18

8.4K 203 1
                                    

-







Pagkatapos namin maglibot sa mga souvenir shop. Nadaanan namin yung horror house kaya dun na kami dumiretso. Gusto nya daw eh pero ako? Next question please.




"Tara na love pumila na tayo! Tingnan mo oh walang pila sayang naman!" Nakita kami naming nagdire diretso lang yung mga tao na pumapasok dun.





"Love tsaka na yan. Vikings na lang muna." Turo ko sa may bangkang pagewang gewang paabanta paatras. Magkalapit lang kasi yung dalawang yun.




"Mamaya na love eto na nga muna ano ka ba!!  Sabi nya sabay palo sa braso ko. Napahawak na lang ako sa batok ko. "Wait!" Bigla naman nya ko binigyan ng tingin na nagtataka. "Don't tell me natatakot ka na pumasok dyan?" Sabi nya na may halong pangaasar sakin.




Di ko na lang sya sinagot tumingin naman sya sakin na para bang di makapaniwala. Maya maya tumatawa na sya na parang walang katapusan. Napabusangot tuloy ako ng wala sa oras.




"Omaygad looooooove!" Natatawa nya pa ding sabi may paghampas pa sya sa braso ko pero mahina lang.





"Tsk. Oo na takot nako dyan so pwede na bang ipass na lang natin yan?" May halong pagkainis aa tono ko. Mabilis naman tong umiling habang nakangiti at nagpipigil ng tawa.





"Nope we're still going in." Pagkasabi nya nun nahila na nya kong tuluyan palapit dun sa entrance.






Bago pa kami makapasok niyakap ko na sya mula sa likuran at tinago ko yung mukha ko sa leeg nya para di ko makita yung kung ano man ang di ko dapat na makita.





Narinig ko naman yung mahinang tawa nya. Wala nakong pake kung pagtawanan nya ko basta kasumpa sumpa tong lugar nato at gusto ko ng makalabas dito ng mabilis.




Naglakad na sya papasok na sinundan ko naman. Dahan dahan lang yung lakad namin kasi hirap din syang kumapa sa dilim lalo na nakaalalay sya sakin. Nakakahiya man pero sya kasi eh gusto nya pang pumasok dito takot na nga ako.



"WAAAAAAAH!!" Napasigaw ako habang nagtatalon talon pano ba naman kasi naramdaman ko na may humawak sa paa ko pishtea! Pinagsisipa sipa ko pa yung paligid ko habang tumatalo talon.




Narinig ko naman yung tawa ng girlfriend ko kaya mabilis ko syang hinila buti na lang malapit na kami sa exit.





Pero bago pa kami makalabas ng exit may nanggulat nanaman samin.






"Ay puting kabayong nalunod!" Sigaw ko sabay hampas sa mukha nung kung sino man tong naggulat samin o sakin lang kasi ako lang naman yung nagulat. Tinanggal naman nung nanggulat yung maskarang suot nya at napahawak sa mukha nya. "Sorry kuya ikaw kasi." Paghingi ko ng sorry dun sa multong kuya bago hinila ulit palabas si Gab.



Nang makalabas na kami ng tuluyan dun na tumawa ng pagkalakas lakas tong girlfriend ko.





"Ang saya mo naman love." May pagsarkastikong sabi ko sabay labas ng pekeng ngiti ko.






Tumigil naman sya sa pagtawa at nagpunas ng mata na parang naiiyak.





"Grabe love you made my day." Natatawa nyang sabi. Ginulo ko naman yung buhok nya.






"Sige na nga di nako mapipikon sa pagtawa mo sakin at least I made your day." Natutuwang sabi ko pa sakanya.





Pagkatapos namin sa horror house na yun eh lumabas na kami sa pinaka labas para sa mga extreme rides.





The Girl That I Love (gxg) Where stories live. Discover now