32

7.1K 179 5
                                    

-



Gabriella's POV



"Sweetie gising!!"



Gulat na napamulat naman ako sa sobrang lakas ng sigaw at katok ni Daddy sa labas ng pinto ng kwarto ko.



Dali dali naman akong napatayo sa kama para pagbuksan si Daddy ng pinto.



"Yes Dad ano po ba yun?" Tanong ko ng mabuksan ko na ang pinto ko. Nakita ko namang bihis na bihis to may meeting siguro.



"Favor naman anak pwede bang ikaw muna ang umattend ng meeting ko sa DFC may importante kaming lakad ng Mommy mo outside the country nagka problema yung isa sa company natin sa States so we need to be there and maybe we'll be gone for a week. Nauna na ang Mommy mo sa airport so I really need to hurry." Humalik na sya sa noo ko at nagmamadaling bumaba ng hagdan.



Pero bago pa sya tuluyang makababa may pahabol pa syang sabi.



"And sweetie you should hurry up kasi kanina pa nagstart yung meeting ayaw mo namang mapagalitan ni Wen- I mean Raine diba?" Pagkasabi ni Daddy nyan agad na syang lumabas ng bahay.



Eto ako nakatulala sa may pinto ng kwarto ko tila di pa nagpaprocess sa utak ko yung sinabi ni Daddy. Pero napatakbo naman ako sa banyo ng wala sa oras ng maalala ko yung sinabi ni Daddy na kanina pa nagsisimula yung meeting.



Sobrang mabilisang ligo na ang ginawa ko. Wala na rin akong time para magmake up sa kotse na lang.



"Manong let's go. Bilisan nyo po ah." Bilin ko agad sa driver namin ng makapasok ako sa loob.



Gustuhin ko mang ako na lang magdrive kaso kailangan ko pang magmake up.



***



Takbo lakad na ang ginawa ko makarating lang ng mabilis sa conference room. Ang hirap neto ah ikaw ba naman tumakbo ng naka heels?!



Sanay naman na ko sa mga gantong meeting kasi minsan sinasama ako ni Dad sa mga meeting nya lalo na nung naggraduate nako minsan naman ako muna yung pumapalit sakanya tulad ngayon pero kasi ngayon lang ako nalaye kaya nakakastress to para sakin.



Nang makadating nako sa labas ng conference room agad ko ng binuksan yun. Pagtingin ko lahat sila nasakin ang atensyon. May nagrereport na sa unahan kaya nakatungo akong pumasok. Di ko naman kasi alam na patay ang ilaw sa loob edi sana nag dahan dahan ako sa pagpasok.



"I'm sorry I'm late." Hingi ko ng paumanhin bago naupo sa upuan na para kay Daddy dapat.



"Next time you'll be late wag kana lang ding pumasok you just disturb us in the middle of discussion and Kassandra I thought nandito na lahat?" Masungit na sabi nya. Tsk nangdamay pa ng iba!



"I'm s-sorry Maam." Hingi ng tawad sakanya nung babae na siguro sekretarya nya.



"Continue." Turo nya sa lalaking nagrereport sa unahan. Napansin ko namang natakot sya sa biglang pagsusungit ng boss nya kaya nanginginig yung boses nyang pinagpatuloy yung report.



Sa ginawa nya nabadtrip naman ako bigla kaya sinamaan ko sya ng tingin. Tila naramdaman naman nya yun apoy na nanggagaling sa mata ko kaya nagpalinga linga sya.



Pagtingin nya sa gawi ko tinaasan nya lang ako ng kilay and mouthed 'What?' Kaya inirapan ko na lang sya. Ibang iba na sya! Ang yabang nya na!



Maya maya lang nagsipalakpakan na kami meaning tapos na yung report.



"So Ms. Santos? What can you say about his report?" Nakataray na tanong sakin ni We-Raine pala.



Nagulat naman ako sa biglaang tanong nya and I know ginagawa nya to para ipahiya ako!!



ibinuka ko na yung bibig ko pero walang lumabas dun na kahit anong salita dahil wala naman talaga kong naintindihan dahil nga sa late ako.



Napangisi naman sya ng makita nyang wala kong masabi kaya mas lalo akong nainis pero di ko yun pinahalata kasi napapahiya na talaga ako dito sa loob.



"See? That's what you get for being late at alam mo rin namang di na nya uulitin ang report nya para lang sayo diba?" Pagkasabi nya nun agad na syang tumayo at lumabas pero agad agad ko naman syang sinundan.



Pasakay na sana sya ng elevator ng pigilan ko sya napalingon naman sya sakin.



"Let's talk!" May diin kong sabi bago ko sya hinila papuntang emergency exit.



"Ano ba yun? Kung di mo naitatanong madami pa kong gagawin sa opisina ko." Agad nyang sabi ng nasara ko na ang pinto at binitawan sya.



"What was that?! Dalawang beses mo kong pinahiya!" Labas labas ma siguro yung mga ugat ugat ko sa leeg sa sobrang inis ko sakanya.



"What? I was just asking you a question! Kung ayaw mong ginaganon kita then don't be late." Sabi nya bago nya ko tinalikuran.



Palabas na sana sya ng emergency exit ng marinig nya yung sinabi ko na nagpahinto sakanya.



"Yumaman ka lang nagbago kana." Malungkot kong sabi. Reminder lang Gabriella for you to not get hurt hindi na sya si Wendel na minahal mo si Raine na sya.



Hinarap nya naman ako ng sabihin ko yun.



"Hindi ang estado ko sa buhay ang nagpabago sakin. Don't you remember? It's you who change me."



Pagkasabi nya nun agad na syang lumabas. Di ko na sya hinabol.



But I've tried explaining my side to you but you always choose to shoo me away.



Kahit nalungkot ako sa inasta at mga sinabi nya kanina nanaig pa din yung inis ko sakanya kaya padabog akong umalis sa DFC at umuwi.



Sa ngayon kasi wala pa kong trabaho ewan ko ba kay Dad sinabihan ko na sya noon na gusto ko ng magtrabaho pero binabaliwala nya yung sinasabi ko tsaka I'm asking him to give me any position sa company namin ayaw naman nya meron daw syang plano para sakin so I just let him and Mom. I know naman kasi na it's for my own good.

The Girl That I Love (gxg) Where stories live. Discover now