29

7.2K 202 9
                                    

Ganon po ulit yung mga naka bold po ulit dapat nakaitalic sila. Ayaw pa rin talaga gumana sa pashneang ipad na to 😭 Dalawang update lang po muna ngayon next week naman yung dalawa 😚
-



"Napaka ganda naman pala netong anak nyo eh!" Puri sakin ng isa sa mga ka business partner nila Daddy.



"Ay thank you po." Nahihiyang sabi ko naman.



"Syempre naman pare kanino pa ba magmamana yan diba?" Nagtawanan naman sila sa sinabi ni Dad pero ako naman eto naiilang na napangiti na lang.



Kasalukuyan kasi akong pinapakilala ni Daddy sa mga ka business partners nya. Nagpaalam na din agad si Dad sa mga kausap nya bago nya ko ayain ulit sa ibang table.




"Halika anak dun naman tayo sa kabila wag ka magalala isa na lang to at pwede ka ng maupo." Sabi ni Daddy sakin ng makita nyang nahihirapan nako maglakad at paika ika na dahil sa heels na suot ko.



Pano ba naman kasi si Mommy pagbaba ko kanina sa stage pinatanggal nya agad yung flat shoes na suot ko at pinasuot sakin tong pagkatangkad tangkad na heels! Tatanggi pa sana ako ng hilahin nako ni Daddy kaya di na talaga ako nakaangal.



"Okay lang po kaya pa naman po Dad." Pilit na ngiting bigay ko sakanya.



Kahit gustong gusto ko ng maupo di ko naman pwedeng pabayaan si Daddy magisa tsaka nakakahiya mamaya makita pa ko ng mga bisita dito lalo na yung mga ka business partner nila Daddy sabihing heels pa lang give up nako.



Lumapit kami sa isang lamesa di ko masyadong makita kung sino ang nakaupo kasi nakasunod lang ako sa likod ni Dad tsaka dim kasi yung ilaw si mo talaga makikita masyado yung mga tao pag di malapit sayo.



Nang tuluyan nakong makalapit nakita ko na kung sino ang mga nakaupo dun.



"T-tito?"



Nagulat akong makitang andito ang parents ni ano at invited din pala sila dito.



Malamang Raine nasa mayamang pamilya din ang ex mo!



"Kumpadre mabuti at nakapunta ka!" Nakipagkamay si Daddy kay Tito at nagbeso naman sila ni Tita. Nakahinga naman ako ng maluwag ng makitang wala dun yung ayokong makita. Ay di naman pala sa ayoko di lang ako handa na makita pa sya sa ngayon.



"Oo naman inimbitahan ako ng best friend ko malamang pupunta ako!" Natawa naman silang tatlo sa sinabi ni Tito.



Oo nga pala bat ko din ba yun nakalimutan! Na mag best friend sila simula pa nung college. Nabanggit sya sakin ni Tito noon.



"Asan pala ang anak nyo?" Tanong ni Daddy. Parang di na ata nila pansin na andito pa ko.



"Gumamit lang ng rest room saglit." Nakangiting sabi ni Tita bago napatingin sakin. "Namiss kitang bata ka halika nga dito."



Agad naman akong lumapit kay Tita humalik sa pisngi nya at yumakap.



"Oh pano pare balik na kami sa table namin kanina pa kasi nakatayo at naglalakad tong anak ko."



"Mabuti pa nga para makapahinga na ang paa nya. Bastam pare yung napagusapan natin nung nakaraang araw."



Unting kwentuhan pa ang ginawa nila ng maisipan na ni Dad na bumalik na sa pwesto namin. Buti naman at di pa sya bumabalik nung andun pa kami sa table nila.



Di pa ko handa eh.



"Kung hindi lang ako engage na inaya na kitang magdate pagkababang pagkababa mo sa stage kanina." Narinig ko namang may nagsalita sa likod ko.



Nakangiti ko naman syang nilingon. Si Sam. Ang ganda nya sa suot nyang black fitted na dress tas naka messy bun din sya na di naman talaga ata sya messy kasi ang ganda tingnan sakanya.



"At bakit ngayon ka lang nagpakita sakin?" Kunwaring nagtatampo kong sabi sakanya.



Natawa naman sya sa inasal ko at kinurot yung magkabilang pisngi ko.



"Kasi naman po ang babe ko busy pa kanina!" Sabay gulo nya sa buhok ko.



Kumakain lang kami ni Sam at nagkukwentuhan ng may tumawag sa pangalan nya.



"Ate Saaaaaaam!!" Patakbong tawag ni Storm sakanya.



Nang makalapit sya sa pwesto namin agad naman silang nagyakapan. Tsk. Muntik pa tong madapa kanina sa pagmamadaling makalapit sa table namin ni Sam.



"Namiss kita ate." Nakalabing sabi ni Storm habang nakayakap kay Sam.



"Magkatawagan lang tayo kagabi ha?" Natatawang ginulo ni Sam yung buhok nya.



"Kahit na!" Mas humigpit naman yung yakap nya kay Sam.



At dun na nagsimula ang pangdededma nila sakin. Ganyan yang dalawang yan pag magkasama parang may sariling mundo silang dalawa. Di mo mapaghiwalay pag magkasama. Sobrang close kasi nila di na mapaghiwalay. Nagsimula yan nung pumupunta punta si Sam sa States nun para samahan ako.



Kaya laking pasasalamat ko talaga kay Sam nun kasi kahit busy sya dito sa Pilipinas di nya pa ding nakakalimutang bisitahin kami dun sa States. Para ngang ginawa nya lang makati pa manila yung Pilipinas pa States sa dalas nyang pumunta don.



"Ano itsapwera ka nanaman no?" Asar sakin ni Cloud.



"Sanay nako!" Natawa na lang kami parehas at sabay nilingon yung dalawang tuwang tuwa na naguusap.



"Restroom lang ako." Paalam ko sakanila pero parang si Cloud lang ata ang nakarinig dahil sya lang ang tumango sa sinabi ko. Busy pa kasi yung dalawa sa mundo nila.



Habang papunta ako sa restroom I was checking my phone kung may text ba sila Mama dun. Di ko pa kasi sila nakikita dito inimbitahan ko din kasi sila.



Nagtatype ako ng text para kay Mama ng may bumangga sakin. Napa sh*t pa ko kasi ang lakas ng pagkabungguan namin pati na din yung pagkabagsak ng phone ko.



Pinulot ko na yung phone ko at tiningnan ko kung wala bang basag bago hinarap yung nakabunggo ko nakatalikod na sya sakin. Babae na di masyadong katangkaran siguro mga ka height sya ni Sam.



"Miss sorry okay ka lang ba?" Tawag ko sakanya ng makitang paalis na sya. Malakas kasi talaga yung bungguan namin baka nasaktan sya.



Para naman akong nakakita ng multo ng lumingon yung babaeng tinawag ko. Parang nagsisisi naman akong tinawag ko pa sya.



"Gabriella." Halos wala ng lumabas na sound sa bibig ko ng banggitin ko ang pangalan nya. Halos bulong na lang ang pag sambit ko sa pangalan nya sa gulat.



Alam ko namang makikita't makikita ko sya sa party na to eh andito nga parents nya diba? Pero kahit alam ko na magkikita't magkikita kami dito di pa din pala ko handa.

**

The Girl That I Love (gxg) Where stories live. Discover now