Chapter 32: Let go

1.1K 27 5
                                    

Chapter 32

ATHENA MINERVA POV:

Tulala ako habang hawak hawak sa kanang kamay ko ang engagement ring, mapait akong ngumiti at para bang unti unti ko nang narerealize na sobra na ang pagiging tanga ko. I don't deserve this love. His fake love. I tried to erase all the bad memories with Alexander, pero bakit unti unti na naman itong bumabalik? Akala ko ayos na, he told me he loves me every time pero siguro hindi iyon sapat. Tama nga ang sabi nila, pati ang pagmamahal niya may bahid din ng kasinungalingan and that's fucking bullshit.

Napabalik ako sa realidad nang may kumatok at binuksan ang pintuan ng kwarto, it was Dion. Napakunot ang noo ko at mabilis na pinahid ang mga luha sa namumuo muli sa mga mata ko. Tinago ko sa ilalim ng upuan ko ang engagement ring, hindi ko na kayang suotin yun dahil sobra nang sakit ang nararamdaman ng puso ko ngayon. I don't deserve this pain.

"What are you doing here, Dion?" I asked him, naka amerikana siya at may dala siyang suitcase. "I am here to talk to you about private matters, Thea" Inayos kocang buhok ko at pinaupo sa tabi ko

"Ano 'yun? You can ask my assistant about that matters..." umiling ito, "no because you are involve here, Thea" nilapag niya sakanyang harapan ang suitcase at binuksan iyon. May mga litrato at nahagip ng mata ko ang dalawang taong naghahalikan.

"You've been cheated on, Thea" humigpit ang kapit ko sa higaan ko, tumingin si Dion sakin. "Hindi ko sinasabi 'to para makuha kita kay Alexander but bullshit Athena, your fiancée is cheating on you with his ex girlfriend!" napapikit ako, I know Dion... I know...

"Alam mo na ba ito at nagbubulag bulagan ka lang? Dahil kilala kita Athena, walang nahuhuling balita sayo dahil ikaw at ikaw ang unang nakakaalam sa lahat" tinignan ko siya at nginitian. Nagulat naman siya sa naging asal ko, "Athena..."

"You did a great job, Dion...." mahinang usal ko, "What..." Hinawakan ko ang kamay niya at pinisil, "You are right, alam ko na ang lahat ng yan, pero nananahimik lang ako. Masyado ko lang sigurong mahal si Alexander kaya ganito ako ngayon" at pagak akong tumawa

"pero tama na siguro. Nakakapagod na rin magbulag bulagan at manahimik sa isang tabi habang siya nagpapakasaya sa piling ni Cleo." tinanggal ko na ang pagkahawak sakanyang kamay at pinaglaruan ko ang nga daliri ko at yumuko

"I'm cancelling my engagement..." kinuha ko nag singsing na nasa ilalim ng unan ko, at pinakatitigan 'yun "I don't deserve this ring because Cleo deserve this shit." alam kong ramdam ni Dion ang sakit sa katagang sinasumbat ko ngayon sakanya

"I should be happy. not with him, but with myself." Bigla kong niyakap si Dion na kinabigla niya, sinubsob ko ang mukha ko sa kanyang leeg, at humikbi. "I'n sorry for the harsh words I said before, Dion. Forgive me...." I muttered

Nahupa na ang kanyany pagkabigla at niyakap ako pabalik, "I'm here, Thea...."

PUMUNTA ako sa palasyo ni King Samuel, at binati ako ng mga guwardya. Kilala nila ako dahil hindi ito ang unang beses na pumunta ako dito, "Nasaan ang hari?" tanong ko sa isa mga bantay, sinamahan naman niya ako kung nasaan ngayon si King Samuel at nasa garden siya kasama ang kanyang nag iisang ampon na lalaking anak na si Soul

"King Samuel..."tawag ko saknya kaya't napatigil sila sa pag uusap ng kanyang anak, at tumingin sa gawi ko. Apat na taon ang agwat namin ng anak niya, at matanda ito sakin. But I never called him kuya or what, hindi naman kami magkadugo kaya bakit ko siya tatawaging kuya, yuck lang

Nilapitan ako kaagad ni King Samuel at niyakap ako, naiwan naman mag isa si Soul na nakatitig lang sakin

"Napadalaw ka iha?" hinaplos ni King Samuel ang buhok pero napatigil ito dahil napansin ata niya ang kaunting pamamaga ng aking mga mata sa pag iyak kagabi. tsk. Umiwas ako ng tingin saknya ata tumingin kay Soul na blanko lang ang mukha habang nakatingin sakin. Tinaasan ko siya ng kilay pero balewala lang ito saknya

"You cried..." mahinang usal ni King Samuel sa tabi ko, "magiging maayos din ako, King Samuel. Nandito lang ako para tanungin ka tungkol kay mommy" nabigla siya sa aking sinabi

"A-Ano? I mean bakit?" tumingin ako sakanya, may alam siyang hindi ko alam at sigurado ako don. At sigurado din ako na alam niya kung nasaan si mommy

"She's alive, right?" nakatitig na tanong ko saknya, napansin ko ang pag iwas niya ng tingin sakin at tumawa. "Hindi na pwedeng mabuhay ang patay, iha" at naglakad lakad siya

"hindi talaga mangyayari yun kung simula palang buhay naman talaga siya" depensa ko, napatigil si King Samuel, "alam kong namimiss mo na si Minerva, iha. Kahit ako din, pero hindi makatotohanan ang sinasabi mo" nag tiim bagang ako

"I am very sure na may kinalaman ka dito, King Samuel. You knew she's alive and you are helping her"

Kita ko ang lungkot sakanyang mga mata, "gagawin ko yun dahil mahal ko siya at kung buhay pa siya hanggang ngayon pero iha wala na si Minerva..." napayukom ang kamay ko sa inis

"Fine pero hindi mo ko mapapaniwala na patay si mommy. Gagawin ko ang lahat para mahanap siya, sakanya at sakanya ko na itutuon ang oras ko"

"you cancelled your engagement" biglang sabi ni Soul sa harapan namin, tinignan agad ni King Samuel ang daliri ko pero wala siyang nakitang singsing

"kaya ba namamaga ang mga mata?" hindi ko siya sinagot, at tumingin kay Soul. "I need something from you"

Costello 1: AthenaWhere stories live. Discover now