20

12.1K 372 24
                                    

MABIBIGAT ANG bawat hakbang niya papalayo sa bahay nila Rhiane.

Gusto niyang bugbugin ang sarili niya lahat ng mga sinabi niya sa asawa niya, bugso ng damdamin kaya niya nasabi ang mga iyon. Na gusto na niyang bawiin ngayon dahil alam niya galit lang siya kaya niya nasabi iyon. At mas alam niyang nasaktan niya si Rhiane, kulang ang dalawang sampal nito sa kanyang mukha sa sakit ng mga binitawang salita.

He want to take it back, all words he say.

Kaya nakakailang hakbang palang siya palabas sa bahay bumalik siya para kausapin si Rhiane.

Naalala kasi niya na sinabi nga pala niya sa sarili niya na babawiin niya si Rhiane. Na gagawin niya ang lahat para mahalin siya ulit nito.

Pero ang ginawa niya ngayon sa asawa, alam niya mas lalo lang niyang pinalayo ang asawa sa kanya.

"Hey Baby what's wrong?"

Nakahawak na siya sa seradura ng pinto ng marinig niya ang boses na iyon. Para siyang itinulos sa kinatatayuan niya ng mga oras na iyon.

Halos madurog ang buong pagkatao niya ng marinig niya ang pag-iyak ni Rhiane.

Lalo pa ng silipin niya ang loob ng bahay at makita niyang nakaupo sa sahig si Rhiane habang yakap yakap ni Daniel ito habang walang tigil sa pagtangis.

Mariing kinagat niya ang labi niya sa galit niya sa sarili niya. siya ang dahilan kung bakit umiiyak ito, siya ang nagpaiyak sa asawa niya.

"Enough baby, I don't want to see you crying"pag-aalo pa ni Daniel sa asawa niya.

Gusto niyang maiinggit, pero wala siyang karapatan na maiinggit dito. Dahil hindi naman niya sana makikita ang ganoong tagpo kung nag-isip muna siya bago ang lahat.

Siya ang nagpapahirap ng lahat ng sitwasyon.

Tama nga siguro si Rhiane, mas maganda pa na maghiwalay na sila. Mukhang wala na namang pag-asa na bumalik pa si Rhiane sa kanya dahil may mahal na itong iba.

Hindi na siya ang dahilan ng pagtawa nito, dahil panay nalang sama ng loob ang naibibigay niya dito. At ngayon nga ay pinaiyak pa niya ito.

Mali yata ang desisyon niya noon na pabayaan ang asawa niya na hindi siya, sila maalala nito. pero huli na ang lahat, hindi na siya ang gusto ng asawa niya.

Nalulungkot lang siya para sa kanila ng anak niya, ang dami pa niyang pangarap para sa kanilang dalawa ng asawa niya kasama ang anak nila. Pero wala ng mangyayari sa lahat ng pangarap niya, dahil una pa lang wala ng pag-asa ang relasyon nila noong panahon na bumitaw na si Rhiane at kalimutan na sila ng tuluyan.

Babalik na siya sa kanila, panahon na para ang buhay nilang mag-ama ang atupagin niya kaysa sa habulin ang babaeng may-ari na ng puso niya walang taon na ang nakakaraan.

"Palalayin na kita, sana maging masaya ka na Rhiane"bulong niya habang nakatitig sa asawa niyang walang humpay sa pag-iyak.

Pinagsawa niya ang mata niya sa kakatitig sa asawa niya. kahit sa huling sandali man lang makita niya ang asawa niya. kahit pa ayaw niya na ang babaunin niyang huling alaala sa asawa niya ang makita itong yakap ng ibang lalaki habang umiiyak ng dahil lang din sa kanya.

"Mahal na mahal kita, Ikaw lang ang babaeng mamahalin ko hanggang huli"aniya pa.

Mapait siyang napangiti ng biglang sumagi sa isip niya ang kanyang ina.

Siguro nagmana siya sa nanay niya, noong maliit siya sinasabi niya na magmahal nan g iba ang nanay niya. na wag nitong asahan ang tatay niyang nakatali na sa iba, nagagalit pa nga siya kapag sinasabi ng nanay niya na ang tatay lang niya ang mamahalin ng nanay niya hanggang sa huling sandali ng buhay nito.

WERE MARRIED? (COMPLETED)Where stories live. Discover now