20

8K 199 2
                                    

-




1 year later...




Papunta na ko sa bagong block ko. 4th year 2nd sem na kasi unting kembot na lang gagraduate nako.


Pagpasok ko naupo ako sa may tabi ng bintana ako pa lang ang nandito maaga kasi akong pumasok ngayon kaso hinatid ko pa si my labs.



Going strong pa din naman kami ni my labs minsan may awayan may tampuhan may selosan pero di naman namin hinahayaang tumagal yun at nagkakaayos din agad.


Nahiwalay nga si my labs ng block kanila Lira kaya sobrang lungkot nya kanina bago pumasok ng room nila. Nahuli na kasi sila Lira magenroll kaya ganon alam nyo namang anak ng may ari ng school nato ang girlfriend ko kaya always first sya.


Matutulog muna ko dahil may 30 minutes pa ko bago magtime.



Di naman nagtagal may gumising sakin inaalog alog nya pa yung braso ko.




Nagangat naman ako ng tingin. Pagkakita ko ang dami ng tao sa loob ng room. Yung iba familiar sakin yung iba hindi ko pa nakikilala. Nasa may bandang gitna ako nakaupo sa may tabi ng bintana.


Tiningnan ko naman kung sino yung umalog alog sakin kanina.




"Sam?" Gulat kong tanong. "Kaklase kita sa subject nato?"



Tumango naman sya sa sinabi ko habang nakangiti. "Pati sila." Turo nya sa likod nya. Pagtingin ko yung barkada ko noon at barkada nya ang nandito.


Wala nanaman akong sama ng loob sakanila kaya no big deal na saking maging kablock sila. Tumango lang ako sa kanila habang nakangiti bago humarap ulit sa unahan.


"After neto ano next subject mo?" Tanong sakin ni Sam.




"Mamaya pang 1:30 ulit."



"Parehas tayo. Sabay ka na samin maglunch?" Tanong nya.




"Hindi na siguro sa library na lang ako." Tanggi ko sakanya.



"Please para naman makabawi na kami sayo."





Tiningnan ko naman sya at nakita kong magkadikit yung kamay nya habang nakangiti. Tumingin din ako sa likod at halata mong nakikinig sila samin ni Sam.




Tumango naman ako na parang nahihiya pa.




"Nasan nga pala si Jonathan?" Si Jonathan yung dati kong bestfriend na pinalit sakin ni Sam.




"Lumipat na sya ng school 2 years ago pa." Nakangiti nyang sabi.



"Wala na kayo?" Gulat kong tanong.




"Di naman kami nagtagal wala pa ngang buwan hahaha." Sa narinig ko para namang nainis ako. Kaya di ko napigilang magtaas ng isang kilay sakanya.



"Sinaktan nyo ko parehas pero di naman din pala kayo magtatagal kung manloloko kayo sana pinanindigan nyo na!" May halong inis na sabi ko.



Nagulat naman sya sa sinabi ko pero agad ding natawa at kinurot yung magkabilang pisngi ko. Napaiwas naman ako. Ganto sya sakin noon pagnacucutan sya sakin.



"Ikaw talaga ang cute mo pa din hahahaha." Sabi nya sabay gulo sa buhok ko. "Nung naging kami kasi narealize ko infatuation lang yung feelings ko para sakanya ganun din sya sakin at ikaw pa rin pala yung mahal ko."


The Girl That I Love (gxg) Where stories live. Discover now