3

15.3K 360 5
                                    

-

Monday ngayon at papunta ako sa quad dahil wala yung prof ko. Haaaay. Eto yung isa sa pinaka boring na part ng pagiging college yung pag ang lalayo ng vacant time mo tas pagwala pa yung prof mo wala kang choice kundi tumambay sa school at maghintay.




Gusto ko sana pumunta ng lib kaso ang mga walang hiya ginawang tulugan yung library ang daming taong tulog wala kong mapwestuhan sa inis ko dumiretso na lang ako sa quad.




Kakaupo ko pa lang ng makita ko yung barkada nila Gab sikat sya dito pati na mga kaibigan nya. Si Gab na anak ng may ari ng school nato at mga kaibigan naman nyang sumikat dahil lagi silang laman ng mga pageants dito sa school maging sa labas. Napapasama din sila minsan sa mga magazines kaya ganon na lang sila pagtinginan at hangaan ng mga tao.




Kaya sa tuwing dadaan sila mapapatingin ka talaga sa taglay nilang kagandahan kahit ang babata pa ng mga to. Mapababae o lalaki napapalingon.




3 weeks na din simula yung nangyaring yu  na about sa phone nya simula nun lagi nako kinukulit ng mga to kaya nalaman ko din yang mga info na yan about them. Nasa grade 10 na din silang lahat 16 years old na ang mga edad nila pare pareho.


Nakita ko namang patakbong lumapit sakin si Lira at payakap na kumapit sa braso ko.

"Weeeeeen! Namiss ka namin." Oo nga di halata kasi pagkatapos nyang tumakbo palapit sakin sumunod naman yung apat si Gab lang yung natitirang naglalakad.

Parang nalungkot naman ako di sya masayang nakita ako.

Wala kasi silang Saturday class kaya 2 days din nila kong di nakita. Tinanong ko nga din sila na kung wala silang Saturday class bakit sila nasa school nung time na binalik ko yung phone ni Gab ang sabi naman nila nandito lang daw talaga sila nung araw na yun para magpasa. Lagi na din silang tumatambay sa shop na pinagtatrabahuhan ko minsan para mangulit lang dun.

"Hi Wen." Bati sakin ni Gab.



"Hi Gab." Bati ko sakanyang nakangiti. Pagdating nya pinagaalis alis din ng mga kaibigan nya yung mga yakap nila sakin. Hinila naman sya ni Jane paupo patabi sakin.

"Pwede ba tayong magusap mamaya?" Nahihiyang sabi nya.


Alam ko na paguusapan namin about nanaman yan dun sa pagsauli ko ng cellphone nya gusto nya kasing bumawi sakin at magsorry na din daw sa pagsigaw nya. Ilang beses ko na nga ding sinabing okay na yun pero ayaw nya paawat.



"Bat mamaya pa? Now na lang kayo magtalk wala naman tayong class mamaya pa. We'll just buy  a lang muna ng frappe." Sabi ni Steph agad naman nagsitanguan yung apat at sabay sabay nagsialisan



Pipigilan pa sana sila ni Gab pero pinigilan ko naman sya.




"Ano ba gusto mong sabihin? About nanaman ba yan sa phone mo?" Pagtanong ko sakanya. Nakayuko naman sya at dahan dahang tumango. "Di ba sabi ko naman sayo okay na yun?" Inangat ko yung mukha nya habang hawak yung magkabilang pisngi nya. Pagangat ko sa mukha nya nakapout nanaman ito.




"Eh ayoko nga. Sige na kasi sabihin mo na kung ano gusto mo hanggat kaya ko ibibigay ko." Nagpapadyak pa nyang sabi. Natawa naman ako sa ginawa nya.



"Alam mo kahit ang cute cute mo ngayon pero hindi na talaga." Kinurot ko naman yung pisngi nya na nagpahaba pa lalo ng nguso nya.




Sa loob ng ilang linggong nakilala ko sya ganto sta pag may gusto talaga syang makuba nagpapacute kaya di ka talaga makakatanggi. Pagkasama namin mga kaibigan nya ang tahimik nya lagi pero pag kaming dalawa na lang sobrang kulit nya daig nya pa si makoy sa kulit. Natatawa na lang ako kasi ang cute nya lagi pagganon.




"Pagisipan mo muna bago ka huminde. Sige na Wendel!" Nagpapadyak pa ding reklamo neto habang niyuyogyog yung katawan ko. Di naman malakas.




"Oo na pagiisipan ko na." Bigla naman syabg napangiti sa pagalog sakin at niyakap ako ng mahigpit.




"TALAGAAAAA?! Yes! Pagiisipan mo ha?" Tumango na lang ako sakanya. "Namiss kita Wen sobra naunahan lang ako ng mga babaitang yun na yumakap sayo kanina pero namiss kita." At oo ganto din sya kaclingy at kasweet sakin pag kami lang dalawa.



Bigla naman nabuhayan yung dugo sa narinig ko parang yung lungkot na naramdaman ko kanina nawala dahil sa sinabi nya.




"Namiss ko din kayo." I pat her back. "How's your weekend pala?" Tanong ko sakanya ng humiwalay sya sakin ng yakap.




"As usual boring." Nakabusangot nyang sabi sabay sandal sa balikat ko.





Di na kami nagsalita pagkatapos mun at pinanuod na lang namin yung mga naglalaro ng basketball sa may quad may mini court kasi dun pwera sa gym ng school.




Maya maya din dumating na sila Lira na may dalang frappe inabutan nya din ako ng Mango shake alam din kasi nilang I don't like frappe's and coffee.




"Thank you Lira." Sabi ko habang nakangiti.





"Ang sweet nyo naman. May pa sandal sandal pa." Pangaasar ni Clarisse.





"Baliw talaga kayo hinintay ko lang kayo makarating wala kasing kasama si Gab iniwan nyo. Malelate nako sa next class ko." Pasabi ko sakanila atsaka tumayo. "Mauna nako ha see you around." Paalis na sana ako ng pigilan ako ni Gab.




"Wen pagisipan mo ha? I'll call you mamaya para nagtanong." Nakapout nyang sabi sakin. Ginulo ko naman yung buhok nya at ngumiti.





Matagal ko ng pinagisipan yun kaso paghiniling ko sakanya yun mabibigay nya kaya? Feeling ko hindi.




Nalungkot naman ako sa naisip ko. Dahil dun buong araw akong badtrip pati sa trabaho ko nadala ko pagkabad trip ko.

The Girl That I Love (gxg) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon