19

11.2K 326 8
                                    

INIWANAN na sila ng tuluyan ni Claude sa Mall, wala namang ibang ginawa sa kanya si Daniel after ng ilang beses siyang hinalikan nito at kaunting himas at hipo sa kanyang katawan.

Kahit na anong hanap niya kay Claude hindi na niya talaga nakita ito. Baka umuwi na ito sa sobrang inis sa kanya. parang bigla gusto niyang nasa tabi niya si Claude kaysa sa kay Daniel.

"C'mon baby"aya nito sa kanya.

Nag-aabang sila ng masasakyan nito pauwi sa kanila, gabi na din matapos silang manood ng sine. Naglibot pa silang dalawa, bumili ng ilang mga damit pa. kumain na din sila ng hapunan doon bago nagpasyang umuwi na.

Pero ganoon nalang ang gulat niya ng kaysa sa sakayan ng bus pauwi sa bayan nila dinala sila ng tricycle driver sa isang hotel.

"What us do here?"kinakabahan niyang tanong kay Daniel.

Nginitian lang siya nito bago inakay papasok sa hotel ng makuha nila ang lahat ng pinamili nila.

"We're going so spend the whole night here baby. I want you so badly"bulong pa nito sa huling sinabi nito sa kanya.

Napahinto naman siya sa paglakad na ipinagtaka nitong bigla. Mabagal ang bawat salita nito kaya kahit papaano naintindihan niya ang bawat sinabi nito.

"Here, us sleep?"pagka-klaro niya.

Tumago lang ito at muli siyang hinapit palapit dito at inakay siyang muli papasok sa loob ng hotel.

"No!, nanay...nanay needs me. We home, ride bus please"pakiusap pa niya dito.

Nakakunot ang noo nito habang nakatitig sa kanya. pero sa bandang huli napilit din niya itong umuwi sa kanila. Ewan ba niya pero iba talaga ang pakiramdam niya, dapat sunod sunuran lang siya kay Daniel, kasi magiging asawa na niya ito. pero iba pa din talaga. Para siyang natatakot na ewan ng mga sandaling iyon sa lalaki.

Iba ang pakiramdam niya noong si Claude ang nakasama niya sa loob ng iisang kwarto. Palagay ang loob niya kahit pa unang beses niyang makita ito. samantalang si Daniel naman, parang natatakot siya na ewan, basta hindi siya kampante na sila nalang dalawa.

Tahimik siya sa buong biyahe nila, kahit na ilang beses na siyang kinakausap ni Daniel hindi niya naman ito pinapansin. Pangiti-ngiti lang siya sa bawat sinasabi nito, na lahat ay tungkol sa kasal nila na gaganapin sa ibang bansa.

Tinatanong din siya nito kung maayos na daw ba ang papel niya, na panay din ang tango niya. wala siyang ibang sinabi na kahit na ano sa buong biyahe. Hanggang sa dumating sila sa bahay nila, nakasara na ito halatang nakatulog na ang nanay niya. nakita niyang nasa labas na ang sasakyan na ginamit nila kanina na hiniram lang ni Claude.

Pagpasok nila ni Daniel bumungad sa kanila si Claude na mukhang wasted na. ang daming nakakalat na bote ng alak sa sahig.

"I'll just change my clothes baby"paalam ni Daniel sa kanya.

"No, sleep too. Me okay here, I wash plate and....ano nga English ng sinop ng bote...ahh.. all bottle here put out home"aniya dito.

Tinanguan lang siya ni Daniel bago siya nito hapitin at walang Sali-saling halikan sa mga labi niya.

"Tsk"

Napalingon naman siya sa nakahigang Claude sa sahig nila, nakapikit ito pero mukhang nakikita niyang gising pa ito kahit na nakapikit ito ngayon.

"Go"taboy niya dito after ng halik nito sa kanya.

Hindi na naman nagsalita pa ang binata at iniwanan nalang siya nito, napabuntong hininga naman siya bago niya hinarap si Claude.

WERE MARRIED? (COMPLETED)Where stories live. Discover now