14

12.5K 341 16
                                    

Flashback

NAGING madalas ang pagpapalit palit ng ugali o pagkatao ni Rhiane. Mas madalas kapag binibisita ito ng ina nito sa kanila. Matapos ang araw na nalaman nila ang totoong pagkatao ni Rhiane hindi pa din sumama ang dalaga sa totoo nitong pamilya.

Nalaman niyang naghiwalay ang mga magulang nito, may ibang pamilya na daw ang tatay nito. Na hindi naman matanggap ng dalaga dahil mas malapit ito sa tatay nito kaysa sa nanay nito. nalaman din niya na maayos naman si Rhiane ng umalis ito sa bayan nito para sundan sana ang tatay nito na sa kanilang bayan naman napiling manirahan kasama ang bagong kinakasama nito.

Kaya hindi din alam ng nanay nito kung bakit nagkaganoon ang dalaga.

"Rhiane"tawag ni Nanay Cristina o Tina ang ina ni Rhiane.

Makalipas ang dalawang linggong pabalik balik nito sa bayan nila at sa bayan ng mga ito napagpasyahan niyang patuluyin nalang sa bahay niya ng tuluyan ang ginang. Para ng sa ganoon din mabantayan nito ang anak at matulungan na gumaling sa karamdaman nito.

"Po"mahinang sagot naman ni Rhiane.

Nasa sala ang dalawa at kasalukuyan na nagtitiklop ng mga damit ng mga ito na bagong laba. Kasama na din ang mga damit niya at ni Nana Cely.

"Wala ka pa din bang naaalala anak?"tanong ng ginang.

Mula sa kinauupuan niya sa mismong talyer niya naririnig at nakikita niya ang usapan ng dalawa.

Tanging iling lang ang naging sagot naman ng dalaga sa ina nito. buntong hininga naman ang namutawi sa ginang habang matamang nakatitig sa anak nito.

"Kailangan na nating umuwi sa atin anak. Nakakahiya na kasi kay Claude na nakikitira tayo dito"narinig na naman niyang turan ng ginang.

Kita naman niya ang pagsimangot at pagtigil ni Rhiane sa pagtitiklop ng damit.

"Dito lang po ako, kasi pag umalis ako malulungkot si Papa. Lab lab niya ako kaya hindi niya ako papayagan na umalis dito"nakasimangot na sagot naman nito.

Lihim siyang napangiti sa naging sagot ng dalaga sa ina nito. nasanay na din siyang papa na ang tawag sa kanya ng dalaga. Kahit ilang beses na nilang itinatama ang dalaga wala pa din naman nangyari, papa pa din ang tawag sa kanya.

"Anak, hindi mo papa si Claude"malumanay na paliwanag ni Nanay Tina.

"Papa ko po siya. Kasi palagi niya ako niyayakap. Tapos nikakantahan pa niya ako bago matulog. Kaya papa ko po siya, papa ko siya."matigas na sagot naman ni Rhiane.

Napatayo pa siya ng makita niyang padabog na tumayo si Rhiane at alam na niya kung saan ang punta nito. sa kinaroroonan niya.

"Papa, punta tayo sa bukid please"anito ng makalapit na sa kanya.

Napatikhim naman siya sabay lingon sa likod nito sa gawi kung nasaan ang ina nito.

"Anong gagawin natin doon, wala pa namang tanim ngayon sa bukid"sagot niya dito.

"Date"inosenteng sagot nito.

Narinig niya ang tunog ng mga nalaglag na mga kagamitan na hawak ng mga kasama niya sa talyer na busy sa pagkukumpuni ng mga sasakyan doon. nang lingunin niya ang mga ito nakita niya ang kakaibang ngisi ng mga ito. nang matanawan niya ang asawa ni Jose na si Berta kita niya ang pagtawa nito na nakathumbs-up kay Rhiane.

"Ano ba yang sinasabi mo Rhiane?"baling naman niya sa dalaga.

Nakasimangot ito habang nakatitig din sa kanya. nakapameywang pa nga ito habang nakakunot noo'ng nakatitig sa kanya.

WERE MARRIED? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon