Eight

13.7K 427 31
                                    


ILANG ORAS din siyang naglagalag sa labas, kung saan-saan na nga siya nagpunta para lang magpalipas ng oras. Ayaw pa sana niyang umuwi kaso lang kumalam na ang tiyan niya at masakit na din ang paa niya kakalakad. Wala naman kasi siyang nakuhang pera ng bigla nalang siyang umalis sa bahay nila kanina.

"Rhiane!"sigaw ng isang lalaki sa kanya.

Paglingon niya nakita niya si Claude na papalapit sa kanya. halata sa mukha nito ang pag-aalala. Na ipinagtataka naman niya kung bakit ganoon ang nakita niyang reaksiyon nito.

"Bakit ka umalis? Hindi mo ba alam kung anong oras na ha?"galit na sermon nito sa kanya.

Inirapan niya ito at hindi sinagot. Nagpatuloy lang siya sa paglalakad pauwi sa bahay nito. hanggang ngayon kasi naiinis pa din siya sa lalaki, maging sa nanay niya.

"Ano hindi ka sasagot?"galit na naman nitong sermon sa kanya.

"Pwede ba, gutom na gutom na ako. Wala akong pakialam sa galit mo. Hindi kita papansinin hangga't hindi ka pumapayag na maghiwalay na talaga tayo"inis niyang baling dito.

Napahinto pa ito ng bigla nalang siyang huminto sa paglalakad at nilingon ito para salubungin ang galit nito.

"Bakit ba ang hirap mong pakiusapan?"tanong nito.

"Ikaw ang mahirap pakiusapan, ilang beses ko ng pinapakiusap sayo na ayusin na natin ang papel natin at maghiwalay na tayo"naiinis na niyang sagot dito.

Hindi na niya hinintay pang sumagot na ito at iniwanan na niya ito ulit. Dere-deretso siya sa bahay nila, maging sa pagpasok ng bahay nakasimangot siya ng mabungaran niya ang kanyang ina na naghihintay sa kanya.

"Anak"tawag nito sa kanya na hindi niya pinansin.

Sobrang nagugutom na kasi siya, kaya deretso siya sa kusina para kumain na sana ng hapunan. Pero hindi pa man siya nakakapagsandok ng pagkain nakasunod na pala sa kanya ang nanay niya.

"Mag-usap nga tayo Rhiane"agad na bungad ng kanyang ina ng makapasok ito sa kusina.

Hindi siya nagsasalita pero willing naman siyang makinig sa kanyang ina sa kung anong sasabihin nito. talagang gutom lang siya kaya wala siya sa mood na sumagot sagot.

"Ano ba Rhiane, kinakausap kita"halos pasigaw na turan ng kanyang ina.

"Nay, makikinig naman ako. Pero pwede bang pakainin niyo naman ako"hindi niya na natiis na sumagot ng pabalang.

"Ay!"

Nang hindi naman nagsalita ang nanay niya nagpatuloy na siya sa pagsandok ng pagkain niya. nakalahati na niya ang kinakain niya ng magsimula ng magsalita ang nanay niya.

"Ano pa ba ang hahanapin mo sa lalaki anak. Nandyan na naman si Claude bakit hindi nalang ninyo trabahuhin ang relasyon ninyo"simula ng kanyang ina sa pinakamahinahon na boses nito.

Napataas pa ang isang kilay niya sa paraan ng pagsasalita ng kanyang ina. Sa tanang buhay niya, simula ng maghiwalay ang mga magulang niya ngayon nalang ulit nagsalita ng malumanay ang nanay niya.

"Nay, may boyfriend ako si Daniel. Mahal ako ni Daniel kaya mahal na mahal ko din iyon"sagot niya sa ina niya.

Malalim na buntong hininga ang isinagot naman ng kanyang ina. Nang mag-angat siya ng tingin dito nakita niyang nakatitig ito sa kanya na may hindi niya alam na emosyon sa mukha nito.

"Anak, si Claude asawa mo. Si Daniel sabi mo nga boyfriend mo lang. kaya mo pang hiwalayan ang kano na iyon"anito habang nakatitig sa kanya na sobrang seryoso.

WERE MARRIED? (COMPLETED)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz