siya agad nang makita niya ako na nakatingin sakanya, "goodmorning, iha" he greeted me, agad naman ako lumapit at hinalikan ang pisngi niya.

"goodmorning, dad. I cooked your favourite meal" masayang ani ko, " at nandyan na rin yung gamot mo sa hang over"

He sighed, "thanks God, thank you anak. How's your head? wala ka bang hang over? Hindi ba masakit ulo mo?" natawa naman ako sa sunod sunod niyang tanong sakin

"dad chill ka lang, ayos lang ako. Ako pa 'nga nag -alaga sayo kagabi, nakalimtan mo na ba ako? And you keep calling me by my second name" nabigla naman siya sa kwento ko, "really?" tumango ako

I am very sure hindi ko naman second name ang tinatawag ni dad, kundi ang pangalan ni mom. I sighed, he really missed her huh? Kung ako lang din masusunod gusto ko din magkabalikan silang dalawa, pero ayoko naman pilitin si mom na balikan ang taong alam natin na nanakit sakanya. Sino ba naman ang taong babalik sa taong nanakit sakanya ng ilang taon, diba?

"ahh kain na tayo at baka lumamig na yung niuto mo" oh diba, agar iniba ni dad ang topic pero alam ko naman na alam na niya ang iniisip ko ngayon. He knew that I know that he freakin' miss mom so much and he really loves her right now. Kung sanang nasa tamang oras ang pagmamahal nilang dalawa, sana masaya sila ngayon. But I guess ito ang plano ng Diyos sa kanilang dalawa and that hurts me that most. Hindi ko na ulit makikita ang mga masasayang ngiti ni dad na si mom ang rason at ganon din kay mom dahil iba na ang magpapangiti sakanya.

"let's talk about that Levesque" sabi ni dad sakin, "dad naman, ilang buwan na ang nangyari samin. May kanya kanya na kaming buhay"

" at alam kong may plano ka tungkol saknya, anak. You never let someone get away after they hurt you" napangiti naman ako, "alright, tama ka. May plano nga ako saknya at sa babae niya. I already ruined their names. They are now known as the cheater couple"

"pero hindi ka pa panatag 'don, anak. Kilala kita, that's not enough" hiniwa ko ang hotdog, "of course dad, wala pa 'yun sa pinaramdam nila sakin"

NAKAKATAMAD na dito sa opisina ni Ares, bakit ba kasi sinama sama niya ako dito tapos iiwan lang pala niya ako? My gosh, kung hindi lang dahil sa unexpected meeting niya hindi ako mabbored dito sa loob ng opisina niya. Umupo ako sa swivel chair niya at tinignan ang mga iba papeles na nakalatag sa mesa nito.

Tsk, bakit kailangan pa maghandle ni Ares ng kompanya 'e abogado na siya? Hay naku, lalo niyang pinapahirapan ang sarili niya. Kaya hindi siya masagot sagot ni Kath dahil sobrang workaholic niya. Ayaw pa naman ng mga babae ng mga lalaking puro trabaho ang inatupag sa buhay.

Napatigil ako sa pagbabasa ng mga boring na papeles niya nang bumukas ang pintuan, agad akong umayos ng upo at tumingin 'don. I even fixed my hair for God's sake. Baka kasi isa sa mga business partner ni Ares 'yun at makita niya na sabog sabog ako. Pero hindi na ko umalis sa pagkakaupo ko, duh, pake ba niya kung nakaupo ako dito.

Sumandal ako sa upuan at babatiin sana ang pumasok pero kahit siya ay napatigil pagkakita palang sakin, "Y-You..."he stuttered while looking at me, nakabawi na ko sa pagkagulat ko pero mukhang hindi pa siya kaya nginitian ko siya.

"Hello, Agel. Long time no see, I didn't expect you to be here" I greeted Agel Levesque. What a coincidence.

Costello 1: AthenaWhere stories live. Discover now