15

12.3K 339 5
                                    

Flashback

NAHIMATAY ang nanay ni Rhiane ng ibalita nila ang kalagayan ni Rhiane na nagdadalang tao ito. Hindi na siya nabigla sa naging reaksiyon ng ina nito, lalo pa ng magalit ito sa kanya.

"Ang sabi mo sakin Claude hindi mo gagawin ang bagay na ito hangga't hindi pa gumagaling ang anak ko"sermon sa kanya ni Nanay Tina ng magising na ito.

Nasa kwarto si Rhiane at pinagpapahinga niya, ayaw din niyang marinig nito ang sermon na aabutin niya sa magulang ng kanyang nobya.

"Sorry po"iyon nalang ang tanging nasabi niya.

Kahit pa nga nagpaalam silang magsasama ni Rhiane, may usapan pa din naman sila ng ina ng nobya niyang hindi niya gagalawin ang dalaga hangga't hindi pa ito gumagaling.

Pero anong magagawa niya kung ito na mismo ang gumagawa ng paraan para maganap ang hindi dapat. Gusto niyang sisishin si Berta sa lahat ng natututunan ni Rhiane dito. Alam kasi niyang si Berta ang nagtuturo kay Rhiane ng mga nalalaman nito ngayon.

Pero may side sa kanya na hindi din naman niya magawang magalit dahil ginugusto din naman niya ang lahat.

"Ano na ang plano mo ngayon?"tanong ni Nanay Tina sa kanya.

Bumuntong hininga muna siya bago siya sumagot.

"Papakasal na po kami ni Rhiane, kahit sa huwes lang po muna 'nay"aniya.

Napailing nalang ang naging reaksiyon nito sa kanya bago ito tumayo at iwanan siya. Nakita niyang pumasok ito sa kwarto nila ni Rhiane. Siguro kakamustahin nito ang anak nito kung ano na ang kalagayan nito.

Siya naman ay tumayo na din at nagpunta sa labas ng bahay. Nakasara ang talyer niya kapag linggo simula ng magsama na sila ni Rhiane, dahil para sa kanya ang linggo ay araw nilang dalawa ni Rhiane. Pero iba ang araw na ito, may mga kailangan siyang gawin ngayon.

Kahit na ayaw niyang pumunta sa bahay ng tatay niya kailangan pa din naman niyang magpasintabi sa ama niya na ikakasal na siya. Isa pa kahit naman na anak lang siya sa labas ng tatay niya close siya sa mga kapatid niya dito. Ipapaalam niya sa mga kapatid niya ang magandang balita na magkakaanak na sila ni Rhiane.

"Kuya Claude!"masayang sinalubong siya ng bunsong kapatid niya na si Charlotte.

Nakangiti naman niyang sinalubong din ang kapatid niya ng isang mahigpit na yakap. Mabait naman ang pamilya ng tatay niya, sa totoo lang gusto naman siyang kupkupin ng asawa ng tatay niya noong namatay ang mama niya. siya lang ang may ayaw, una kasi naiilang siya pangalawa hindi siya in good terms sa tatay niya.

Kasi naman ang nanay niya ang naunang naanakan pero dahil mahirap lang ang nanay niya hindi pinakasalan ng tatay niya. dahil noon pa lang mataas na ang ambisyon ng tatay niya, kaya nga sobra ang tuwa ng tatay niya ng maging mayor ng kanilang bayan. Sa tulong ng asawa nito na galing sa kilalang pamilya ng bayan nila.

"Buti naman at dinalaw mo kami kuya"ani ng kapatid niya.

Nakangiti niyang ginulo ang buhok nito sabay akbay niya dito, naglalakad na sila papasok sa loob ng mansiyon ng mga ito ng tumatakbo ding sumalubong sa kanya ang iba pa niyang kapatid.

"Kuya"nakangiting tawag sa kanya naman ni Chance, ang panganay naman ng tatay niya sa asawa nito.

"Glad you visit us today, kala ko puro ka nalang ate Rhiane kuya Claude."may hinampo sa tono ng pagsasalita ng isa pa niyang kapatid na si Charmaine.

WERE MARRIED? (COMPLETED)Where stories live. Discover now