Seven

14.8K 480 23
                                    

ANG MAGALING niyang asawa talaga nga naman. Ang sabi nito ihahatid lang siya, pero una pa lang ng makita niya ang bag na dala nito alam na niya na hindi siya ihahatid lang nito.

Tapos ang saya pa nito, mukhang kinampihan pa ito ng nanay niya.

Pinagtutulungan pa siya ng mga ito tungkol kay Daniel.

"Aalis ka na naman?"tanong sa kanya ni Claude.

Inirapan niya ito at hindi sinagot, hindi din niya ito pinansin nagtuloy lang sa pag-aayos ng sarili niya. Nang sa tingin niya okay na ang itsura niya tumayo na siya at nagsimulang ng maglakad palabas ng bahay.

Pero hindi pa man niya nararating ang pintuan nila hinarang na siya ni Claude.

"Ano ba, umalis ka nga dyan."angil niya dito.

Pero hindi man lang ito natinag sa pagkakatayo nito sa pintuan.

"Pupunta ka na naman sa computer shop"nanay niya ang nagsalita.

Napapapadyak naman siya sa inis niya, heto na naman ang dalawa pinagtutulungan na naman siya ng mga ito. at naasar na naman siya sa dalawa, siya ang anak pero kung ang ituring na anak ng nanay niya si Claude ang tunay na anak.

"Nay, kailangan kong makausap si Daniel kasi tatlong linggo nalang dadating na siya dito"naiinis na niyang sagot sa ina.

"Naku naman, anak heto na si Claude. Asawa mo tapos may Daniel ka pa. tigilan mo iyan at itong asawa mo ang atupagin mo"sermon na naman sa kanya ng ina.

Pero hindi niya pinansin ang sinabi ng ina, tinabig niya si Claude na nakaharang sa dadaanan niya at nagpatuloy pa din sa paglabas ng bahay nila kahit pa pinigilan siya ng kanyang ina at asawa.

Yuck! Asawa my face...

Hanggang sa makarating siya sa computer shop naiinis siya sa mga ito.

Kanina pa siya nakaonline pero hindi pa nag-oonline si Daniel kaya naman nakadagdag sa pagkainis niya ang hindi niya agad ito nakausap.

"Hindi na mag-oonline iyong Daniel na iyon"bulong sa kanya ng isang kilalang-kilala niyang boses.

Nang lingunin niya nakita niya si Claude sa likod niya. napataas ang kilay niya ng makitang may inuupuan na itong monoblock chair na mukhang hinila nito mula sa kabilang cubicle.

"Anong ginagawa mo dito?"pagtataray niya dito.

Pinagtaasan din siya nito ng kilay bago ito umatras at bumalik sa totoong pwesto nito sa tabi ng cubicle niya. napataas ang kilay niya ng makita niyang nakaonline din ang lalaki.

Mas napataas ang isang kilay niya ng makitang may social media account din ang lalaki at ngayon nga ay madaming chat box ang nakaappear dito.

"Hindi lang naman ikaw ang may kachat"sagot nito sa kanya.

Inirapan nalang niya ito at muling bumalik sa sarili niyang gamit na computer. Sa inis niya sa lalaking tabi niya na ang ingay habang gumagamit ng computer. Naibubuntong niya sa sarili niyang kachat na hindi pa siya sinasagot mula pa kanina.

"Masira ang keyboard"narinig niya ang boses ni Claude na nagsalita.

Naikuyom niya ang kamay niya sa inis niya sa lalaki. tumayo siya at naglog-out na, lilipat nalang siya sa malayo kay Claude.

Pero hindi pa man nag-iinit ang pwetan niya sa pagkakaupo naririnig na naman niya ang boses ni Claude. Kung kanina katabi niya ito ngayon nasa tapat na niya ito pero magkatalikuran silang dalawa. nang lingunin niya ito nanlaki ang mata niya ng makita kung ano ang inaatupag ng lalaki.

WERE MARRIED? (COMPLETED)Where stories live. Discover now