12

9.8K 217 1
                                    

-




Ang sarap ng tulog ko ng makarinig ako ng ingay sa labas. Tunog ng kotse actually pero maya maya huminto din to. Kaya bumalik nako sa pagtulog.



Pero kung minamalas ka nga naman yung cellphone ko naman yung tumunog. Sa antok ko di ko na tiningnan kung sino yung istorbong nanggigising sa masarap kong tulog


Ikinakasal na kami ni my labs sa panaginip ko eh badtrip naman!




"Hello?!" May pagkairita sa tono ng boses ko.





"Did I wake you up?" Bigla naman akong napabangon sa kung kaninong boses yung nagsalita sa kabilang linya.




Chineck ko pa kung tama yung hula ko kung sino nanlaki naman yung mata ko ng malaman ko kung sino yung tumawag.




"Love?! Ikaw pala sorry nakakabadtrip kasi yung ingay ng kotse sa labas eh pero no you didn't wake me up." Mabilis kong sabi sakanya.




I heard her laugh sa kabilang linya.






"Yes I did wake you up. Come downstairs nasa labas ako ng bahay nyo." After nyang sabihin yun binaba nya na yung tawag.





Agad naman akong bumaba wala nakong pake kung nakaboxer lang ako at sando. Shete 2 na ng madaling araw di magandang nagistay sa labas ng magisa ang isang magandang babaeng katulad ng girlfriend ko.



Pagbaba ko agad kong binuksan yung pinto at bumungad sakin ang isang napaka ganda babae na hulog ng langit na kasalukuyang nakasandal sa kotse nya at naka crossed arms pa habang kinukutkot yung daliri nya. Kahit ang ganda ganda nyang tingnan sa posisyon nya ngayon agad ko syang hinila papasok sa loob ng bahay.




"Love dahan dahan naman." Sabi nya habang hila hila ko sya papasok ng bahay.





Binuksan ko muna yung ilaw tsaka ko sya pinaupo sa sofa namin dun at humarap sakanya ng nakapamewang.





"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo? Alam mo ba kung anong oras na? Tas sa labas ng kotse mo pa talaga ako hinintay! Sana hindi kana lumabas sa kotse mo at sa loob na lang naghintay!!" Napasapo ako sa ulo ko para pigilan yung inis hindi dahil sakanya kundi sa sarili ko kasi ang pangit ng tonong lumabas sa bibig ko.



Tumayo naman sya at lumapit sakin naramdaman ko naman yung dahan dahan nyang yakap sa bewang ko.





"Love sorry na. Di lang kasi ako makatulog and namimiss na kita kahit magkasama lang tayo kanina kaya I decided na puntahan ka na lang." Nakayakap pa nyang sabi habang naka patong yung ulo nya sa balikat ko. Kahit di ko nakikita yung mukha nya alam kong naka nguso nanaman to.



Nilayo ko naman sya sa pagkakayakap nya sakin at tiningnan ko sya. "Baka din kasi nakakalimutan mo love na may pasok ka mamaya ng maaga."




"May dala kong uniform hihi." Napapalakpak pa sya habang sinasabi yun. Ang laki din ng ngiting meron sya lumalabas na din yung dimples nya sa right cheek nya. Napabuntong hininga na lang ako.




"Nakayanan mong magdrive papunta dito?" Takang tanong ko. Habang nakahawak ako sa bewang nya para akayin sya paakyat sa taas namin.





"Oo naman marunong po akong magdrive no." Pagmamalaking sabi nya pa sakin habang paakyat kami ng hagdan.






"Buti naabot mo hahaha." Pagkasabi ko nun binilisan ko na yung pagakyat ko dahil alam ko papaluin lang nya ko haha.






Pagpasok ko ng kwarto ko agad nakong nahiga sa kama ko at nagtago gamit yung kumot ko. Narinig ko naman yung pagsara ng pinto maya maya naramdaman ko yung malakas na palo nya sa braso ko. Lumabas nako sa pagkakatago ko sa kumot at ngiting ngiti na humarap sakanya.




"Ang sama mo." Naka crossed arms sya habang nakanguso. Natawa na lang ako sa itsura nya kaya hinila ko sya pahiga sa tabi ko.






Wala na yung ate ko dito last last week lang sya umalis pa ibang bansa kaya solong solo ko na yung kwarto.






"Hahaha ikaw naman love di na mabiro. Teka lang pagdudugtungin ko lang yung kama namin ni ate para makahiga tayo ng maayos." Patayo na sana ako ng pigilan nya ko at hinila pahiga ulit.





"Wag na kasya naman tayo tsaka I like it this way so close to you." Yan nanaman yung ngiti nyang nakakaloko. Napailing na lang ako.





Kasya naman kami sa kama ko kahit single bed lang to parehas naman kaming payat eh haha.






"Sige na matulog na tayo maaga pa tayong papasok bukas sa school." Sabi ko sabay pingot sa ilong nya. "Pero teka nagsabi ka ba kanila tito? Mamaya magulat na lang ako gusto nakong katayin ng tatay mo."






Natawa naman sya sa sinabi ko at nagsumiksik pa lalo sa may leeg ko. Naramdaman ko ding inamoy amoy nya pa ko dun.






"Nagtext nako love. Nag sabi na din ako kay yaya na kung sakaling hanapin ako nila Daddy sabihing andito ako sainyo." Sabi nya habang inaamoy amoy pa din yung leeg ko. Naiilang ako hindi naman namin to first time na ganto kami kalapit kaso ewan.





"Tulog na love uubusin mo na yung amoy ko nyan ha ha ha." Di ko na lang pinahalata na nakakaturn on yung ginagawa nya.






Naramdaman ko naman yung kamay nya sa may tsan ko sa loob mismo ng damit ko na parang may tinetrace sya.






"Bakit naman love hindi ko ba pwedeng gawin to?" Sabi nya. Pero nagulat ako sa biglang paglapat ng labi nya sa leeg ko.






"L-love ikaw t-talaga." Niyakap ko na lang sya ng mahigpit para di na nya gawin yung pangaakit sakin kasi baka unti na lang bumigay nako. At ayoko mangyari yun may tamang panahon naman para dun.





"HAHAHAHAHA why so cute love ha?" Natatawang piningot ni my labs yung ilong ko. Sabi na pinagtitripan lang ako neto eh.






"Ah ganon trip mo ko ah!" Pumaibabaw ako sakanya tsaka sya kiniliti.






"HAHAHAHAHA LO-LOVE HAHAHAHA H-HINDI N-HAHAHAHA PROMISE!" Tinigil ko na yung pagkiliti ko sakanya kasi baka marinig na nila mama yung tawa nya magising pa sila.





Humiga na ulit ako sa tabi nya. Nung nagkatinginan kami mata sa mata bigla na lang kaming natawa ng sabay.






"Good night love." Sabi nya tsaka nya ko hinalikan sa labi. Napatulala naman ako kasi first time na sya yung unang humalik sa lips. Kasi dati ako lagi nauuna eh hanggang cheeks lang sya.





Napangiti naman ako habang pinagmamasdan syang natutulog sa tabi ko. Nakayakap yung left arm nya sa tsan ko habang nakadantay din yung hita nya sa hita ko.





I tuck her hair at nilagay yun sa likod ng tenga nya para mas maayos kong makita sya habang natutulog.






Sino nga ba naman magaakala na tong babaeng to eh magiging akin. Ako na talaga ang pinaka maswerte sa lahat. Sya kasi yung tipong pinapangarap na makasama ng lahat kaya ang swerte swerte ko dahil mahal ako ng babaeng to.





I kiss her forehead hug her tight bago pumikit at natulog.







I love you so much Gabriella.

The Girl That I Love (gxg) Where stories live. Discover now