Chapter 28: Wrong move

1K 20 0
                                    

Chapter 28

"Mommy!!" mabilis na tumakbo si Catherine papunta sa kalingkingan ng nanay niya, I rolled my eyes. "Are you okay, darling?" malambing na ani Auntie kay Catherine. Tsk

Umupo ako muli at kincross ang legs ko, "ano 'to? family reunion? Dapat manlang sinama niyo na rin si Uncle Hades and Auntie Hera" malamig na saad ko sakanila.

"Athena! Watch your mouth!" sigaw sakin ni Uncle Poseidon. Uncle Poseidon is my least favorite among them--mas least pala si Auntie Hestia. I hate her among the rest. She's the most annoying person I met. Well, bff kasi sila ni Tita Amber. Same feathers flock together, I guess.

"What? Sinasabi ko lang naman ang totoo" malamig na sabi ko, tumingin ako kay Catherine. Namutla siya, well, mukhang takot na siya sakin. I grinned.

"Mukhang wala na kong mahihita dito, marami ka ng kakampi my dear cousin, kaya ano pang laban ko" tumayo na ko at kinuha ang pouch ko. Inayos ko rin ang buhok ko, "Remember what we talked about a while ago" naglakad ako patungo sakanila, I stopped in front of Catherine. " Wala akong pakialam kung pinsan kita, kung anak ka ni Auntie at kung Costello ka. Dahil kung sagabal ka sa daanan ko, then you give me no choice but to throw you in the trash" I told her, napalunok siya habang hawak hawak niya ang braso ng kanyang ina. Para siyang tupa sa lagay niya ngayon.

"Ayusin mo ang pananalita mo sa anak ko, Athena. She's still older than you!" biglang sabat ni Auntie, I stared at her and I smiled at her. Nabigla siya roon, I rarely smile. Kaya maswerte siya pag nginitian ko siya.

"Hi Auntie, nice meeting you here." bati ko sakanya, "why don't you give your daughter a lesson? Hindi yung naninira siya ng iba" at tumingin ako muli kay Catherine, "Right Catherine?" hindi niya ako sinagot

Humarap naman ako kay Uncle Poseidon, "Hello Uncle, how's your life without your runaway wife?" nagtiim bagang siya, "How did you know about that..." I smirked, "I know everything, Uncle. Kahit ilang taon ako sa Switzerland, hindi ako nahuhuli sa balita" I tapped his shoulder

"Why don't you try not be self centered, uncle? Baka after non, siguro bumalik na ang asawa mo."

"Shut up, Athena" inis na aniya, I chuckled. "Binibigyan lang kita ng advise, Uncle" naglakad na ko. "Hindi mo manlang ba ako babatiin, Athena?" I stopped walking, I smiled once again.

"It's not nice meeting you, Zeus" and after that I left the place. Sumakay na ko sa sasakyan ko, hinawakan ko ang dibdib ko. Todo ang kaba ko, nakakaproud ka Athena. Hindi ko aakalain na magagawa ko 'yun.


Umuwi muna ako sa hacienda, and there I saw Auntie Hera with her son, Ares. Ngumiti ako sakanila, hinalikan ko si Auntie sa pisngi. "Anong ginagawa niyo dito, Auntie?" Hinaplos niya ang pisngi ko

"I'm sorry darling kung hindi kita nasamahan sa pagluluksa" malungkot na aniya, "It's okay Auntie, nandito naman po kayo" I told her

"Akala ko ba ay magsstay ka sa bahay? Why are you here? Hindi ka ba nahihirapan dito?" Well, she knew everything about Tita Amber and her son, Kyle Ivan who was my Zeus' illegitimate son.

"I need to be here, auntie. Lalong lalo na wala na si Lola, I need to take care of the hacienda" hinawakan ko si auntie, "Let's talk inside, auntie" tumango naman siya, sumunod naman sa likuran namin si Ares.

"I heard about what happened earlier..." aniya, natawa ako ng mahina. "Ang bilis naman atang kumalat ang balita" ani ko

"Galit na galit lang naman ang mga kapatid ko, darling" napangisi ako, "lalong lalo na si Hestia" dagdag pa niya

"Well, kasalanan naman ni Catherine 'yun auntie" and I told her everything, at pagkatapos ay tumaas na ang kilay nito. "That girl, hindi ko talaga siya gusto." galit na sabi ni auntie

"well auntie, ano pa bang maasahan mo sakanya? Pinalaki siyang ganon ni Auntie Hestia" napailing nalang si auntie

napatigil kami sa pag uusap nang makarinig kami ng sigawan sa kusina,

"at saan mo balak dalhin yan?!"

"mam, m-may bisita po kasi t-tayo"

"so?! bakit kailangan pang yan ang ilabas mo? Alam mo bang hindi ko yan pinapalabas dahil collection yan dito?!"

"s-sorry po mam, h-hindi ko po alam"

"hindi mo alam?! ilang taon kana bang nagtatrabaho dito para hindi mo malaman ang tungkol sa bagay na yan?!"

"s-sorry po talaga, hindi na po mauulit"

"hindi na talaga mauulit because you are fired!"

"m-mam, w-wag naman po... k-kailangan ko po ng p-pera ngayon lalong lalo na may s-sakit ang t-tatay ko..."

"so what? hindi ko na kasalanan yan dahil sa sobrang katangahan mo!!" napintig ang tenga ko sa sinabi nito, tatayo na sana ako pero pinigilan ako ni auntie. Her face hardened because of the sudden situation right now

"ako na bahala" malamig na aniya, tumayo na siya pero napansin ko na hawak hawak nito ang Hermes Birkin Bag niya. What are you trying to do, auntie?

Tumayo ako at ganon din si Ares, at sinundan namin si auntie.

Nakita ko si Tita Amber na galit na galit sa isang maid, at ngayon ay kaharap na nila si auntie. Tita Amber looks so scared, pero nawala yun dahil napalitan ng katarayan niya.

"Amber, Amber." tawag sakanya ni auntie, tinaasan siya ni Tita Amber ng kilay,

opss wrong move.


Costello 1: AthenaWhere stories live. Discover now