19

7.9K 217 0
                                    

-



Naglalakad na kami paparking lot ni Gab papunta na kami sa kakainan namin gutom na daw kasi ang mahal na prinsesa haha.


Habang naglalakad kami bitbit nya yung malaking Teddy bear na napanalunan ko sa laro kanina.



Tuwang tuwa namam sya nung magawa ko yung game nagtatatalon pa sya kanina with matching palakpak pa.



"Thank you dito love ah." Sabi nya sabay yakap ng mahigpit dun sa malaking Teddy bear.




"Basta ikaw." Ngiting sabi ko habang ginugulo yung buhok nya.



Pagpasok namin sa loob ng kotse agad ko ng pinaandar to. Nilagay nya muna yung malaking Teddy bear sa back seat.



"San na tayo love? Gutom na talaga ako." Nilingon ko naman sya at nginitian nakita ko pang nagpout sya pagkatapos sabihin yun.


Kinuha ko yung kaliwang kamay nya at hinawakan lang yun habang nagdadrive.




"Basta." Sabi ko sakanya sabay kindat.




Mga ilang minuto din akong nagdrive bago makarating sa pagkakainan namin. Pagka park ko sa tapat ng restaurant bumaba na din kami ng kotse at sabay pumasok sa loob.



"Good evening maam welcome to our restaurant I'm trisha do you have any reservation maam?" Tanong samin nung trisha daw ng salubungin nya kami sa entrance.



Tumango naman ako. "Reservation for 2." Sabi ko sakanya.




"May I know the reservation name please?" Tanong nya samin.



"Wendel Garcia." Nakita ko namang hinahanap nya yung pangalan ko at ng makita yun tumanho sya sakin.



"I'll assist you to your table maam this way please." Sabi ni trisha at naunang naglakad samin paakyat hanggang rooftop.



Sinundan lang namin sya habang ako nakaalalay kay Gab.




"I hope you'll enjoy your stay and meal maam." Nang marating namin yung rooftop umalis na din sya agad at iniwan kaming dalawa.



Napatingin naman ako kay Gabriella at nakita kong gulat ang nakarehistro sa mukha nya ngayon.



"Love gabing gabi picnic?" Tanong nya pero kita naman sa mukha nya na natuwa sya sa ginawa kong set up.



"Hindi mo ba nagustuhan?" Tanong ko sakanya ng makaupo kami sa may mat na nilatag ko bago kami magkita kanina.



Hinanda ko na tong event nato para sakanya ngayong araw. Bago ko sya sunduin kanina sakanila inayos ko na tong lugar para ngayon. Sinabihan ko din yung mga empleyado dito na bago kami umakyat ilagay na nila yung mga pagkain namin.


"Gustong gusto love! Kahit ang weird magpicnic sa gabi." Napabungisngis nya pang sabi.




Kumain muna kami saglit kasi alam ko namang gutom na talaga tong girlfriend ko sa mga ginawa at sinakyan naming rides eh.


Nang matapos kaming kumain lumapit ako sakanya at nahiga sa may lap nya.



"Nagpapalambing ka ba wen?" Natatawang sabi nya. Naramdaman ko naman na hinahaplos nya yung buhok ko nakakantok yung ginagawa nya.



Tumitig ako sa mata nya. Di pa rin ako makapaniwala na naging kami ni Gabriella. Madami pa kasing iba dyan na mas better kesa sakin mas bata kesa sakin pero ako yung napili nyang gustuhin.



The Girl That I Love (gxg) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon