Ten

13.9K 387 13
                                    


"AHHHH!!! May banana!"

Mariing nakapikit siya habang para na siyang naitulos sa kinatatayuan niya. Hindi niya alam kung paano ang gagawin niya ngayon, kung imumulat na ba ang kanyang mata o ipipikit lang niya ng pirmis.

"Ang assuming mo naman, imulat mo na ang mata mo."bulong sa kanya ni Claude.

Nang imulat niya ang mata niya nakita niya na nakabihis na ito at palabas nan g kuwarto at nalagpasan na siya nito. nang tignan niya ang mga pinaghubaran nito wala na doon ang mga iyon.

Nakahinga naman siya ng maluwag ng makitang nakabihis na ito.

"Hoy lalaki!"habol niya dito.

Deretso lang naman ang lalaki sa sala nila at naupo sa sofa nila at nagsindi ng TV, ngayon lang din niya napansin na nakapangbahay na ito.

"Ano ba iyon sweetheart ko?"tanong nito sa kanya na hindi naman tumitingin sa kanya.

Nilapitan niya ito at inagawan ng remote, pinatay ang TV. Nakapameywang niyang tinignan ito habang pinanliliitan niya naman ito ng mata. Nakatingala na din ito sa kanya, at hinihintay ang sasabihin pa niya.

"Ano ba naman ang problema niyong dalawa? ikaw nga Rhiane maghanda ka na ng hapunan natin. Napagod ang asawa mo sa maghapon na paghahanap buhay para sayo"sermon naman ng nanay niya.

Hindi naman siya makapaniwala na napatingin sa nanay niya habang nagsasalita ito.

"Hayaan niyo na po muna 'nay, maaga pa naman po."si Claude ang nagsalita para sa kanya.

Mas nainis tuloy siya sa lalaki, kung makaasta naman kasi ito kala nito ito ang anak ng nanay niya. tapos ang nanay niya si Claude din ang kinakampihan.

"Nay, away mag-asawa ito. plis mamaya niyo na ako pagalitan."naiinis niyang baling naman sa nanay niya.

Nakita niyang nagkatinginan ang dalawa na kala mo naman may iba sa sinabi niya. Pero bago pa man siya malihis ng usapan hinarap niya ang magaling na lalaki.

"Hoy ikaw Claude, pwede ba wag mo ng uulitin ang ginawa mo kanina sa kwarto ko. Lalo na simula bukas, kasi nandito na ang bebe love ko"sermon niya sa binata.

Napansin niyang nagdilim ang itsura ni Claude sa huling sinabi niya. Pero wala siyang pakialam, itutuloy pa niya ang iba niyang sasabihin.

"Bukas, susunduin ko na ang bebe love ko, kung pwede lang umuwi ka na sa bahay mo. Kasi sa totoo lang magiging panggulo ka lang dito samin ni Daniel"dagdag pa niya.

"Ikaw nga Rhiane, tigilan mo na ang kakaDaniel mo. Si Claude ang nandito, siya ang asikasuhin mo. Kung ako naman ang tatanungin mo mas gusto ko naman si Claude kaysa sa amerikano na iyan. Hindi mo naman kilala ang lalaki iyan, sa computer mo lang naman nakakausap iyan. Ito oh kasama mo na ang asawa mo"sermon na naman sa kanya ng nanay niya.

"Nay naman eh!"reklamo na naman niya.

"Sweetheart, makinig ka nalang kay nanay"sulsul pa ni Claude sa ina niya.

Sinamaan naman niya ng tingin ang lalaking ito, makasulsul kala mo naman close sila.

"Ewan ko sainyo"naiinis niyang inawanan ang dalawa at bumalik sa loob ng kwarto niya para magkulong nalang sana.

NAIINIS NA siya ano ba ang nakita ng nanay niya sa lalaking iyon at ito talaga ang kinakampihan ng nanay niya. mantakin ba naman na pinabangon siya at sinabing asikasuhin niya daw ang asawa niya.

"Rhiane pwede ba tayong mag-usap"ani naman ni Claude ng sila nalang dalawa sa sala.

Sinamaan niya ito ng tingin, nakacross arm siyang nakatingin sa lalaki.

WERE MARRIED? (COMPLETED)Where stories live. Discover now