Six

15.4K 509 24
                                    


MAAGA pa lang nakagayak na siya para umuwi, tutal malapit lang naman ang terminal ng bus sa bahay ni Claude maglalakad nalang siya para makatipid. Sakto nalang kasing pamasahe niya sa bus ang dala niyang pera.

"Saan ka pupunta?"tanong niya kay Claude ng mabungaran niya ito sa sala na nakagayak na din.

Ang nakakagulat para sa kanya ay ang bag na nasa tabi nito. hindi naman kalakihan ang bag na nasa tabi nito sa tingin niya sakto lang na damit ito para sa isang linggo.

"Sasama sayo"simple sagot nito sa kanya.

Napanganga naman siya sa sinagot nito sa kanya, nakita niyang tumayo na ito at isinukbit ang bag sa likod.

"Ano pang tinatayo-tayo mo diyan, tara nab aka abutin pa tayo ng hapon"yakag nito sa kanya.

Maraming beses siyang napakurap ng makalabas nan g bahay si Claude. Doon lang niya naisip na habulin ang lalaki para tanungin kung bakit ito sasama sa kanya.

"Teka nga, sandali lang"habol niya dito.

Hinintay naman siya nito sa may gate, at ng makalabas na siya sa gate saka naman ito bulik sa loob ng makitang iniwanan niyang nakabukas ang pinto ng bahay nito. tapos paglabas nito inilock naman nito ang gate ng talyer nito.

"Tara na"aya na naman nito sa kanya.

Kinuha pa nga nito ang braso niya at hinila na siya papunta sa terminal ng bus.

"Claude!"tawag niya dito.

"Wag ng madaming tanong pwede"sagot nito sa kanya.

"Anong wag madaming tanong, hindi pa nga ako nagtatanong sayo"sikmat naman niya dito.

"Nagtanong ka na kanina, tanong mo kung saan ako pupunta"pamimilisopo naman nito sa kanya.

Pinaikutan niya ito ng mata sa sinabi nito sa kanya. ang aga-aga naiinis na naman siya sa lalaking antipatiko na ito.

"Isa Claude!"binilangan na niya ito ng hindi ito humihinto sa paglalakad habang hila-hila siya nito.

"Dalawa Rhiane"gaya nito sa sinabi niya.

Wala na siyang nagawa pa, mas maiinis siya at mas masisira ang araw niya kung papatulan niya ang pang-aasar ni Claude sa kanya.

Hanggang sa makasakay sila ng bus hindi na siya nagsalita pa. muli na naman siyang nagtaka dahil alam nito kung saang bus sila sasakay samantalang sa totoo lang simula ng makilala niya si Claude hindi pa sila nagkatanungan ng tungkol sa mga buhay-buhay nila.

"Claude"

"Tsk"

Pinanlakihan lang niya ito ng mata ng mag-tsk lang ito sa kanya.

"Kanina ka pa, ay mali noong unang araw na nagkita tayo ganyan ka na sakin. Kainis ka"hindi niya maiwasan na tarayan na naman ito.

"Paano, puro ka naman kasi pagtataray"bulong nito na narinig naman niya.

Doon naisip niya panay nga naman siya angil sa binata, dinadaan niya sa pagtataray lahat ng pag-uusap nila. Naguilty naman siyang bigla sa sinabi nito sa kanya.

"Sige, papakabait na ako"bulong din niya.

Nakatitig siya dito, deretso naman ang tingin nito na para bang tagusan ang lahat ng nakikita nito ngayon.

"Claude kasi, bakit sasama ka pa sakin? Diba busy ka?"hindi pa din niya maiwasang hindi magtanong.

Bumuntong hininga naman ito sabay tingin sa kanya.

WERE MARRIED? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon