21

11.5K 350 25
                                    

PAGGISING niya kinaumagahan hindi siya agad bumangon kahit alam niyang tanghali na. wala na ang nanay niya sa kanyang tabi ng magmulat siya ng mata. Hindi man lang nagising ang nanay niya sa sagutan nila ni Claude sa sala kagabi. Samantalang nagsisigawan na silang dalawa, tapos ang iyak niya malakas din ang sounds.

"Anak"malungkot na tawag sa kanya ng ina ng makalabas siya ng kwarto nila.

Hindi naman siya sumagot pero lumapit siya sa kanyang ina na nasa kusina nila at nakatulala sa pinapainit nitong tubig. Nagtaka naman siya, kadalasan kasi maaga kung magkape ang nanay niya. nakasanayan na niyang makita itong kasama si Claude na nagkakape ang dalawa sa kusina.

Pero iba ang araw na ito, walang Claude na nakaupo sa kusina kasama ang nanay niyang nagkakape. At tanghali na nagpapainit pa din ang nanay niya ng tubig.

Lalo ang pagkunot ng noo niya ng mapansin na wala ng tubig ang pinapainitan nitong takure. Kaya naman napatakbo siya para patayin ang kalan nila.

"Nay ano k aba naman, nag-uulyanin na ba kayo? Wala ng tubig ang takure pero nakasindi pa ang kalan"sermon niya sa ina niya.

"Wala na si Claude anak"kaysa sagutin ang sermon niya iba ang sinagot nito.

Puno ng pag-aalala ang nanay niya habang nagsasalita. Nakatanaw ito sa may pintuan nilang nakabukas pa hanggang ngayon.

Napansin niya sa may sala nilang nakaupo na si Daniel at nanonood na ng TV at walang pakialam sa kanilang mag-ina. Minsan napapansin niya parang may sariling mundo din itong si Daniel pero hindi nalang niya pinansin.

"Baka nasa kapitbahay lang iyon nay"sagot niya dito.

Lumapit siya sa lalagyan ng maiinom na tubig para kumuha ng maiinom niya.

"Wala siya doon anak, umalis na siya. Umuwi na yata siya sa kanila anak"naiiyak pa na sagot ng kanyang ina.

May hawak siyang baso ng mga sandaling iyon na nabitawan niya dahil sa sinabi ng kanyang ina. Nanginginig ang buo niya katawan sa sinabi ng kanyang ina.

Halo-halong emosyon ang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon. na hindi niya napangalanan ang mga nararamdaman niya. para siyang maiiyak na ewan, basta iba ang pakiramdam niya ngayon na alam na niyang wala na si Claude.

Tangi, di ba ito naman ang gusto mo ang mawala na siya sa landas niyo ni Daniel.

Tatangu-tango naman siya habang naiisip ang bagay na iyon, napangiti pa nga siya ng wala sa oras sa isiping solo na nila ni Daniel ang buong maghapon.

Wala ng Claude na asungot...

Pero bakit parang hindi naman buo ang kaligayahan niya.

Bakit umiiyak ako? Piping tanong niya sa sarili niya.

Tahimik siyang lumuha habang nakaharap siya sa tubigan nila, hindi naman siya pinansin ng nanay niya. wala ngang reaksiyon ang nanay niya sa nabasag niyang baso kanina.

Bakit hindi man lang nagpaalam si Claude? Ganon na ba ang galit niya sakin kagabi, ni hindi man lang siya nagpaalam sakin.

MATAPOS ang iyakan mode niya sa kusina agad siyang gumayak at inaya niya si Daniel na lumabas at ililibot niya ito sa bayan nila na agad namang sinang-ayunan ni Daniel.

Dinala niya si Daniel sa bahay ng kaibigan niyang si Paula para ipakilala ito.

"Ang gwapo naman ng nabingwit mo bruha"bulong sa kanya ni Paula.

Inirapan lang niya ito bago niya nilapitan si Daniel na mag-isang nakaupo sa sala ng kaibigan niya.

"Alam na ba ng jowa mo na kasal ka na?"muling bulong ni Paula sa kanya.

WERE MARRIED? (COMPLETED)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant