16

12K 312 5
                                    

KATIRIKAN ng araw pero nasa bukid pa din siya, kailangan niyang matapos ang pagsasabog ng pataba sa lupa. Top dressing na siya ilang linggo nalang maghaharvest na din siya ng mga palay niya. buti nalang mukhang maganda ang ani niya ngayon dahil kabuwanan na din halos ng asawa niya.

"CLAUDE!"sigaw sa pangalan niya sa dikalayuan.

Nilingon lang niya ang pinagmulan ng tawag sa kanya, nakita niya ang humahangos na isang tauhan niya sa talyer. Napakunot ang noo niyang napatitig naman dito, wala naman siyang maisip na dahil bakit mapapasugod dito ang kasama niya sa talyer.

"Claude, ang misis mo"humahangos na turan nito ng makalapit sa kanya.

Bigla para naman siyang kinilabutan sa sinabi nito. kahit hindi pa buo ang sinabi nito para siyang kinabahan sa sinabi nito.

Agad siyang nagsinop ng mga gamit niya, babalikan nalang niya ito kundi mamaya baka bukas kung sakali. Kailangan niyang malaman ang nangyayari sa asawa niya. hindi naman siya pupuntahan ng kasamahan niya sa bukid kung hindi importante ang nangyayari sa asawa niya.

"Anong nangyari sa asawa ko?"tanong niya ng nakasakay na sila sa motor niya pauwi sa bahay niya.

"Manganganak na yata"sagot nito.

Mas lalo naman niyang binilisan ang pagpapatakbo niya para makauwi na din agad.

Hindi pa naman sila handa dahil ang alam niya may dalawang linggo pa silang paghahanda para sa panganganak ng asawa niya. kaya naman nabigla siya ng malaman niyang manganganak na ang asawa niya ngayon.

Pagdating niya sa bahay nila wala na doon ang asawa niya at ang ina nito, maging si Nana Cely wala na din. Ang sabi nga sa kanya ng mga tauhan niya dinala na daw ng ospital ang asawa niya.

Nagmamadali naman siyang nagtungo doon, wala na siyang panahon na magpalit pa ng damit niya. kahit putik putik siya nagderetso pa din siya sa ospital.

Inabutan naman niya sa may emergency room ang asawa niya kasama ang biyanan niya at si Nana Cely. Hindi maipinta ang mukha ng asawa niya, panay din ang iyak nito ng makalapit siya.

"Mahal ang sakit"daing nito sa kanya.

Wala naman siyang magawa kundi ang maawa sa asawa niya, hindi niya alam kung ano ang gagawin niya para maibsan ang sakit na nararamdaman nito.

"Mahal, kapit ka lang sakin ha. Mamaya makikita na natin ang baby natin"pagpapalakas nalang niya ng loob ng asawa niya.

Ilang oras din ang hinintay nila bago naisalang sa loob ng delivery room ang asawa niya. hindi naman siya pinayagan na samahan ang asawa niya sa loob kaya hindi siya mapalagay sa labas sa paghihintay na makapanganak na ng tuluyan ang asawa niya.

Damating na din ang mga kapatid niya at ang Tita Charm niya doon ng mabalitaan na manganganak na ang asawa niya. excited na makita ang magiging anak niya, pinagdala na siya ng damit ni Nana Cely kaya nakapagpalit na siya. Hindi nga lang siya nakaligo dahil sa banyo lang din ng ospital siya nagpalit.

"Mr. Altamerano"tawag sa kanya ng doctor na galing sa loob ng delivery room.

Kinakabahan na napatayo siya para salubungin ang doctor.

"Congratulations! It's a girl"anunsiyo nito.

His now a father, a real one. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman niya ng mga oras na ito.

"Kamusta po ang asawa ko?"puno ng kaligayahan ang puso niya.

"She's fine, dadalin na siya sa recovery room. Pwede niyo na siyang doon nalang hintayin. And as for the baby, sa nursery room niyo nalang siya dalawin. Kailangan lang siyang ilagay sa incubator for couple of days, under observation pa kasi siya dahil kulang pa sa araw. But healthy ang baby girl niyo kaya nothing to worry about. Again congratulations Claude, tatay ka na"masayang bati sa kanya ng doctor bago sila iwanan.

WERE MARRIED? (COMPLETED)Where stories live. Discover now