4

13.6K 360 19
                                    

-




Nasa bahay ako ngayon and It's Wednesday. Day off ko sa trabaho at wala kong pasok sa school.



Di ko pa din sinasabi kay Gabriella yung gusto kong kapalit kasi nagaalinlangan akong sabihin dahil sa hiya at takot. Kinukulit pa din nya ko tungkol dun.



Kagabi nga pati nung nakaraang araw magdamag nya kong tinawagan pag uwi namin para lang dun pero sinasabu ko lang na tsaka na lang na sa personal ko na sasabihin. Ngayon nasa bahay ako at tumawag sya sakin kanina at sinasabing magkita kami pero sabi ko nagpapahinga pa ko. Pinapalungkot nya pa yung boses nya kanina kaya natatawa na lang ako habang kausap ko sya.





Alas kwatro na ng hapon ng maisipan kong bumaba nakakarinig din kasi ako ng maingay sa baba namin eh kaya gusto kong silipin kung sino.




Pagkakita ko kung sino yung maiingay parang gusto ko na bumalik pataas pero nakita na nila ako.




"Oh wen mga bisita mo pala. Tatawagin na sana kita sa taas pero sakto at bumaba kana." Sabi ni mama habang inaabutan sila Gab ng juice.



Nakita ko namang may hawak hawak sila at sobra na lang yung gulat ko ng malaman kung ano yon kaya kahit nakaboxer lang ako sports bra at sando dire diretso akong pumunta kay Gab para kunin yung album ko na puno ng picture ko nung bata pa ko at niyakap yun. Puno rin to ng kahihiyan.





Patakbo akong umakyat ng kwarto at sa sobrang taranta ko binato ko na lang sya sa ilalim ng kama ko. Nagsuot na din ako ng tshirt. Palabas na sana ako ng biglang bumukas yung pinto at niluwa nun si Gab.



Niyakap naman nya ko agad pagkasara nya ng pinto. Yung ulo nya nakasiksik sa leeg ko.





"Sabi ko magkita tayo eh yan tuloy kami na lang yung pumunta." Kahit di ko sya nakikita alam kong nakasimangot sya.





"At sabi ko din sayo day off ko kaya nagpapahinga ako ngayon." Niyakap ko na lang din sya at pinatong yung baba ko sa balikat nya.




Ganito na kami kakomportable sa isa't isa. Maya maya humiwalay sya ng yakap naramdaman ko na lang din yung isang malakas na hampas sa braso ko.




"Ano ba naman tong kwarto mo!!" Nakapamewang nyang sabi sakin habang nakataas yung isa nyang kilay. "Feeling ko nasa bodega ako!"






Di ko mapigilang mapangiti habang tinitingnan ko syang nagrereklamo. Ngayon lang kasi sya nakapasok dito hanggang sala lang kasi sila tumatambay noon.




"At anong ngini ngiti ngiti mo dyan?! Linisin mo na kaya yan oh!" Sabi nya habang tinuturo yung mga kalat ko sa kwarto.





Napakamot naman ako sa batok ko.





"Mamaya na nasa baba pa sila Lira baka mainip yun." Paghila ko sakanya palabas ng kwarto ko. Pero di sya nagpatinag.





"Umalis na sila bago ko unakyat dito." Pagkasabi nya nun no choice nako kung hindi magligpit ng kalat.





Pagkatapos ng deka dekada kong paglilinis natapos din ako. Dapat day off ko ngayon at nagpapahinga ako eh.





Habang ako nagpapakahirap maglinis dito si Gab ayun prenteng nakaupo sa harap ng computer ko.






"Are you done?" Sabi nya ng makita ako nakalupasay sa sahig dahil aa pagod.






"Opo mahal kong prinsesa." Namula naman yung mukha nya sa sinabi ko. Di ko na lang din pinansin baka naiinitan lang sa kwarto ko. "Dapat nagpapahinga ako ngayon kasi day off ko pero eto ako nagpapaka pagod sa paglilinis." Padabog kong sabi habang paupo sa kama ko.





Tumayo naman sya dun at tumabi sakin. Niyakap naman nya ko bigla ng paside hug tsaka pinatong yung baba nya sa balikat ko.





"Eh kung lagi kang naglilinis ng kwarto mo edi sana hindi ka pagod ngayon." Nakangiti nyabg sabi.






"Tss pasalamat ka cute ka." Pabulong kong sabi.






"Ano?" Nakakunot noo nyang sabi.






"Wala po mahal na prinsesa ang sabi ko po eh maggagabi na baka hinahanap kana sainyo." Tumayo nako at hinila sya palabas ng kwarto.





Nang makababa kami nagpaalam na sya kay mama at kay makoy.






"Tita thank you po mauna na din po ako." Tumango lang si mama. "Bye makoy babalik si tita Gab ha?" Humalik pa sya sa pamangkin ko tumango lang ito at ngumiti sakanya. Tsk napaghahalataang mas gusto nya si Gan kesa sakin na tita nya talaga.






Hinatid ko na sya sa labas. Wala pa yung sundo nya kaya hinintay muna namin saglit.





"Wen sabihin mo na kasi sakin yung gusto mo." Sinabi nya yun ng huminto na sa harap namin yung kotse nila na sundo nya.




"Sumakay kana." Inalalayan ko naman syang makasakay pero di ko pa sinara muna yung pinto.






Hinawakan nya yung braso ko at tumingin sakin na parang nakikiusap. Naawa naman ako bigla sakanya. Napabuntong hininga na lang ako. Sinara ko na yung pinto ng kotse nila at kinatok yung bintana nilabas naman nya yung ulo nya dun kaya natawa ako.





Hinalikan ko sya sa noo na lagi kong ginagawa paghinahatid ko sya sa sundo nya. Nakikita ko namang napapapikit sya sa tuwing ginagawa ko yun.





"Magiingat ka paguwi tapos wag mo kakalimutang tumawag pag nandun kana sainyo." Malungkot lang syang napatango sakin. Hinawakan ko yung magkabilang pisngi nya.






"Maging girlfriend ka." Pagkasabi ko nun tiningnan naman nya ko ng naguguluhan. "Yun yung gusto ko." Pagkasabi ko nun binitawan ko na yung mukha nya at pumasok na ng bahay di ko na hinintay na makaalis yung kotse nya.



Bat ko ba sinabi yun?!







F*ck Wendel ang tanga tanga mo!!






I like ger pero dapat di ko na sinabi yun at kinimkim ko na lang sh*t nakakahiya pano ko sya haharapin bukas.

The Girl That I Love (gxg) Where stories live. Discover now