one

26.6K 528 25
                                    

"RHIANE!"malakas na tili ng nanay niya.

Napatakip naman siya ng tenga niya sa sobrang tinis ng boses ng nanay niya. ang aga-aga ang lakas ng makasigaw ng nanay niya para namang ang layo ng pinanggagalingan ng tawag niya samantalang barong-barong lang ang bahay nilang.

"Aba tanghali na Rhiane hindi ka pa tumatayo dyan. Nasikatan ka na ng araw, napagpagan ka na ng kapitbahay. Ikaw eh nakahilata pa din"sermon sa kanya ng ina niya.

Kakamot-kamot ng sarili niya ulo na napabangon siya sa pagkakahiga niya.

Nang imulat niya ang mata niya nakita niyang nag-aagaw ang liwanag at dilim palang sa labas. Nang lingunin niya ang orasan nila, sinasabing alas singco pa lang ng madaling araw.

"Nay naman, OA 5am pa lang"sagot niya sa ina tapos nahiga.

Wala namang magagawa ang nanay niya kahit na sermunan siya ng sermunan dahil alam nitong hindi naman siya makikinig basta-basta dito. Pinalaki kasi siya ng tatay niyang nakukuha niya ang anumang gustuhan niya kahit na mahirap lang sila.

Kaso maagang sumakabilang BAHAY ang tatay niya.

"Naku ikaw na bat aka, tumayo ka na dyan ng makapaglako ka na sa bagsakan ng mga inani nating gulay kahapon"muling sermon ng nanay niya sa kanya.

Pero gaya ng sabi nga niya para sa kanya maaga pa.

Lakas ng confident niya sa sarili na mauubos niya ang paninda niya kahit pa tanghali siya magpunta doon.

Konting kindat at kembot lang kasi niya mamaya sa mga dadaan na lalaking namimili sa kanya na ito bibili ng paninda niyang mga gulay.

Kahit naman na may edad na siya maganda pa din naman siya. Twenty seven na kasi siya ngayon at magtwenty-eight na sa isang buwan. Sabi nga ng mga matatanda dapat sumasali siya sa mga beauty contest sa sobrang ganda at sexy niya panalo na siya. Kaso lang sabi din ng mga kababata at kaibigan niya hindi daw siya pwede sa mga ganong klaseng contest dahil beauty lang daw meron siya, wala daw siyang brain. Ang sasama nila ano.

Madami pang sinabi ang nanay niya sa kanya na hindi na niya pinansin. Hindi sa masama siyang anak dito pero hindi lang talaga sila close na mag-nanay eversince the world begun ang drama nilang mag-ina.

Ito kasi ang sinisisi niya sa pag-alis ng tatay niya. ang rason kasi ng tatay niya kaya sila iniwanan nito ay dahil sa nanay niyang sugarol na bungangera pa.

Kala ng madami maayos ang silang pamilya, palihim kasi kung magsugal ang nanay niya kaya walang nakakaalam ng totoong ugali ng nanay niya kundi siya at ang tatay niya. hanggang isang araw bigla nalang nag-alsabalutan ang tatay niya. sinabi na iiwanan na silang mag-ina kasi may nabuntis itong ibang babae.

Kaya ayun parang batang nagrebelde lalo ang nanay niya, lantaran na ang pagsusugal nito simula ng iwanan sila ng tatay niya.

"Rhiane ilang beses ba kitang gigisingin na bata ka"sermon na naman ng ina niya sa kanya.

Naiinis na bumangon na siya ng tuluyan kahit pa gustong-gusto pa niyang matulog dahil anong oras na din siyang nakatulog kagabi kakachat niya sa boyfriend niyang kano.

"Nay naman kasi, ang aga pa kahit naman tanghali na ako magpunta ng bayan mauubos ko ang paninda ko"reklamo niya.

"Masyado kang kampante"

Nagmake face naman siya na ginagaya ang pagsasalita ng nanay niya.

"Aray naman nay"daing niya ng kurutin siya nito sa singit nahuli kasi siya sa ginagawa niya.

"Magbihis ka na at ng umalis ka na kanina pa nandiyan si Ryan"utos nito.

Nakasimangot na sinunod niya ang utos ng nanay niya sa kanya. paglabas niya nakita niya ang pinakamasugid niyang manliligaw sa lahat na kahit na anong taboy niya heto at nanliligaw pa din.

WERE MARRIED? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon