Three

16.7K 497 17
                                    

"BRUHA ka, sigurado ka ba sa sinasabi mo?"gulat na tanong sa kanya ni Paula.

Naiiyak na isinubsob niya ang ulo siya sa lamesa kung saan sila kumakain ng tanghalian. Inaya niya ang kaibigan niyang kumain sa labas, hindi para sa ilibre lang ito. kundi gusto niyang humingi ng payo dito kung ano ang dapat niyang gawin sa malaki niyang problema.

"Ayan na nga ang ebodensya oh"umiiyak na inilahad niya ang Cenomar na nakuha niya kahapon.

"Malaking problema ito"

Lalo naman siyang naiyak sa sinabi ng kaibigan niya. alam kasi niyang ito ang makakatulong sa kanya. wala pa naman siyang alam sa mga ganitong bagay, ang alam niya lang maganda siya period. Pero sa ganitong mga bagay hindi niya magagamit ang kagandahan niya.

"Anong gagawin ko Paula?"nanghihina na tanong niya sa kaibigan niya.

Bumuntong hininga naman ito bago ito muling tumingin sa kanya na hindi na din yata alam kung ano ang ipapayo sa kanya.

"Maganda niyan, puntahan mo itong lalaking nakalagay dito na asawa mo daw."simula nito.

"Paano ko pupuntahan ang lalaki na iyan kung hindi ko nga kilala, tapos hindi ko pa alam kung saang lupalop siya hahagilapin"

"Iyon lang"

Natahimik naman silang dalawa, wala na kasi siyang maisip na paraan para maresolba ang lahat ng problema niya. lalo pa ng huling tawag ni Daniel sa kanya medyo nagmamadali ito, baka nga daw biglang dumating nalang ito ng bansa kapag natapos na nito ang nilalakad nitong business.

"Sabihin mo na kaya sa jowa mo"maya-maya'y suggestion ng kaibigan niya.

Tinignan naman niya ito na nanlalaki ang mata.

"Naririnig mo ba ang sinasabi mo, Bakla. Sasabihin k okay Daniel ang lahat. Tapos ano aatras na siya, kasal na nauwi pa sa wala. Eto na iyon bakla, makakaahon na kami ni nanay sa hirap oh, konting kendeng ko nalang abroad na katapat. Magiging bokya pa ng dahil sa pesteng kasal na iyan"galit na reklamo na naman niya.

"Alam mo, hindi mo naman ginusto na makasal ka sa kung sino mang lalaki na ito. ang point ko lang naman bruha, mas magandang alam ito ni Daniel para matulungan ka niya"malumanay na paliwanag ng kaibigan niya.

Naisip din naman niya iyon, kaya lang naiisip din niya nab aka nga bigla nalang umatras si Daniel sa kasal nila kung nagkataon. Ayaw naman niyang ipagsapalaran ang lahat, ngayon lang siya nakahanap ng matinong lalaki. pakakawalan pa ba niya si Daniel, isa pa ito nga ang magiging ticket niya sa pag-ahon niya sa hirap.

"Alam ko na ang pwede mong gawin, na hindi muna natin nakakausap si Daniel tungkol sa kasal mo"maya maya'y nagsalita muli ang kaibigan niya.

"Ano?"excited niyang tanong dito.

"KUYA tama ba itong pinagdadalhan niyo sakin?"pagtataray niya sa tricycle driver na nasakyan niya kanina ng bumaba siya sa terminal.

"Naku ineng matagal na ako sa bayan na ito, matagal na din ako namamasada dito kaya kabisado ko ang pasikot-sikot dito"pagyayabang ng driver.

Inirapan naman niya ito, kasi sa totoo lang pakiramdam niya kanina pa sila paikot ikot ng driver na ito. may trenta minutos na yata siyang nakasakay pero hindi pa din nila nararating ang pupuntahan niya.

Samantalang ang sabi ng tindera kanina sa kinainan niya malapit lang daw ang lugar na pupuntahan niya.

"Manong, ano malayo pa ba?"muling tanong niya sa matanda.

Sakto namang huminto ang sinakyan niyang tricycle sa isang talyer. Sinipat niya ang pangalan ng establishment. Nakita niya ang hinahanap nga niyang lugar, kaya bumaba na siya ng tricycle.

WERE MARRIED? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon