27

7.3K 182 8
                                    

A/n: Hello po baka sa sabado po or sa tuesday ako maguud ulit 3 chapters ulit para masaya hihi tenchuuu 😊
-



Kinabukasan naghanda nako para pumunta kanila mama namimiss ko na sila 5 years ko din silang di nakita lagi lang kasi kami sa skype naguusap. Dumaan muna ako grocery store para bilan sila ng mga food supplies.



"Ma!" Sigaw ko sa labas ng bahay nila mama ng makarating ako nakasara kasi yon pagdating ko.



Maya maya lang may nagbukas na batang lalaki.



"Makoy ikaw ba yan? Ang laki mo na sa personal ha!" Patakbo naman syang yumakap sakin. "Asan si mama?" Tanong ko sakanya ng makapasok kami sa loob ng bahay.



"Lumabas lang po sya saglit ta." Sabi nya sabay abot sakin ng juice.



"Salamat. Mageeleven kana no?" Tumango lang sya at ngumiti sakin.



"Eto oh binili ko yan para sayo." Inabot ko naman sakanya yung paper bags na puro bili ko sakanya nung nasa states pa ko.



"Salamat tita." Tinanggap naman nya yun ng nakangiti.



Nang dumating si mama nagusap lang kami saglit at inabot ko sakanya yung mga pasalubong ko. Umalis na din ako kasi kailangan ko pang habulin yung schedule ni ate Sky which is sa lunch time lang sya pwede.




Nang mapark ko yung kotse ko pumasok ako agad sa shop huminto din muna ko agad sa may pinto at nilibot ko yung paningin ko.



3 years ago ng irenovate to ni ate Sky inayos nya ulit to. Nagbago na sya talaga ibang iba na yung itsura nya kesa sa dati mas gumanda to ngayon.



Napangiti na lang ako ng maalalang ang dami ko ding masasayang memories dito kasama sya.



Pagkatapos kong sipain yung mga pagbabago sa shop agad na rin akong pumasok sa loob ng opisina ni ate Sky.



"How's my favorite cousin?" Masayang bati ko pagkabukas ko ng pinto ng opisina nya.



"Raine!!" Patakbo namang lumapit sakin si ate Sky. "God I miss you!"



Natawa naman ako. Higit isang taon na din kasi ng huli kaming magkita nung bumisita sya dun sa states. Ako pa nga yung pinapauwi nya non pero sabi ko ayoko kaya no choice sya haha.



"Di ka man lang nagsabi na uuwi ka!" Sabi nya sabay palo nya sa braso ko.



"Surprise nga te eh. Pagsinabi ko sayo di na surprise yun diba? Tsaka kasama ko sila Cloud umuwi." Nakangiti kong sabi napasimangot naman sya sa sinabi ko.



"Kausap ko lang si Cloudy kahapon and yet di man lang sya nagsabi na nakauwi na pala kayo?!" Natawa naman ako kasi para syang bata na di nabilhan ng candy. Napa 'hmp' na lang sya.



Pagkatapos ng ilang kumustahan napaasyahan na naming kumain ng lunch after nun nagpaalam na din kami kasi may kameeting pa sya.



"Bye Raine I'm so happy to see you again." Yakap sakin ni ate Sky.



"Pumunta ka sa bahay next week may pa welcome party daw sila mommy samin." Natawa naman sya sa sinabi ko.



"Really? Party talaga?" Natawa pa sya lalo. She knows I really hate parties.



"You know mom. Sige na mauna na din ako ingat ka ate ha?" I bid her goodbye at sumakay nako sa kotse ko.



Pinaandar ko naman ang kotse ko at pumunta sa isang condo may bibisitahin pa kasi ako.



Nang makarating ako sa floor na tintirhan nya agad akong nagdoor bell na. Wala pang ilang minuto may nagbukas na ng pinto.



"Sino ya-" Shock na mukha ni Samantha ang tumambad sakin. "Oh my god." Napatakip pa sya sa bibig nya kaya natawa ako.



"Hi?" I said while spreading my arms. Agad naman syang yumakap sakin she put her arms around my neck and kiss me sa may gilid ng lips ko like she always do before.



Ginulo ko naman yung buhok nya.



"Bat di ka nagsabing uuwi ka ha?!" Pagpasok na pagpasok namin sa loob ng condo nya agad kong tinadtad ng mga kurot.



"Aray babe aray tama na hahaha." Pigil ko sa kamay nya. Nang makuha ko na yung kamay nya agad ko syang niyakap ulit.



"May gana ka pa talagang tumawa! Nakakainis ka!" Palo nya sa likod ko pero yumakap din agad.



"Surprise kasi to babe kaya sorry na." Haplos ko sa buhok nya habang nakayakap.



Kung nagtataka kayo kung bat sobrang close na namin ni Sam it happened 4 years ago. Andun sya nung mga panahong hinang hina ako na gusto ko ng sumuko andun sya sa tabi ko at di nya ko iniwan di nya ko sinukuan. Kahit ilang beses ko na syang pinagtulakan non pero di nya ko iniwan.



Andun sya para punasan lahat ng luha ko patawanin ako pag nalulungkot ako but we remained friends di na namin binalik pa yung dating meron kami tsaka engaged na to ngayon nasa france nga lang yung boyfriend nya kasi andun yung business nya.



Nagkwentuhan lang din kami saglit na kumustahan bago ako umuwi. Sa tagal ko nga sa condo nya inabot nako ng gabi.





Pagdating ng bahay agad din akong pumunta ng kwarto ko at natulog na.

The Girl That I Love (gxg) Where stories live. Discover now