18

13K 341 6
                                    

"LET'S GO to the mall"yakag sa kanya ni Daniel.

Nakangiti lang siya habang nakatitig sa gwapong mukha nitong nakatitig din sa kanya. wala pang isang araw silang magkasama pero hulog na hulog na talaga siya dito. Gwapo na ito noong magkachat palang sila, pero mas gwapo ito ngayon na magkasama na silang dalawa.

Para pa din siyang nasa panaginip, kasi talagang magkasama na sila ni Daniel.

"Hey baby"anito pa ng hindi siya nagsasalita.

"Ang what are you going to do in mall?"sabad ni Claude.

Napataas ang kilay niya ng sumabad ito sa kanilang usapan. Hindi niya napansin na nasa tabi na pala nila ito ngayon. Buong akala niya umalis na ito kahapon at hindi na bumalik pa. Pero naalala niya din agad na ginabi lang ng uwi ang lalaki kagabi at sinabing may tinulungan lang na kaibigan.

"I'll gonna buy Rhiane new clothes, shoes and bags she needed. And even her mom"ani naman ni Daniel sa sinabi ni Claude.

Napakunot ang noo niya ng mapansin niyang sobrang seryoso ng dalawa habang nag-uusap. Doon na siya sumabad sa usapan ng dalawa.

"Hoy! ikaw nga Claude wag mong inaaway ang bebe love ko"saway niya kay Claude.

Napatingin naman sa kanya ang lalaki na parang hindi makapaniwala sa sinabi niya.

"Tsupi ka muna, may date kami ng bebe love ko"dagdag pa niya.

"Kahit sa panaginip mo hindi ako papayag na mapag-isa kayong dalawa"pagalit na sagot ni Claude sa kanya.

Nagmartsa na naman ito, the best talaga ang lalaking iyon sa pagwalk out.

Napailing nalang siya, bago binalingan ang nobyo niya na sobrang tamis ng pagkakangiti dito.

Makalipas lang ang ilang minuto naintindihan na niya ang gustong gawin ni Daniel, inaya pa nga niya ang kanyang ina pero ayaw naman nito. paalis na silang dalawa ni Daniel ng biglang sumulpot si Claude na galing sa kung saan.

Napataas na naman ang kilay niya ng makita niyang nakasakay ito sa isang kotse.

"Sakay na"tawag pa nito.

Lalo tuloy tumaas ang isang kilay niya habang nakatitig sa lalaki.

"Hiniram ko ito sa isang kaibigan ko, 'yong tinulungan ko kagabi"paliwanag nito kahit na hindi naman siya nagsasalita.

Bumaba pa si Claude sa sasakyan at umikot sa tapat ng passender seat at ipinagbukas ng pinto. Natuwa naman si Daniel sa ginawa ni Claude, agad itong lumapit sa sasakyan ni Claude at akmang sasakay na ito ng pigilan ni Claude.

"You can take the back seat, Rhiane will be sitting next to me"ani pa ni Claude.

Binalingan siya nito sabay senyas na lumapit na siya, si Daniel naman ay sumakay sa likod. Kaya wala naman siyang nagawa kundi ang sumunod sa gusto ni Claude, sumakay na din siya.

Panay ang kwento ni Daniel habang nasa biyahe sila samantalang si Claude naman seryosong nagmamaneho lang. dinala sila ni Claude sa isang kilala mall sa kabilang bayan malapit sa kanila.

"Magkita nalang tayo sa parking lot mamaya"taboy niya kay Claude ng makapasok na sila sa mall.

Siyempre naman gusto niyang masolo si Daniel dahil una sa lahat ito ang first ever date nilang dalawa. kung kasama nila si Claude paano siya makakadiskarte kay Daniel ng kiss.

Pero mukhang hindi nakikinig sa kanya si Claude.

Nakaakbay na sa kanya si Daniel, habang masamang nakatitig naman sa kanila si Claude.

WERE MARRIED? (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora