11

13.3K 367 6
                                    

Eleven

MALAKAS ANG ulan, madami pa siyang kailangan na asikasuhin sa bukid at sa talyer na sinisimulan pa lang niyang itayo.

Sa bukid naman kasi, malakas ang bagyo, karamihan sa tanim niyang palay ay dumapa, malapit pa naman na ang anihan. Nanghihinayang siya kaso wala naman siyang magagawa dahil kalamidad naman na ang may gawa.

"Claude, sumilong ka na muna"tawag sa kanya ng isa sa mga kasama niya bahay.

Nginitian lang niya ito at nagpatuloy sa ginagawa niyang pagsisinop ng mga gamit niya sa talyer. Tapos nito, susugud pa siya bukid para tignan kung may maisasalba pa siya.

Sa loob ng ilang taon na niyang nagsasaka, kabisado na niya ang pasikot sikot ng pagsasaka. Labing limang taon palang siya ito na ang inaatupag niya. kaya nga ng magcollege siya, agriculture ang kinuha niyang kurso, dahil nakahiligan na niya ang pagsasaka.

Dalawang taon na siyang graduate, at ito na ang pinagtuunan niya ng pansin niya.

"Nana Cely, pupunta lang ako sa bukid"paalam niya sa matandang kasama sa bahay.

Hindi na niya hinintay ang sasabihin pa nito sa kanya, tiyak naman niyang pipigilan siya nito sa balak niya. gaya ng mama niya noong nabubuhay pa ito, kaya nga dito siya inilagak ng kanyang ina noong namatay ito.

Sumakay na siya sa motor niya, at nagdrive na patungo sa bukid na minana niya sa kanyang ina.

May maliit na bukid kasing minana din ng mama niya sa kanyang lolo. Gaya ng mama niya nag-iisang anak din siya, anak sa pagkadalaga ng mama niya. kilala niya ang kanyang ama, pero hindi niya ito kinikilala bilang ama.

Malalim ang pinaghuhugutan niya ng galit sa kanyang ama, ito kasi ang dahilan kung bakit ang baba ng tingin ng mga tao sa kanyang ina. Kasalanan lang naman ng mama niya na nainlove ito sa isang maling lalaki at siya nga ang bunga.

Maagang namatay ang mama niya ng magkasakit ito ng cancer sa matres. Sampong taon siya noong namatay ang mama niya, mula noon mag-isa nalang siyang nabuhay at itinaguyod ang sarili mula sa naiwang pera ng kanyang ina.

Nag-aabot din ang tatay niya alam niya iyon, noong bata siya tinatanggap niya ito pero ng matuto na siyang kumayod at kumita kahit hindi pa siya tapos sa pag-aaral hininto na niya ang pagtanggap ng kahit na ano mula sa kanyang ama.

Nanlumo siya sa nakita niyang itsura ng bukid niya, lubog na sa tubig ang lahat ng palay na tanim niya maging ang katabing bukid niya. sa tingin niya wala na siyang aanihin pa sa lagay ng nakikita niya.

Mahina talaga ang ani kapag panahon ng maincrop sa bayan nila. Madalas kasi ang bagyo sa lugar nila. Kaya nga naisipan niyang magtayo ng talyer para may extra income siya.

Ayaw naman niyang pumasok sa munisipyo bilang city agriculturist kahit pa may lisensiya siya bilang agriculturist.

Una dahil nandoon ang ama niya, kaya ayaw niyang pumasok doon kahit na ilang ulit ng sinabi ng ama niyang pumasok na siya doon.

"Papa"

Napakunot ang noo niya habang nagpapala siya ng pilapil. Para kasing may narinig siyang boses ng isang babae.

Napalingon-lingon pa siya para hanapin ang pinagmulan ng boses pero wala naman siyang nakitang tao kasama niya.

"Papa"muling boses ng babae ang narinig niya pero para itong naipit na ewan.

Para na ding umiiyak ang boses nito ng mga oras na iyon. kaya naman napatayo na sa ginagawa niya at itinigil na niya ito. pinili na niyang hanapin ang pinagmulan ng boses na iyon.

WERE MARRIED? (COMPLETED)Where stories live. Discover now